AXI's POV
Naglalakad lang ako sa lagoon ng University namin. Mamayang 2pm pa ang next subject ko. Tatawagan ko sana yung bestfriend ko, si Satyana kung hindi ko lang naalala na may klase pa pala siya....at boyfriend. Kaya kahit hintayin ko man siyang matapos yung klase niya, no use pa rin kasi may naghihintay na rin sa kanya. Hayyy...kung di lang ako tatanga-tanga at kung hindi rin ako nadamay sa kamalasan ng kompanya ni Dad, edi sana may bebe boy pa ako ngayon.
Umupo ako sa isang bench doon tapos naalala ko si Avett. Naiyak tuloy ako. Nang may narinig akong yabag, pinunasan ko yung luha ko saka hinanda ko ang smile ko na sasalubong sa kung sino man yung papunta dito. Yeah i know, im so plastic. Inside, im sad but outside, i tried to be happy and pretend im alright that sometimes, its just so hard to keep what's inside in.
Laglag yung ngiti ko nang nakita kong si Avett pala yun. Dito pala kami minsan tumatambay. Kainis ohh...pinapahirapan yata ako ng tadhana.
Yumuko nalang ako. Di ko kineri yung awkward silence kaya nagsalita nalang ako.
"Buti pumasok ka, at least di na ako mag-isa dito."
I caught my breath when i noticed him slowly walking towards me and sat beside me.
Bakit nga pala ang gwapo ng taong ito? Matanong lang kasi nahihirapan akong pigilan ang sarili kong yakapin siya. Kahapon lang yung 'unwanted breakup' namin pero miss na miss na miss ko na talaga ang aking Avett Fonce Duque slash bebe boy.
"Bakit? Takot ka bang mag-isa?"
Nagpaparinig yata si Manong. Oo naman noh! Takot ako lalo na ngayon na nasanay na akong ikaw lagi ang nakakasama ko. Syempre sa isip ko lang iyon. Di ko na sinagot yung tanong niya. Alam niyang alam kong kilalang-kilala na niya ako. Ano ba naman yung mag to-two years naming relasyon kung hindi pa namin kilala ang isa't-isa di ba?
"Wag kang matakot na mag-isa dahil dun mo malalaman kung sino ang mag-eeffort na samahan ka." Automatic na nalipat yung tingin ko sa kanya.
Obviously, alam ni Satyana na brokenhearted ako pero about lang sa breakup ang alam niya. Di ko pa nasabi ang tungkol kay Euhicco at sa marriage kaya lang masyado siyang busy para damayan ako. Di ko siya masisisi. She cant feel my pain afterall, she've never been through what im going through right now. Pero si Avett....ang bebe boy ko...ako yung nakipagkalas pero andito siya oh. Sa tabi ko kahit di na niya responsibilidad na samahan at alagaan ako.
I didn't budge when he leaned close and kissed my forehead. "You dont have to say anything. I know everything and i understand."
Mas lalo yata akong nashock sa sinabi niya. Pero paano? Bwiset oh! So alam na niyang magpapakasal ako pero bakit andito pa rin siya? Di ba niya gets na di kami pwede? Naiyak tuloy ako. Ang bait niya talaga. Di lugi ang beauty ko sa lalaking ito kaya mahal na mahal ko ito eh.
Naramdaman ko na lang na pinatong niya yung ulo ko sa chest niya at patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko. Ang saya ko dahil kasama ko siya ngayon pero ang lungkot ko rin dahil alam kong ngayon lang ito mangyayari. Baka sa susunod na araw, wala na siya ulit sa buhay ko.