LQ #2

32 2 0
                                    

AXI's POV

Nakausap ko ulit si bebe boy ko. We agreed to stay together. Oo, ang tanga noh? Ikakasal ako pero may third party ako. HAHAH pano? Kay Avett, may love na involve pero kay Euhicco, kabwisetan lang kaya di naman siguro cheating yun. Saka kung kami talaga ni Avett, eh di kami! HAHAH

"Uy! Lokaloka ka rin noh? Tumatawa ka mag-isa?"

"Eh di samahan mo ako para di ako magmukhang tanga."

"HAHAHAHAHHAHAHAHA" Yun nakitawa na rin ang isa pang lokaloka. Baliw talaga kami. Magkaibigan eh.

"By the way, musta na kayo ni Jaice?"

"Yun, going strong." At nagblush pa ang bruha.

"Naku! Naku! May blush pang kasama hah!"

"Eh, syempre, mahal ko yun eh. Hehe." Tsss

"Eh kayo ng bebe boy mo?"

"Sabing, ako lang ang tatawag sa kanya ng bebe boy eh!"

"Ay ang arte! OA ka masyado. May babe na naman ako noh!" 

Babe...naalala ko tuloy ang nakakasar na Euhicco na yun! Bwiset naman!

"O, why are you pouting? Oo na! Common na yung 'babe' pero mas nakakaloka naman yang 'bebe boy' noh!"

"Hoy! Di yan ang iniisip ko."

"Eh ano?"

"Sino. Sino? Si Euhicco Zap Lafortezza lang naman. Yung bwiset na lalaki---"

"Babe!" Napatingin kami ni Satyana kay Jaice...at kasama niya si...WHAT THE HECK?!

"Anong ginagawa mo dito?" At bow! Sabay pa naming sigaw sa isa't-isa.

"Eh kasama ko ang bestfriend ko/Eh kasama ko si Jaice" Sabay ulit pero may dinagdag siya.

"...bestfriend ko."

"B-bestfriend mo si Eu, babe?"

"Oo. Teka...dude, si Axi ang tinutukoy mong babae?! Yung Aximiana? Nakunaman oh!"

"Yeah, Axi's real name is Aximiana babe. Bakit ba? Ano bang---"

"Wala. Wala naman akong kinuwento di ba dude?" Tinapakan pa ni Eu si Jaice sa paa at napangiwi naman ang isa. Pinigilan ko talagang matawa. Ang immature talaga ng kumag na to!

"Ako? Kinuwento mo ako kay Jaice? Hah! Bakla ka pala Euhicco eh! At tsinismis mo talaga sa boyfriend ng bestfriend ko ang tungkol sakin ha? Eh ako na babae hindi ko nga sinabi sa bestfriend ko eh." Tinawanan ko siya ng nakakaasar.

"H-hoy! Humingi lang naman ako ng....kasalanan mo kung bakit ako binawian ng kotse ni Dad at nawalan ng allowance. Dahil sayo!"

"Too bad. Kung di mo lang sana ako binangga, we could have remained strangers to each other right now." Tumawa ulit ako ng nakakaasar.

At sina Jaice at Satyana naman, ganito ---> O_O

Tingin kay Euhicco ----> O_O

Tingin sa akin ----> O_O

"Makaalis na nga!/Makaalis na nga!" Sabay na naman. Bow!

"Ba't ka ba gaya-gaya?/Ba't ka ba gaya-gaya?"

"See? Nanggagaya ka na naman!/See? Nanggagaya ka na naman!"

"Bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Asar ka!" Sigaw niya sakin.

"Pangit ka!"

"Mas pangit---teka! Ako? Pangit? Are you out of your sanity?"

"Hindi. Malamang ikaw siguro!"

"Aba! Kanina pangit tapos ngayon baliw?!"

"Oo."

"Hindi."

"Oo."

"Hindi!"

"O sige hindi na nga."

"S-sig...Teka ba't mo binawi?"

"Eh di sge, baliw at pangit ka!"

"Hindi sabi!"

"Eh ayaw mong bawiin ko di ba?"

"Eh sige na! Bawiin mo na."

"Yoko!"

"Bawiin mo!"

"Ayoko"

"Bawiin mo sabi!"

"Ayoko sabi eh!"

Napansin ko, sina Satyana at Jaice, ganito na ang expression sa mukha ----> ^_^

"Bakit ganyan kayo kung makatingin?!/Bakit ganyan kayo kung makatingin?!" napansin din pala niya.

"Eh kasi kayong dalawa..para kayong--"

"Magboyfriend na may LQ" pagtatapos ni Satyana.

"Alis na kami." Jaice put his arm around Satyana and before they left, he patted Eu on the back and said, "Good luck dude. Ang swerte mo."

"O, ba't ka ganyan makatingin?" Asar na tanong niya sakin nang makaalis na ang dalawa.

"Bukod sa dahil pangit ka? Kasi alam mo...tama si Jaice."

"Kapal mo rin ah! Ang malas mo kaya! At kala mo maganda ka?"

"Oo maganda ako. Bakit? Dahil lang naman sa may boyfriend ako. Eh ikaw ba meron?"

"Huh! Ikaw? May boyfriend?! Niloloko mo ba ako? Wala atang papatol sa mga pangit na gaya mo."

Sinabayan pa ng tawa ng ungas na to. Tse! Di na ako nagalit kasi kahit saang anggulo tingnan, siya pa rin ang lalabas na loser. Kasi naman noh, notorious playboy ang Eu na ito. Walang matinong girlfriend kaya yan! Kawawa. Ako pala dapat tumawa sa kanya ngayon eh! HAHHAHA

"Hindi. Totoo yun. Actually, in 5 seconds, darating na siya."

"Pfft! Sige nga..."

"5...4....3....2..."

"One! Oh, sinong dumating ngayon?"

I grinned at him. No, actually i grinned at the guy behind him. Pareho lang pala sila ng katawan ni bebe boy ko pero mas may appeal sakin si bebe boy ^_^

Syempre naman noh! Angel si Avett, demonyo yung isa. HAHHA

"Hi bebe boy!"

"Bebe girl.." Niyakap naman ako ni Avett nang makalapit na siya sakin. "O, andito pala ang soon-to-be husband mo."

"Oo nga eh. Alis na tayo dito. Parang mabaho kasi eh. Di ba bebe boy?"

"Sige tayo na."

Naglakad na kami palayo pero nang dinaanan namin si Eu, i just snorted at him.

Draw Me CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon