Chapter 27

12.9K 273 10
                                    

**************  ***************

"Mommy! Faster we are already late!" Sigaw ni Jalyza mula sa ibaba ng hagdanan. Kinuha ko ang aking purse at ang susi ng sasakyan saka nagmadaling tumakbo patungong eskwelahan. Hindi ako kumuha ng driver namin. Though gusto ni Papa I refuse it. Tama na ang dalawang kasambahay at guard ng bahay.

I want to pay attention to my children. Hindi pupwedeng iasa lamang sa iba ang pag-aaruga sa kanila. Kahit noong maliliit pa ito ay ako ang nag-alaga sa kanila though my babysitter naman.

Inakay ko ang magkakambal patungong parking lot. Pinagbuksan kami ni Jose ng pintuan at isinakay ang aking mga chikiting.

Kitang-kita ko ang pagka-excite ng dalawa sa pagsisimula ng pag-aaral. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at nagtungo sa kanilang paaralan. Nang makarating ay hinatid ko ito sa kanilang designated room. Nakilala ko ang kanilang guro na si Mrs. Hueño.

"Kids I'm gonna go. May work pa si Mommy sa restau, I'll fetch you kapag uwian niyo na ha?" Ginulo ko ang buhok ni Jalyza at Lindawn na puro tango lamang ang sinagot sa mga sinabi ko. Napangiti na lamang ako sa sobrang kagalakan nila. Humalik na ako sa mga pisngi at kumaway. Nang umupo na ang mga ito sa kanilang upuan ay umalis na ako. Sumampa ako sa aking sasakyan at pinaharurot ng mabilis sa dapat puntahan. May meeting ako sa isang negosyante na nais ilagay ang restaurant ko sa kanyang mall. Aniya ay patapos na daw ang mall na kanyang pinapagawa.

Ipinarada ko ang aking kotse sa isang coffee shop. Pinatay ko ang makina saka lumabas ng sasakyan. Pumasok ako sa glass door ng naturang shop. Sinalubong ako ng isang valet.

"Are you Miss Panganiban?" Tanong sa akin ng Valet. Yes. Pinatlitan ko na ang aking apelyido. Pinilit ako ng pinilit ni Papa doon at well, may pagpapasya pa din naman ako.

"Yes." Tumango ako sa valet na siyang ngumiti lamang at iginaya ako sa lamesang pandalawahan. Doon may nakita ako matikas na lalaki na nakaupo sa isang upuan noon. He has this curly hair and a perfect line jaw. Medyo kayumanggi ito. Kitang-kita sa suot nitong suit ang katikasan ng katawan nito.

"Good morning Mr. Enriquez. Right?" Bati ko sa kanya na ngayon ay nagulat sa aking presensya. Sinipat niya ang aking kabuuan na nagpakilabot sa akin. His scrutinizing set of eyes run over me. Head to toe.

Ngumiti siya. Ngiting magpapakilabot pa lalo sa mapagbibigyan nito. I must say he is a playboy type. But a decent playboy. Meron ba no'n?

"Miss Panganiban! Have a seat please." Umibis siya ng tayo saka umikot sa kabilang dako ng lamesa upang ipaghila ako ng upuan. Nagpasalamat ako sa paggawa na niyon para sa akin.

Nag-order siya ng aming pagkain.  Cake lamang at kape ang in-order nito dahil nag-amusal din naman ako sa bahay kasabay ang mga bata.

"I'm sorry if I arrived late." Sambit ko sa kanya. Ngumiti lamang siya at nagsabing ayos lamang iyon. Pinag-usapan namin ang magaganap na deal. Parehas kaming nagkasundo sa mga pinag-usapan. Nang maubos namin ang aming pagkain ay sabay na rin naming nilisan ang Coffee shop. Alas-onse pasado kami natapos kaya't tamang tama ang oras pagsinundo ko ang mga bata. Nagpaalam na kami sa isa't isa ng lumabas ng pinto.

"'Till next meeting Ms. Panganiban." Ngumiti siya sa akin. Ganoon din ako sa kanya. Nang tumalikod ito ay nagtungo na ako sa aking sasakyan. Saka ito pinaharurot. Kinse minuto kong tinakbo ang papunta sa school ng kambal. At least my driving skill is not bad huh. Dumiretso ako sa gate at kita ko ang dalawa na masayang nakikipagkwentuhan sa isang lamesa kasama ang isang batang babae. Napangiti ako. Marahil kaklase nila ito. Napagpasyahan kong dumalo sa kanila.

"Hello kids." Bati ko sa ma ito at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila.

"Mommy! Mommy!" Sabay nilang sigaw. Napahalakhak na lamang ako. Ang kukulit talaga. Hinila nila akong dalawa upang maupo sa isa pang bakanteng upuan. Anim na upuan ang naroroon. Pabilog na lamesa na semento. Pati ang mga upuan ay gawa din sa semento na maabot naman ng mga batang uupo.  Umupo ako sa tabi ni Jalyza.

"Mommy, this is Ayesha, she's my new friend." Napataas ang kilay ko sa pag-iingles ng aking anak.

"Your friend? Your friend only?" Sabat naman ni Lindawn. Nakita ko ang paghagikgik ng batang si Ayesha. Napailing na lamang ako ng makita ang muling pagtatalo ng dalawa. Bumaling ako kay Ayesha.

"Hello, Ayesha. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko dito na nagpakunot ng noo niya.

"Not yet ma'am. Tito Dave isn't here yet." Napatango na lamang ako.

"Are you gonna wait here?" Tanong ko pa muli.

"Yes ma'am. Tito Dave said so. I think he is on his meeting again. But I'll wait for him because he said so."

"Mommy, can we wait for her tito before we leave. I can't let her wait alone here." Malamabing na sambit sa akin ni Jalyza. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad tumango.

"Yey! Thanks mom!" Ngiting saad nito sa akin sabay yakap.

"I wish I have my mom too." Biglaang wika ni Ayesha. Malungkot ko itong binalingan. Ayesha is a pretty child. She has this curly hair too. Mas kulot lamang kay Jalyza. Her eyes, are somehow familiar to me. Hindi ko lamang matandaan kung kaninong mga mata ang tumingin sa akin ng ganoon. I brush her hair.

"Why? Where is your mom?" Malimanay kong tanong dito. Yumuko ito. Hindi nagsalita.

"She's dead." Mahinang sagot nito. I was left in awe.

"Ayesha." Ani ng boses sa likod namin. Nanigas ako panandalian. I can't believe after 6 years, I hear his voice again.

Sumulyap ako sa kanya. He is wearing a Ray Ban. He's in his usual shirt again. A maroon V-nech shirt and a dark yellow jeans. A dark blue pair of sneakers for his shoes.

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang salamin. Walang nagbago sa mga mata nito. Ang mga matang laging tila nanghihipnotismo. My stomach just ache for a moment. Hindi ko alam pero para akong natatae na nakikiliti. I still longed for him. I still miss him.

"Uncle Julius!" Umaliwalas na ang mukha ni Ayesha ng makita si Julius. Tumakbo ang bata papunta sa kanya at agad siyang niyakap.

"Bakit po kayo ang nagsundo sa akin? Where's tito?" Takang tanong ni Ayesha. Narinig ko ang pagtikhim ng kambal. Fvck! Nakita ko ang pagtitig nila kay Julius.

"Jalyza, Lindawn! This is my Uncle!" Sigaw ni Ayesha sa dalawa. Ngumiti sila at dahan-dahang tumayo at saka tumakbo kay Ayesha. Julius is smiling now. Ni hindi niya ako pinadadaplisin ng kahit isang sulyap.

"Tita Rose, this is my Uncle." Pagpapakilala ni Ayesha sa akin sa kay Julius. Napangiwi ako. Hindi dahil sa tinawag niya akong tita kundi dahil sa nakakapangilabot na sitwasyong ito. My children is in front of their father. Anong gagawin ko? Tangina!

"Hello Mr. Julius, I am Jalyza and this is my brother Lindawn. We are twins." Maligayang bati ni Jalyza kay Julius. Tangina. Nakita ko ang saglit na pagtitig ni Julius sa kambal. A part of me want him to recognize them but a part of me don't want to.

"Ayesha, Jalyza and Lindawn are going home na ha? You'll meet again tomorrow okay?" Wika ko kay Ayesha. Hindi ako mapakali. Kung kanina hindi ako tinititigan ni Julius eh ngayon ay titig na titig na siya.

"Okay tita!" Nagpaalam na ang kambal sa magtiyuhin. Hindi ko na pinansin si Lindawn ng sabihin nitong magpaalam ako kay Julius. Nginitian ko na lamang. Nagmamadali kong hinila ang magkakambal patungong sasakyan.

Nang nakasampa ay nai-untog ko ng paulit-ulit ang aking ulo. I can feel the heat on my cheek. No all over my face.

"Mommy, you okay?" Tanong ng kambal na nakapagpabuntong hininga na lamang sa akin.

-*-

A/n: ayan na po ang ud. Huwag kalimutang magcomment hehehehe :D para sipagin ako XD anyway, enjoy reading. Luv yah all!

Xoxo-Doll_Eye

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon