Chapter Seven

178 7 0
                                    

NAPAKISLOT si Candi nang may biglang bumusina 'pag labas niya ng Tasa Korner. Luminga-linga siya sa paligid para alamin kung sino ang pangahas na gumulat sa kanya.

"Malilintikan ka sa akin, Agusto," singhal niya nang makita ang kotse nito. Mabilis na humakbang siya palapit sa kotse nito. Halos mapulbos niya ang bintana niyon nang kanyang katukin.

"Candi."

Hindi niya napansing lumabas na pala ito sa kotse nito. At sa ikalawang pagkakataon ng umagang iyon, nagulat uli siya nito. Dapat na ata niyang bawasan ang pag-inom ng kape.

"Ano ba'ng problema mo! Papatayin mo ba ako sa gulat—" Napaatras siya ng lumapit ito sa kanya at sinaklit ang braso niya. "A-ano'ng gagawin mo?" Walang imik na binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Pumiksi siya nang akmang itutulak siya nito papasok sa kotse. "What—?"

"Just get in." Marahan nitong sinara ang pinto nang tuluyan na siya nitong napaupo sa passenger seat. O naitulak. Naupo na ito sa harap ng manibela kapagkwan.

"What is this, Agusto?" bulalas niya. In-start na nito ang engine. "Hey, hey! Hindi ako sasama sa iyo!" Tuluyan na siyang nagwala. "Agusto, this is kidnapping!"

"Huwag kang maingay."

"Stop the car! Stop―"

"'See that paper bag on the dashboard? Open it. It's for you."

Kinuha niya ang paper bag na tinutukoy nito. Sari-saring candy at chocolates ang laman niyon. "Ano 'to?"

"Bribe," sagot nito, hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

"What?"

"Bribe," ulit nito. "Para pumayag kang samahan ako."

Binato niya ito ng isang piraso ng candy. Tumama iyon sa sentido nito.

"Aw! What was that for?"

"For not telling me where we are going." Binato niya uli ito ng isa pang piraso.

"Aw! What was it this time?"

"For kidnapping me."

He burst out laughing. "Ikaw, Candi, ha, ang dami mong dahilan. Ginagawa mo lang pambato ang mga 'yan. Para malaman mo, mahal ang mga candies na iyan."

"So, kasalan ko pa ngayon? Sino ba ang nagsabi sa iyo na mamigay ng mamahaling candies? At bakit may pa-bribe-bribe ka pang nalalaman dyan?"

"Nothing. I just like giving you gifts."

"Akala ko ba bribe 'to?"

"Well, dual-purpose 'yan."

Kinilig siya sa simpleng bagay na iyon. Hayyy! Kapag uumiibig nga naman. Ang mga simpleng bagay, nagiging malaking kaligayahan.

Nagbukas siya ng isang bar ng tsokolate at kumagat niyon. Tahimik lang siyang nanginain hanggang tumigil ang sasakyan nila sa isang salon.

"You should have told me we're going here,"  sabi niya habang nililipat ang pahina ng magazine na napagdiskitahang basahin. Komportableng nakaupo na siya ngayon sa isang sofa. Habang si Azel ay napapalibutan ng mga mukhang galing sa ibang galaxy na mga empleyado ng salon na iyon. Ang kakapal kasi ng make-up ng mga ito kaya mas mukha silang aliens kaysa stylist.

Tumingin ito sa kanya mula sa salamin. "Do I really need to? Eh, sasama ka naman sa akin kahit hindi ko sabihin kung saan tayo pupunta. Meaning I didn't kidnap you— aw!" Nagkamali ng gupit sa kuko nito ang manikurista.

"Sorry, sir."

"Okay lang."

"Buti nga! Ha-ha!" Bumaling siya sa isa sa mga alien, este, sa manikurista. "Sige, panggigilan mo ang kamay ng kidnapper na mokong na iyan."

It Happens To Be You, Sweetheart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon