EU's POV
"You gotta be kidding me! Marriage? So sick! Ano ba Dad?! Wag naman ganyan. Monthsary namin ni Cerra bukas...saka ide-date ko pa si Cerri. Kambal pala sila by the way. Saka---"
"EUHICCO!" Napatigil naman ako dun. Pakshet! Ayoko talagang nasisigawan. Parang nawawala ang pagkalalaki ko. Lalo na pagbabae ang sumisigaw sa kin. Buti nalang uso pa ang lalaking tatay ngayon. baka bukas may babae nang tatay. Tsk! What am i thinking anyway? Weird.
"Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ang anak nina Tito Axel mo. If ever gagawa ka ng kabaliwan..."
Hindi ko na napakinggan ang sumunod na sinabi ni Dad. Anak nina Tito Axel? So it must be.....s-si Aximiana? NO WAY! That woman? Syets! Bakit sya pa? Ni hindi ko nga pinapansin ang babaeng yun. Sobrang maldita. To know na kababata ko pa yun ha! Oo, kababata ko yun.....damn! Bakit ko pa nga ba siya naging kababata? Kung hindi sana eh may 3% chance na magugustuhan ko pa siya ngayon.
Balita ko maganda siya. Well, balita lang naman. Eh kasi, lahat ng lalaking blockmates ko , inlab dun pero hindi nila magawang lapitan. HAHA okay i admit, kaya pala hindi ko pinapansin yun kasi hindi ko rin malapitan. Untouchable kumbaga. Again, to know childhood playmate ko yun ah. Kasi naman....ganito yun..ah..pano ko ba sisimulan? Ay wag nalang! Ang haba. Basta ganito, hinalikan ko siya.
HAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA Syet! Hanggang ngayon kinikilabutan akong maalala yun. I was curious so i kissed her. Eight pa kami nun at siya pa yung first kiss ko. Yeah, alam ko, para akong babae na tine-treasure ang first kiss. Actually, i dont really give much care about that first kiss thing kaya lang yung reaction at yung sinabi niya pagkatapos nung kiss ang nagpabago ng isip ko at...ng lahat-lahat na nang turingan at views namin sa isa't-isa.
When our lips part, her face was like this O_O tapos tinapakan nya yung paa ko kaya napasigaw ako.
"ARAAYYYY!"
"HOWDAREYOU! ALAMMOBANGPARANGKINUHAMONARINYUNGVIRGINITYKODAHILSALINTIKNAKISSNAYUN?! BWISETKAEUHICCO! DINATAYOBATI! SIMULASAARAWNATODINAKITAKILALAATHINDINGHINDIKITAPAPANSININ! PANGITKAPANGITATMANYAKKA!"
Hiningal pa siya nang matapos yung litanya nya kasi walang preno eh. Pagkatapos, saka siya umirap sa akin at naglakad palayo. Umiyak pa siya nun pero parang gusto ko ring umiyak nun. Wala pang nakapagsabi sa akin na pangit ako, manyak ako at wala pang babaeng nagsalita at sumigaw sa akin ng ganon at mas lalong walang umaayaw sa akin. Siya lang! Sakit kaya nun sa ego.
That very day, tinatak ko sa isip ko na siya ang aking VERY FIRST NIGHTMARE. Four years after that, nasa same school kami, as always. Sinadya yun ng mga magulang namin. Akala kasi nila magkasundo pa rin kami. Pero tinotoo at sineryoso nya talaga yung sinabi niya na hindi na niya ako kilala at hinding hindi na niya ako papansinin. Sa gwapo kong to? Nah!
Kaya nagpapansin ako sa kanya. May kahalikan pa ako nung babae sa corridor nung nag 'hi' ako sa kanya sabay sabing, "she likes my kiss so much. Too bad i gave my first to you." Pero hindi man lang siya nagpakita ng expression. She just smirked and said, "Do i somehow know you? Kiss? I remember i dont give my kisses to people who are in the hopeless merge of sanity loss. Sorry." then she walked out. Damn! Galit na galit na galit ako nun. Nasipa ko tuloy yung kahalikan ko ng mga oras na yun. Pati tuloy yung babae, nagwalk out sa kin. Tss kaya ngayon, ako'y may bright idea...
"Shut up Dad. Okay, madali naman akong kausap. Sige, im aggreeing to your stupid idea of how-to-save-Tito Axel's company."
My Dad grinned saka niyakap ako. Ewww.."Manang-mana ka talaga sa akin, son. Pareho tayong matatalino. Besides, di naman siguro mahirap pakisamahan si Aximiana. She's your childhood crush and afterall, maganda siya and she have everything already."
Pahabol : Oo, crush ko na si Axi nun. Kaya lang yung sinabi niya sa akin ang talagang nagpadiscourage sa akin at sa pagkalalaki ko. Well, one of these days, makakapaghiganti na rin ako sa kanya. Aximiana Lye Someru (yeah, i even memorized her weird name.) Pano? Pag ikaw ba ang lalaking nakakilala ng babaeng walang ginawa kundi hamunin ang ego mo makakalimutan mo kaya kahit single detail tungkol sa kanya?
No. Hindi.
BRB. Be ready bitch.