Prologue

5 0 0
                                    


Marami sa atin ang hindi maka-move on and I admit isa ako dun. Mahirap nga talagang mag let go, lalo na kung mahal na mahal mo siya. Alam mo yung pakiramdam na pag gising mo sa umaga siya agad ang nasa isip mo. Stuck ka sa past relationship mo kasi hindi mo tanggap na iniwan ka niya. Kasi hanggang ngayon mahal na mahal mo siya.

Andyan yung magiging stalker ka niya sa facebook, twitter at maging sa instagram. Updated ka sa mga nangyayari sa buhay niya dahil ultimong pag-utot niya inaalam mo, at kulang nalang bilangin mo yung hininga niya eh. Nagmumukha ka na ring imbestigador sa pag-aalam mo kung saan siya nagpupunta at mas kabisado mo pa ang schedule niya kaysa sa sarili mong schedule. Magseselos ka pag may umaaligid sa kaniya, kahit wala kang karapatang masaktan masasaktan ka.

Ginagawa mo ang lahat para mapansin ka ulit niya, tina-try mo yung best mo para mahalin ka ulit niya at hindi mo namamalayan binabago mo yung sarili mo para sa kanya. Pero ang tanong. May PAKI ba siya? Nakikita niya ba lahat ng ginagawa mo? Hindi naman diba? Nakikita niya ba yung halaga mo? Hindi naman diba?

Hindi kapa ba napapagod? Napapagod maging stalker at imbestigador? Hindi ka ba napapagod umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Kasi ako pagod na pagod na. Mahal na mahal ko siya pero may pag-asa pa nga ba?

Ayokong sumuko, hindi ko kayang itapon lahat ng pinagsamahan namin, hindi ko kayang iwanan lahat ng alaalang binuo naming dalawa. Pero hindi ko na rin kayang umasa sa wala at masaktan ng sobra.

- Ysabelle Danielle Verde.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Greatest GloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon