One Fine Day

3.2K 127 41
                                    

Zoey's Message:

No proof-reading has been done at sa notepad ko lang ito sinulat kaya hindi masyado na-correctionan ang mga mali. And first time kong gumawa ng guy's point of view. Alam kong, bakla. Meh.

Alam kong hindi ito maganda, dahil parang ang dali-dali lang ng turn of events. One day, i-eedit ko rin 'to at papahabain ko siguro ang moments nung dalawang bida. Para mas mahaba at mas maganda. Parang whirlwhind romance lang kasi ang nangyari. Kinailangan ko lang talaga 'tong tapusin ngayon para hindi na bumabagabag 'tong storyang 'to sa akin.

Dedicated sa Bebe ko. This serve as my belated birthday gift na to you, bebe. Alam ko namang di kagandahan 'to kumpara sa gawa mo pero it's the thought that counts right? Haha.

Yung song sa gilid, play niyo lang kung dapat ni iplay. Maganda yan. Narinig ko lang na kinakanta ng kapitbahay namin.

Mahilig ako sa long comments. Salamat sa mga babasa nito. Ingat kayong lahat. :)

x

DISCLAIMER: Original cover photo used is not mine.

* * * * * *

"Ate dalawa nga pong puting rosas." Panimula kong tugon sa babaeng nagbebenta sa isang kilalang flower shop rito sa Pilipinas."Naku! Ser, para sa babaeng sinisinta niyo ba ito?" Ngumiti siya sa akin habang nilulukot sa dyaryo ang mga bulaklak. May pagka-chismosa rin itong si ate, e. Di naman yan maiiwasan. Halos lahat ng babaeng kilala ko, madaldal. Ewan ko ba sa mga babaeng yan kung bakit di pa sila nauubusan ng mga paksa na pinag-uusapan. O hindi man lang sila nauubusan ng laway sa kasasalita.

Pero may kilala ako, ibang-iba siya sa mga katulad niyang babae.

Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti at inabot ang isang daang. Pinasalamatan na ako ni ate at tuluyan ko ng iniwan ang flower shop. Pagkalabas na pagkalabas ko, inamoy ko kaagad ang mga bulaklak. Mahalimuyak ang mga ito. Walong taon na ang lumipas pero ito parin ang pinakapaborito kong bulaklak. Alam niyo, maraming ayaw sa mga rosas. Dahil iniisip nila kaagad na masasaktan sila sa mga rosas dulot ng mga tinik nito. Isa sa pinakamagandang bulaklak ang mga rosas pero nawawala na ang saysay nito dahil marami ang ayaw humawak dito. Ang rason ulit? Masasaktan sila. Syempre, masasaktan ka talaga. May tinik, e. Pero regardless sa mga thorns ng isang rosas, may isang napakagandang bulaklak na maraming mga symbolismo. Lalo na ang puting rosas, it symbolizes peace, naiveity and everlasting love.

Pero may kilala ako, maliban sa akin paborito niya rin ang mga puting rosas.

Sa paglalakad ko, narating ko na ang parahan ng bus. Sa kanan ko may isa akong babaeng katabi, nakahawak siya ng isang dilaw na na payong. Abot-beywang ang buhok nito, hindi ito payat pero hindi rin naman ito mataba.Nahalata niya sigurong tinitignan ko siya dahil bigla niya akong hinarap at kumunot ang noo nito, sabay porma ng isang 'v' line ang dalawa niyang kilay. Inikot niya rin ang kanyang dalawang mata. Halata namang, ayaw niya sa akin diba? I mean, sino ba ang magkakagusto sa isang katulad ko?

Pero may kilala ako, siya ang kauna-unahang tao na binigyan ako ng pansin.

Sa kaliwa ko naman, may mag-asawa. At nag-aaway pa ito. Hindi ko alam kung hindi ba sila nahihiya na nagsisigawan sila sa gilid ng daan. Sinisermonan nung mister ang kanyang misis dahil raw nakalimutan niyang magdala ng credit card. Ano ba tingin natin sa mga babae? Diba mga palaban sila? At dahil dun, hindi naman nagpatalo si misis at pinagalitan rin ang kanyang asawa dahil dapat hindi raw nagdedepende sa credit card. Ang hirit naman ni mister? Siya raw ang kumikita sa pamilya nila kaya dapat kahit anong gusto niya masusunod. Dahil below the belt na yun, all hell broke lose.

One Fine DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon