Author's POV,
First day of class.
Marami sa iba ay nahihiya pa dahil bago pa lamang silang magkakilala.
Pero hindi ang grupo nina Meg-anne.
Halos lahat kasi ng katabi nya sa upuan ay kilala na nya.
Mga school mate nya nung elementary.
At sikat sya sa campus nila.
Malakas din ang appeal nya sa mga kalalakihan.
Kaya parang maangas ang dating nya.
Mistulang alipores pa nga nya ang mga boys.
Dahil sikat nga sya ay sunod-sunuran ang mga ito sa kanya.
Pero sya ay lumaking broken family.
Anak lamang sya sa labas ng tatay nya na simula bata sya ay hindi pa nya nakita habang ang nanay naman nya ay nagaabroad simula ng elementary pa lamang sya para maitaguyod ang pag-aaral nya.
Lumaki sya sa pangangalaga ng lola nya.
Maayos naman ang pagpapalaki sa kanya ng lola nya.
Yun nga lang bilang produkto ng isang broken family hindi pa rin maiwasan na minsan ay nagrerebelde din sya at gumagawa ng kalokohan.
Dati na nyang kakilala si Rachelle at Dannabel.
School mate din sila noong elementary.
Si Rachelle ay campus crush dahil talaga namang napakaganda nya.
Kung kaya naman walang duda na kapag nakasalubong mo sya ay talagang mapasecond look ka talaga sa kanya.
Katulad ni Meg-ann sya ay anak din sa labas ng tatay nya.
May ibang pamilya ang tatay nya pero ang pagkakaiba nila ang tatay nya ay sa bahay nila nakatira.
Retired military officer ito at may sakit na, nakaratay na lamang sa higaan.
Ayaw ito alagaan ng una nitong pamilya kaya ang nanay na nya ang nagkusang mag-alaga dito.
Dati ay medyo maalwan ang kanilang buhay pero simula ng nagkasakit ito ay nagsimulang maubos na rin ang mga naipundar nila.
Pero kahit ganon, masaya naman sila at nakakapag-aral pa din silang magkakapatid at magkakasama ang pamilya nila.
Si Dannabel naman ay hindi broken family ngunit bata pa lamang sya ng maulila silang magkakapatid sa ama.
Ganon din si Rayah...
Sa murang edad ay naulila na ito sa ama...
BINABASA MO ANG
High School Life Adventure
RomanceHigh School Life. High School Life.. Ay walang kasing saya... Bakit kung graduation ay luluha kang talaga... Ang saya ng high school.. Ang saya ng high school... Walang kasing saya ang HIGH SCHOOL LIFE.... Dito ka unang sumaya at dito ka rin unan...