Chapter Five

193 8 0
                                    

"ANO... daw?" tanong ni Candi sa sarili. Naroon siya sa paboritong pwesto niya sa kanilang coffee shop habang pilit na inuunawa ang mga nakasulat sa record book ng mga accounts ng Tasa Korner. Makailang ulit na niyang binali-baliktad ang record book na iyon. At halos magkandaduling na siya sa pag-intidi sa mga nakasulat roon. She thought the scribbled handwriting written on it was terrible.

            "Suko ka na, Candrice?" tanong ni Jayne. Naupo ito sa tapat niya.

She smiled broadly. "Of course not. Bakit naman ako susuko kung ganitong nag-e-enjoy nga ako ng bonggang-bonga.

"I could see that," anito bago humigop sa sariling tasa ng kape nito.

"Good." Binaliktad niyang muli ang record book. "Kanino ba'ng sulat 'to?"

"Ewan. Kay Mobi yata." Isa pa sa mga co-proprietor ng negosyo nila si Mobi."Why?"

"Nothing."

"C'mon, Candi. Pagod ka na, alam ko."

"No, I'm not. Really."

"Ano ba'ng nakain mo?"

"Nag-oatmeal ako this morning. Hmm..." Sandali pa siyang nag-isip. "And a cup of coffee."

Sumeryoso ito. "Kaya ba napakasipag mo lately?"

"Maybe," pamimilosopo niya.

Jayne heaved a sigh of frustration. "Ano na ba ang gagawin ko sa 'yo, Candi? Ayaw mo naman sabihin kung ano ang problema mo. Hindi ka naman ganyan kasipag. At lalong hindi ka rin mahilig sa mga numero para trabahuhin 'yang accounts nitong coffee shop. Alam ko iyon kaya 'wag kang mag-deny diyan."

Napakagat-labi siya. Hindi siya makasagot dahil tama ang mga sinabi nito. Ang totoo, sinusubsob niya ang sarili sa trabaho para makaiwas kay Azel. Since the time he almost kissed her, nagkabuhol-buhol na ang kanyang sistema. Hindi na rin siya makapag-isip ng maayos. Kaya nilulunod na lang niya ang sarili sa pagtatrabaho kaysa intindihin ang nadarama.

"Hindi ko yata nakikita si Azel nitong nakaraan. Kumusta na ang kumag na 'yon?"

"M-malay ko. Baka busy s-sa negosyo. Or maybe sa g-girlfriendss n-niya." Mismong siya ay nagulat sa sarili. Bakit nauutal siya kapag si Azel ang pinag-uusapan?

Tumango-tango ito saka kinalikot ang cellphone. "Bakit hindi natin papuntahin dito. Para naman mabawasan ang stress ng taong 'yon."

"What?!" Nataranta siya. Ilang araw niya itong pinagtaguan. 'Tapos ngayon ay magkikita sila sa isang ordinaryong pagkakataon lang. Hindi pwede 'yon! Hindi pa niya ito kayang harapin.

"What what?" takang tanong ni Jayne. Nakadikit na ang cellphone nito sa kaliwang tainga.

"B-busy pa iyon sa mga oras na 'to." Sinilip pa niya ang kanyang relong pambisig para magmukhang convincing. "Bakit 'di na lang si Jum ang tawagan mo?"

Dahan-dahang ngumiti ito. "What a nice idea, mah pren!"

Nakahinga siya nang maluwang nang i-dial na nito ang numero ni Jum. Ipinagpatuloy na lang niya ang panghuhula sa mga misteryosong numero sa record book.

"Hoy, Candi!" pukaw ni Jayne mayamaya. Kausap na nito sa cellphone ang kasintahan.

"Bakit?"

"Iyang cellphone mo po, nag-ri-ring."

Noon niya lang napansing kanina pa nag-ri-ring ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya iyon ay halos tumakbo siya palayo sa kinauupuan. Si Azel ang tumatawag! Dinagsa siya ng kakaibang kaba. S-in-ilent niya iyon at pasimpleng inilagay muli sa ibabaw ng mesa. Pilit ang ngiting bumaling siya kay Jayne.

It Happens To Be You, Sweetheart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon