RS:H 60

2.8K 61 27
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay @GoLittleThoughts! Hi sayooooo! Lagi kang laman ng notif ko. Haha. Salamat salamat sa pagsuporta at sa mga comments mong nakakataba ng heart! =) Ngayon ko lang na dedic sayo kasi ngayon ko lang naalalang mag dedicate. Haha. Saranghae~ :*

Pending pa po yung ibang dedication ha. Antay lang po. =) Solomoooooot.

* * *

Dara's POV

Minulat ko ang mata ko at napansin kong nasa kwarto ako dito sa dorm namin.


Pano ko napunta dito?


Ang sakit ng ulo ko at ang init init ng pakiramdam ko. Hinipo ko ang sarili ko at sobrang init ko. Obviously, I have fever.


Umupo ako sa kama ko at pilit inalala ang nangyari kanina.


The moment I remembered it all, my tears started to flow.


Matapos yung usapan namin ni Jiyong ay hinabol ko sya. I went to the Ground Floor expecting him to be there but he's nowhere. Then, I collapsed and cried until everything went black.

Hindi totoo yung sinabi nya diba?

Hindi totoong lalayuan nya na ko. Hindi diba? Hindi nya magagawa yon! Diba?

Agad agad akong tumayo sa pagkakahiga ko though masakit pa din talaga ang ulo ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong 7PM na ng gabi. I slept for 10 hours?!


Agad agad kong dinial ang number nya. I'm bitting my lower lip and murmuring some prayers just for him to answer my call.

Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Kasi, hindi ko na kaya. Ayoko na. Suko ako. I thought it would be easy, hindi pala. Hindi ko kaya na walang Kwon Jiyong sa buhay ko.

Kanina, nung sinabi nyang lalayuan nya na ko I realized how stupid and fool I am. Nagising ako sa katangahang ginawa ko. I reached my limit already. I will do all, just to get him back. Wala na kong pakelam sa magiging resulta, ang mas mahalaga ay maipaliwanag ko sa kanya ang lahat.


Nanginginig na ko habang dinadial ang number nya, it's always cannot be reached and would be transfered to his mail box. Aish.

"Sumagot ka please..." Umiiyak na bulong ko while pacing back and forth here in my room. Gosh, ayaw talaga!


Wala akong choice kundi magiwan ng mail sa kanya. This is the only way.


"J-Jiyong... Sagutin mo naman yung tawag ko oh. Please, please. I-I'm begging you." Saka ko binitawan ang phone ko at ibinaon ang mukha ko sa aking tuhod. Sobrang nanghihina ako. I knew it, that I'm having fever from the very start. Masakit ang ulo ko at sobrang nanghihina ako. Maybe because of what's happening right now. Lumala lang ngayon.


I shooked my head saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nadatnan kong nasa salas sina Bom at nanunuod ng seryoso sa TV. All their eyes are on it. Hindi ko maaninag ang pinapanuod nila dahil nagiging blurry na ang mata ko.


"G-Girls." Tawag ko sa kanila.

Kita ko ang gulat sa kanila. Nagmamadali si Chae na patayin ang TV at lumapit sakin.

"Bakit bumangon ka kagad? Masama pang pakiramdam mo!" Hysterical na sabi ni Bom.

Pilit kong inilakad ang paa ko ngunit pahakbang pa lamang ako ng maramdaman kong umiikot ang paningin ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig at mawalan ng malay.

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon