EU's POV
Ngayong gabi pala ang first meting namin ni Axi kasama sina Tito at Tita at yung Daddy ko rin. If you're wondering, matagal nang wala si Mommy. She's chilling with God already.
At if you're wondering ulit, 'first meeting' yung sinabi ko kasi ito ang araw na magkakasama ko si Axi, ULIT na parang walang nagyari sa amin 9 years ago. Napagdesisyunan namin na ilagay sa limot na rin yun. Ewan ko ba sa babaeng yun. Para namang makakalimutan ko agad yun. Eh grabe yung trauma na binigay nya sa pagkalalaki ko noh! Argh!
Gusto ko sana siyang inisin kanina nang makasalubong ko siya pero mukhang malungkot siya. I dunno why kaya nawala tuloy pagpapilyo ko. Tss sayang! Pero talaga....malungkot na malungkot siya...
"Euhicco! Hijo, halika na dito at bigyan si Tito ng hug HAHA" Tumawa pa ang Daddy ni Axi. Tss naalala ko tuloy na ganyan din yung approach niya sa kin when Dad and visits their abode every weekend para makalaro si Axi. Kadiri. Tinap ako ni Tito sa likod. "Course its just a joke son." He winked at me. Yeah, tinawag niya akong 'son' lamkuyun!
"Ang gwapo mo talaga Euhicco, hindi ka pa rin nagbabago. Sayang at wala si Aleanna para masaksihan ang magiging kasal ninyo ni Axi." sabi naman ng Mommy ni Axi.
Oo, sabihin nyo yan sa anak nyo. Sya lang ang unang babaeng tumawag sa akin ng pangit at manyak pa pero n'ways, thanks. Sayang di nagmana si Axi sa inyo.
Now, speaking of Axi....matamlay at malungkot pa rin siya eh. Parang walang gana. Haaayyy ano bang problema nito? Nakakawalang gana. Pano ko na lang maisasagawa ang evil plans ko kung matamlay siya palagi? She look so fragile and vulnerable. Di siya normal. Ano ba iyan!
"Axi hija, how are you coping up naman? I hope you have no problem with my son. Alam kong pilyo at chickboy tong anak ko pero may usapan na kami so dont worry. Afterall, magkababata naman kayo di ba?"
Tumango at ngumiti lang si Axi. Matamlay pa rin. Nakakaloka na to ha. Ewww ang bading ko! Pero right now, yun talaga ang feeling ko eh. Ano bang nangyayari sa babaeng to? Maangas at untouchable si Aximiana Lye. Hindi...ganito.
"Well kumpare, dapat masanay ulit ang mga batang ito na magkaroon ng closure. I heard di sila nakakapag bonding sa school kasi busy silang pareho kaya dapat magkasama rin sila kahit thrice a week di ba?"
"Sure Tito/No way Dad!" sabay pa naming sagot ni Axi. Nagulat ako dun. Ayaw nya talaga sa akin ha! Pwes!
"Of course we need closure babe. Who knows what's going on with you now, right? Di na tayo masyadong nakakabonding and as soon-to-be married couple, we both have to know each other well."
In least three seconds after that, the usual evil-ish glint in her eyes came back then she snorted at me and mumbled 'babe? pfft!'. Parang ako lang yata ang nakarinig nun.
"You have a point right there BABE but we have to focus and prioritize our studies first di ba? Its for OUR future naman." Diniinan pa niya ang babe at our. Now, that's more like it! Asarin ko pa ulit.
"But i guess i have to be selfish this time babe. I needed to be with you and know you even more. Namiss ko rin ang mga ASARAN natin noon."
Napa 'awww' naman ang mga oldies. Galing ko talaga! Ikaw na Euhicco Zap Lafortezza! Ikaw na! HAHAHHA *evil laugh*
Again, she snorted. "But BABE, mas importante naman ang future natin kaysa sa sarili natin. Saka selfish din ako when it comes to my studies. What can you say about that Mom, Dad?" Tumingin siya sa parents niya saka nagpuppy eyes sa Dad ko. Tangina ohh! Ang hina pa naman ni Daddy sa ganyan. Yan yata kryptonite niya. tsk! Asar!
"Well, ang hirap naman talaga ng pinag-dedebatehan nyo. Love or Studies? Naku! But you know guys, kayo lang naman ang magkakaintindihan dyan dahil kayo ang ikakasal. Ang alam lang namin ngayon is nagpra-progress na kayo." Tumawa naman si Dad.
"Oo nga kumpadre. See? Hindi pa nga sila officially engaged pero may first LQ na sila." Tumawa rin si Tito.
"Oo nga, ang sweet nila honey." Pati na rin si Tita.
Kami naman ni Axi, ganito -_-