6 (PRACTICE)

20 2 0
                                    

Krissa's POV

Ng biglang.....

"BOOOO!!"

"ANAK NG PITONGPUTPUTINGTUPA NAMAN OO!" Grabe kala ko mamatay na sa heart attack! Kainis naman! Sino ba tong bwisit na to! Papansin ha?

"Ano bang problem--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang akong natulala.

"Uh Hi? Sorry Krissa. Di ko naman sinasadyang gulatin ka. Nakatulala ka kasi eh." Jusko! Kaloka naman tong taong to! Hulaan niyo kung sino?

Eh di sino pa? Edi si James!

"Ah.. Wala yun.." Hala ka uy. Bakit ba nauubusan ako ng sasabihin? Di naman ako ganito ah? Nasan yung kadaldalan ko?

"Uh James/Krissa?"

"Sige ikaw muna/Sige ikaw na mauna." Ay sabay nanaman?

Nagkatinginan kaming dalawa. At bigla nalang kaming natawa.

"Hahahahaha. Ako na nga muna Krissa. Uh ano. Gusto ko lang mag-ano. Yung sa ano..."

Ano daw? Wala akong naintindihan kundi ANO. Jusko bakit ba ako naiilang?

"Ano ba yun James?" Pagputol ko sakanya. Para kasing timang. Di nalang diretsuhin.

"Yung sa kiss. Pasensya ka n-" Pinutol ko na yung sasabihin niya. Hanggang ngayon kasi naiilang pa rin ako. Paano naman kasi di ba? Sa inyo kaya mangyari yun. Tignan ko lang kung di din kayo mailang.

"Ah! Wala yun! Sige na tara na practice nalang tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko talagamg mapunta yung usapan namin dun.

"Ah oo nga sige... Eto pala yung lyrics.

Alam mo naman yung tono niyan no? " Hay buti nalang!

"Ah oo. Sige. 5minutes muna, practicin natin yung mga part natin tapos mamaya nalang yung duet." Sabi ko sakanya.

Tumalikod muna ako sandali at ipinasak ko yung earphones ko. Pinakinggan ko muna sandali yung kanta bago ako sumabay.

Napapikit nalang ako habang dinadama ko yung kanta. Di ko alam kung bakit pero dalang dala ako sa kantang to.

"Pst krissa," Kinalabit na ako ni James. Napatingin ako sa orasan ko. Ay lagpas na pala yung 5 minutes.

Lumingon ako kay James. Para makapagsimula na kami.

"Okay Game." Di ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Hala practice palang naman to ah?

"Okay. Practicin na rin natin yung movements para isang practican nalang."

Tumayo na ako at pinagpag ko yung palda ko. Medyo malilim naman dito kaya wala masyadong tao. Pwede na kaming dito magpractice.

"Do you hear me? I'm talking to you."

Nagsimula na siyang kumanta. Jusko ang ganda ng boses niya! Jusko uli kasi nakatitig siya sakin. Isang nakakatunaw na titig.

JUSKOLORD BAKIT NIYO PO GINAGAWA SAKIN TO?!! PRACTICE PALANG TO. SANA MATAGALAN KO! GOOD LUCK KRISSA! AJA AJA!

Secret RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon