Magtatakip silim nang lumapag ang eroplanong aking sinasakyan sa aking bansang sinilangan. Dalawang araw nalang ay pasko na, labing anim na taon na din pala ang lumipas mula ang nilisan ko ang bansa kasama ang mga taong may mabubuting puso na kumupkop sa akin at itunuring akong sarili nilang anak.
Sila Momy Briana Franco Santilian at Daddy Louis Romualdez Santilian, sila ang kumupkop sa akin at nag aruga matapos nila akong matagpuang walang malay sa isang lansangan. Laking pasasalamat ko sa may kapal at ibinigay nya sa akin sila mommy at daddy, napakabuti nila sa akin, minahal nila ako bilang isang tunay na anak gayun din si kuya Sebastian na panganay nilang anak at si Sandy na limang taong mas bata sa akin ang kanilang bunso. Mahal ako ng mga kapatid ko bilang isang tunay na kapatid. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na hindi nila ako kapamilya.
Kada dalawang taon ay umuuwi sila mommy, daddy at mga kapatid ko dito sa bansa, ako naman ay nagpapaiwan nalang sa Amerika kung saan kami naninirahan. Hindi sa ayaw ko sa aking bansa, ngunit nangako ako sa sarili ko na babalik ako ng bansa pag nakatapos na ako ng pag-aaral at successful na sa buhay. Kaya naman heto ako ngayon at nagbabalik, sa edad kong bente tres ay isa na ako sa kilalang photographer sa Amerika maliban dun ay kilala din ako bilang modelo. Masasabi kong nagtagumpay ako sa larangan aking inasam lamang noong ako ay isang musmos pa lamang, nakapagpatayo nadin ako ng negosyo mula sa katas ng aking pagsusumikap, kahit pa nagtampo sa akin sila mommy, daddy and kuya sa kadahilanang di ko tinanggap ang halagang binigay nila pandagdag sa puhunan ko ay suportado pa rin nila ako sa mga pangarap ko, ipinaunawa ko din naman kasi sa kanila na masaya ako na magmula sa sarili kong sikap ang mga bagay na meron ako.
Sa edad na disinuebe ay nakatapos na ako ng pag-aaral ng may pinaka mataas na karangalan, marahil ay likas ang aking talino kaya na hindi na ako natumuntong ng unang baitang nung elementarya bagkus sa ikatlong baitang na ako tinanggap.Sinubsob ko ang sarili ko sa pag aaral upang makamit ang karangalang tinamasa ko, bilang pasasalamat ko na din kila mommy at daddy. Kahit pa mula sa mayamang pamilya ang aking kinalakhan ay pinanatili ko ang aking sarili na hindi masanay sa luho mula sa mga magulang ko, kaya naman habang ako ay nag aaral ay pinasok ko ang mundo ng pagmomodelo upang may ipandagdag pa ako sa aking ipon. Nung una ay nagalit sa akin ang mga magulang ko lalong lalo na si kuya Seb, laki man sa Amerika ay konserbatibo pa din si kuya pag dating sa amin ni Sandy, isang linggo din ang lumipas bago ko sya napapayag sa pagmomodelo ko. Nagpapasalamat ako sapagkat naging mabuti pa din sa akin ang tadhana.. nakilala ako sa mundo ng pagmomodelo sakabila ng taas kong 5'4 lamang at dahil dito ay nakaipon ako at yun ang ginawa kong pang umpisa sa aking Fashion Boutique na sa kasalukuyan ay unti-unti na ding nakikila.
" Miss, nandito na tayo sa Pilipinas " bigla akong nanumbalik sa realidad matapos kong maulinigan ang boses ng lalaking aking narinig.
" A-ahh pasensya na, hindi ko napansin. " nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kung napatagal ba ang aking pag-iisip, sana lang ay hindi naman.
Dali-dali kong inayos ang aking sarili saka tumayo bitbit ang aking maliit na bag sapat lang upang mailagay ang aking mga dokumento at ilang personal na gamit.
Simpleng hapit na pantalon at pulang pang itaas lamang ang suot ko na tinernohan ko ng kulay puting sandalyas na walang takong.
Nang makalabas ako sa loob ng paliparan nagtungo na ako agad kung saan nag iintay ang mga sundo ng mga dumating galing ng iba't ibang bansa. Habang nag iintay ay ipinikit ko ang aking mga mata at saglit kong dinama ang hanging humahaplos sa aking mukha. Sa wakas nakatungtong uli ako sa bansa.
" Ma'am Aaalexxx!!! " napamulat ako ng aking mga mata nang may pamilyar na boses akong narinig na syang tumawag sa aking atensyon. Oo, nga pala ako nga pala si Alexa Franco Santilian ligal na ampon nila mommy at daddy.