1

38 2 1
                                    

"So Leigh, talagang napanaginipan mo lang iyong buong story?" tanong ng interviewer na nagsusulat ng feature story tungkol sa'kin at sa kakapublish ko pa lang na libro.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala. Parang nanaginip na naman ako ng isang worth-writing story. Sino ba naman ang mag-aakala na ang storyang dati lang naka-sulat sa diary ko, eh magiging best seller agad-agad at makabibenta ng 20k copies in less than 2 weeks?

Kung hindi naki-alam ang makulit kong nobyo sa private diary ko, eh wala na sigurong iba pang makakabasa nito. Pano kasi't isinubmit niya ito sa publishing company ng hindi ko nalalaman. nasorpresa nalang ako isang umaga no'ng may tumawag sa'kin at nagsasabing ipupublish daw nila ang story ko. Do'n ko nalang nalaman na binasa niya pala ang diary ko. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na magalit sa ginawa niya. Alam naman kasi naming dalawa na kung di niya iyon ginawa, hindi mangyayari ang lahat ng ito

"Hindi man kapani-paniwala, pero lahat ng parte ng storyang iyon, eh galing sa panaginip ko at wala akong idinagdag o ibinago." sagot ko sa nag-iinterview.

Alam ko na hindi lahat ng mga tao eh naniniwala sa akin, at alam kong kahit ito mismong babaeng nasa harap ko ngayon eh nag-aalangan. Marami ang nag-iisip na gawa-gawa ko lang iyon para maka-ingganyo ng mambabasa. Aaminin ko na medyo naiinis ako minsan, lalo na pag nakikita ko ang mga negative reviews nila sa internet. Well, hindi ko sila masisisi, tila imposible kasing managinip ng isang pampelikulang habang story.

"Last question na Leigh- Ano na'ng plano mo ngayon?" sabi niya, "I mean, are you currently writing a new story, or are you planning something else?"

hay salamat, last question na raw. Pagod na pagod na ang ngala-ngala ko sa kaka-ngiti.

"Well honestly, wala pa ako masyadong naiisip as of this moment. But i am thinking of writing a new story."

kung meron mang down side ang nangyayari sa buhay ko ngayon, ito na mismo iyon. Ang problema kasi sa mga news stations eh ang dami nila, nag-uunahan sa pag cover ng story at pare-pareho lang ang mga itinatanong.

pero okay lang, meron din namang up side ang down side na ito .Malaki kasi ang naitutulong nila sa pag promote ng story ko. So... Win-win!

"Thank You so much Leigh." sabi niya sabay shake hands sa akin. pagkatapos ay umalis na rin siya.

ring... ring... ring... pagkalabas niya ay agad namang nag ring ang phone ko na nasa kwarto.

siguro si Ron iyon. Sunday kasi kaya day off niya ngayon. Hay, sana kanina kang mga 2 hours ago tumawag at nanganyaya na lumabas, eh di sana'y natakasan ko 'yong makulit na interviewer na 'yon.

Tumakbo ako patungong kwarto para sagutin ang telepono ko.

Wait- Mr. Al?

"Hello Mr. Al, napatawag ka?" Si Mr. Al pala

"May gustong dumimanda sa'yo." agad na sagot ni Mr. Al na tila seryong seryoso.

"Po?" Demanda? bakit naman? Wala naman akong naaalalang nilalabag na batas.

"May isang FilAm na nagngangalang Alec Lawson ang nagsasabing kinopya mo lang daw sa kaniya ang storyang nagpasikat sa'yo."

What? Oo sikat ako, pero hindi ko naman ka level ang mga artista para siraan ng ganito at gawan ng isyung wala namang katotohanan.

"Ano? Sir nahuli na po akong nangongopya no'ng elementary ako. pinagalitan ho akong mabuti ng teacher at parents ko. Nagka trauma pa nga ho ako no'n eh. Kaya imposible hong mangopya ako ulit." Is it just me, or nakakatawa talagang isipin to?

"This is no joke Leigh. ayusin mo'to. ayokong madamay ang pangalan namin." Tila galit na sagot ni Mr. Al at pagkatapos ay pinutol niya na ang linya.

After that eh medyo kinabahan na'ko.

Hindi ako maaring magkamali, galit si Mr. Al sa'kin. Pero bakit naman? Imposibleng maging totoo iyong sinabi niya. Alam ko sa sarili kong hindi ko kinopya iyong story.









ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon