"MY Mom is an excellent cook."
Matamlay na tumango si Candi bilang tugon sa sinabi na iyon ng kanyang ka-date.
"I think it's her greatest talent," patuloy nito. "Siya lagi ang nagluluto sa tuwing may reunion ang family namin. Pati nga asawa ng mga kuya ko, madalas dumalaw sa amin para lang nagpaturo kay Mommy kung paano lutuin ang paboritong pagkain ng kanyang mga anak. Like last summer..."
What do I bloody care! Nagdurugo na ang tainga ni Candi sa pakikinig sa walang katapusang kwento ng ka-date niya tungkol sa nanay nito. Nayugyog na rin ang utak niya katatango rito. Parang epic ang kinukwento nito sa tagal na nitong nagsasalita― at ang nanay nito ang heroin sa kwento.
Kung hindi lang siya magmumukhang bastos ay kanina pa niya kinuha ang ipod niya at sinuot ang earphones sa kanyang mga tainga. Nabo-bore na rin siya. Abot-abot ang pagsisisi niya. She should have known he was a mama's boy. Ang mama nga pala nito ang kasama nito nang unang beses niya itong ma-meet. Bakit ba niya ito hindi tinanggihan noon pa lang?
Uggghhh! Sasabog na talaga siya!
Buti na lang ay tumigil ito upang uminom ng tubig. Natuyuan na siguro ang lalamunan nito kakukwento.
"Ah, Jet," mahinahong tawag niya rito.
"Yes?"
Tumayo na siya bago pa ito mag-umpisa ng panibagong kwento tungkol sa adventures ng mama nito. "Pupunta lang ako sa washroom."
"Okay. I still have a lot of free time this afternoon. Take your time."
Hala! At may balak pa ata itong mag-ala Lola Basyang maghapon. Masa-psycho na talaga siya!
Pilit ang ngiti na tinanguan niya ito. Nagmadali siya patungo sa washroom. Agad niyang ini-lock ang pinto ng cubicle na napasukan at naupo sa toilet.
"Ahhh! What should I do― ay butiki!" Napaupo siya sa toilet sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ng cubicle niya. "Who's that?"
"Excuse me. Are you all right in there, miss? Do you need help?" narinig niya ang malumanay na boses na iyon ng isang babae. "Ahm, I have an extra napkin here."
"Ah, no. I'm okay here," sagot niya. "Thanks for your concern."
"Oh, sorry. I thought... Anyways, you're welcome. Sige mauna na ako, ha?"
"Okay. Thanks ulit." Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng washroom. Naka-alis na ang babae.
Binalikan niya ang problema niya. Ano na ang gagawin niya? Hindi naman siya pwedeng magdahilan na may masakit sa kanya. Hindi siya marunong magdrama. Kaya nga hindi siya nakapasok sa drama club noong highschool. Baka magmukha lang siyang komedyante sa harap ni Jet. Pero ayaw naman niyang manatili kasama nito maghapon. Baka sa mental hospital na siya dumeretso. There was only one choice left for her...
Hinugot niya ang cellphone niya mula sa kanyang clutch purse at d-in-ial ang numero ni Azel. Wala na siyang pakialam kung paulanan na naman siya nito ng pang-aasar. She ought to escape Jet's claws pronto!
"Hello?" Hindi niya kilala ang boses ng sumagot sa kabilang linya. Babae iyon.
"Hello, where's Ag― Azel?" walang kakiyeme-kiyemeng tanong niya. Wala na siyang oras makipagchikahan pa sa kung sino mang nasa kabilang linya na malamang ay bagong girlfriend na naman ni Azel.
"Sino ka ba?" mataray na tanong nito.
"I'm asking where Azel is. Wala akong oras sa pag-i-interrogate mo, miss. At wag ka masyadong kabahan. Hindi ako isa sa mga girlfriends ng may-ari ng cellphone na pinapakialaman mo." Hindi na niya naiwasan ang magsungit.
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
MizahFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥