NAGPAPAHINGA sa ilalim ng beach umbrella si Candi matapos makapagtanim ng dalawampung seedlings ng mangroves. Pansamantala niyang nalimutan ang mga iniisip nang, mula sa kinauupuan, ay natanaw niya ang isang grupo ng mga babaeng iyon. Sila iyong mga nagpapa-cute kay Azel kahapon.
Humalukipkip siya. "Hmm, mga pusit talaga!"
Mula nang umpisahan ng grupo ang pagtatanim ng mangrove nitong umaga ay hindi na matapos sa pagrereklamo ang mga iyon na tila diring-diri sa mga seedlings na hawak.
"Tsk! Sabi ko na nga, dapat hindi sinama ang mga 'yan dito," ingos pa niya.
"Sino?"
Nilingon niya si Azel na ngayon ay umiinom ng mineral water sa tabi niya. "Ang mga chupapipays mo."
"Chupa―what?" kunot-noong baling nito sa kanya.
"Chupapipays." Inginuso niya ang tinutukoy. "Ang mga miyembro ng kulto mo."
Lumingon ito sa direksyong inginuso niya. "Well, I don't think there's anything wrong about letting them join our project," kaswyal na sagot nito bago muling bumaling sa kanya. Natatawang tinakpan nito ng palad ang humahabang nguso niya. "'Wag ka ng magselos sa kanila, Sweetie."
Tinangka niyang kagatin ang kamay nito na nakatakip sa kanyang mga labi. Pero mabilis nitong iniwas iyon. "Selos ka riyan. Pa'no akong magseselos. Normal ako—"
Mula sa likuran ay niyakap siya nito. Dahilan upang matigilan siya. Mahigpit ang pagyakap nito sa kanya ngunit tila punong puno iyon ng pag-iingat at... pagmamahal?
"Sabi nila, bawal daw maglambingan sa open air. Kasi PDA raw kapag ganoon. 'Di ba, Jum honey?"
"Yup, Hon," sagot ni Jum sa kayakap na kasintahan nito.
Noon pa lang siya pinakawalan ni Azel. Inakbayan siya nito at nakinuod na rin sa eksena ng kaibigan nilang magkasintahan na tila walang nakikita sa paligid nila kundi ang isa't isa lamang.
"Pero bakit may nakikita akong mga imoral na naglalambingan sa tabi-tabi?" malambing na bigkas ni Jayne.
"Hmm... nakita mo rin sila? Ang sweet nila, 'no?"
"I think, in love na in love 'yong guy sa girl. It's very obvious with the way his eyes twinkle whenever he's with her."
Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Azel sa balikat niya. Tila pinahihiwatig nito na gusto nitong umalis roon at huwag na pakinggan ang pina-uusapan ng dalawa. Iniiwas ba siya nito sa mga maaari pa niyang marinig?
"Talaga, Hon? You can see it in my eyes?"
Bumunghalit ng tawa si Jayne. "Ano ka ba, Hon? Hindi tayo ang pinag-uusapan natin."
"Hindi ba?"
Walang kagatol-gatol na dinampian ng halik ng kanyang kaibigan ang walang muwang sa paligid na boyfriend nito. "Tara na nga, aking irog. Punta tayo sa tiangge." Kinindatan muna siya ni Jayne bago nito hinatak si Jum.
What was with that little scene? Sila ba ni Azel ang inutukoy ni Jayne? "I think, in love na in love 'yong guy sa girl. It's very obvious with the way his eyes twinkle whenever he's with her" Iyon ang lalong nagpalito sa kanya. Kung Azel nga ang tinutukoy nito, masyado ba itong transparent for Jayne to remark that? Pero bakit hindi niya napapansin iyon? Okay. May maliit na bahagi na niya ang naniniwalang siya nga ang mahal nito. But she wanted to see it herself. Feel it herself. The love he was feeling for her. Hindi sapat na basehan ang concern at paglalambing na ipinapakita nito para masabi niyang mahal din siya ng taong nagpapatibok ng puso niya. Maging ang obserbasyon ng mga nasa paligid nila ay hindi niya ikino-consider.
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
HumorFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥