Tatlong araw nang hindi dumadalaw si Coder sa akin. Ngayon ay wala pa sila dito sa hospital at habang wala sila ay matutulog muna ako dito.
..............
Hindi ko kayang malungkot si Mam Conan kaya kinausap ko na si sir Coder na nasa room at binabantayan ang anak nyang katatapos lang kumain.
''Sir? Pwede po bang pumasok ''
''Sige. Pumasok ka po''
Binuksan ko ang pinto at natutulog ang mga bata sa higaan nila.
''Bakit po aling tess? May Kailangan po ba kayo?''
''Hindi naman sa nakikialam ako sa inyong dalawa pero bilang nanay nanayan ni Conan ay ayokong nahihirapan sya. Miss na miss ka na nya. Sana ay dalawin mo naman sya sa hospital. Hindi natin alam kung hanggang kailan sya mananatili sa piling natin pero hangga't maari ay ibigay mo ang oras mo sa kanya habang kasama mo sya. Sige, Kukuha lang ako ng pagkain na idadala ko sa kanya'' Tapos ay bumaba na ako papuntang kusina.
Naihanda ko na ang lahat ng dadalhin namin at nang paalis na kami ay humabol si sir Coder at sasama daw sya. Ibinilin na lang nya sa isa pang kasambahay na bantayan na lang si Yumi at Coder Williams.
Naabutan naming natutulog si Conan, Mahimbing na natutulog. Ako ang syang gumising sa kanya. Napangiti na lang sya nung nakita nya ako. Hinawakan ko ang mukha nyang namumutla at nakita ko ang mga mata nyang sobrang lungkot. Halata sa kanyang nanghihina na talaga sya.
Pero alam kong masaya sya dahil nandito na ulit ako sa tabi nya at tama si aling tess. Ilalaan ko ang buong oras ko sa kanya kahit na hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na gagaling din sya at mananatili pa sya ng matagal sa amin.
Ako ang nagpakain sa kanya nung tanhali na. Pagkatapos kong pakainin sya , Saka na lang ako kumain. Kapag pupunta naman sya sa banyo ay inaalalayan naman sya ni aling tess.
Nung gabi naman ay natulog ako sa tabi nya habang hawak ko ang kamay nya. Ganun ang palagi naming ginagawa araw araw hanggang sa napansin ko na umabot sya ng pasko kasama kami sya. Sabi ng doktor ay matatag ang asawa ko. Sa hospital kami nagpasko pero nung bagong taon ay sa bahay na lang sya. Ayaw na nya kasi sa hospital pa kaya pumayag na rin ako.
Habang pinagmamasdan namin ang mga fireworks sa langit. Naka wheel chair na pala sya ng mga panahong yun dahil hindi na rin nya kayang tumayo pa ng matagal.
''Ang ganda di ba?''
''Oo. Sobrang ganda''
''Hindi ko alam na maabutan mo pa ang bagong taon. Dininig nya ang dasal kong makasama pa kita ng matagal. Kahit ganyan ka na habang buhay ay ok lang sa akin basta't kasama lang kita''
Tapos ay tumingin ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya.
''Mahal na mahal kita Conan''
''Mahal na mahal din kita''
Tapos ay hinalikan ko sya sa forehead and sa lips nya.
Masaya naming pinagmasdan ang mga fireworks at para sa akin, Yun ang pinakamagandang bagong taon sa aming dalawa dahil dun ko napatunayan kung gaano ko sya kamahal.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.