Ika-12 ng Hunyo, 2016 (12:01 AM)

10 0 0
                                    

"P*TA! ANG IINGAY NINYOOOO!" Sigaw ng isip ko.

Safe. Hindi nila ako narinig magmura. Pumutok lang yung litid ko (echos).

"HAPI BERTDEY TU YU (HEY HEY) HAPI BERTDEY TU YU (EBRIBADI!) HAPI BERTDEY..." Sigaw-- kanta pala nila kasabay ang sintunadong gitara.

Dalawang beses pa nilang inulit. TULOG PA PO AKO. Istorbo.

Pamilyar yung kantang 'yun. Tunog Ingles. Marunong akong mag-Ingles, sa pagkakaalam ko. Pero 'di ko maalala kung anong ibig sabihin nun. Hindi malinaw. Baka minumura na 'ko ng mga 'to nang 'di ko nalalaman. Baka narinig nila yung mura ko dun sa first sentence sa chapter na 'to.

Hindi niyo naman din ako masisisi kung bakit ako nagmura. Ngayon lang ako nakapamahinga matapos kong gamitin ang utak ko tapos sa loob lang ng 14 minuto, bubulabugin ako?! What the---what?! Kung anu-ano nanaman sinasabi ko.

Biglang may humawak nang mahigpit sa kanang kamay ko.

"Babe..." Sinabi niya.
Medyo malalim yung boses niya. Pero malambing.

Ako ba si Babe? Malamang. Ako lang naman ang kausap niya. Babe. Parang "The Pig in the City." Whut? Saan ko nanaman nakuha 'yun?

"Happy 19th Birthday," dagdag pa niya.

Napakaganda ng pagbigkas niya. Nalaman ko na rin sa wakas ang ibig nilang sabihin-- "Maligayang kaarawan." Kaarawan ko pala ngayon. At 19 years old na ako. Wow. Pero parang pinanganak lang ako kahapon ah, literal.

Tinanggal niya yung nakalagay sa bibig ko. Nahirapan akong huminga. Bigla niyang hinalikan ang mga labi ko. Isang segundo lang. Pero...

Parang kinuryente ako. Sino ba 'to? Parang may something eh. Kung ano man 'yun, binuhay niya ang kaluluwa ko.

Gusto kong malaman. Gusto ko ulit maramdaman ang tamis ng halik niya.

Kaya may ginawa akong hindi ko pa nagagawa simula nang makapag-isip ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting dinilat ang mga mata.

Gising na ako.

Nagising AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon