<3 The greatest thing in life is finding someone who knows all of your mistakes and weaknesses and still finds you completely amazing and will never walk away.
***
"I need you now. Papunta na ko sa bahay niyo." What?! Ganitong magaalas-onse na ng gabi?
"Gabi na ah. Ano nanaman ba ang problema mo?" Tanong ko kahit may hint na ako kung ano yon.
"Basta. Lumabas ka na ng bahay niyo. Malapit na ko." What the? Matapos niya akong bulabugin, ako pa ang pinagbabaan ng phone? Ayos din ang mokong na yun ah.
Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto ko. Porke't ninang ko ang mommy niya at bestfriend ko siya, malakas ang loob. Alam niya kasing hindi ko siya matitiis.
Habang hinihintay ko siya sa may labas ng gate namin, napatingala ako habang nakapikit. Iniisip ko kung ano kaya kami ngayon kung hindi ako ganito. Hindi kasi ako katulad ng ibang babae na magandang manamit at mahinhing kumilos. Kabaligtaran ako ng mga yon.
Maluluwag at mahahabang shirt at shorts ang madalas kong isuot. Ang buhok ko na natural ang pagkawavy, laging nakapusod at may cap. Tapos ang kilos ko pa parang sa lalaki, astig. Walang kapoise-poise.
Paaano ba naman hindi? Nag-iisa akong babae sa pamilya namin. Si daddy tapos ang tatlo kong kuya. Sa lahat ng lakad ng mga kuya ko, madalas akong kasama. Mapabasketball man yan, arcade games, dota o car racing. Halos lahat ng mga ginagawa ng isang lalaki, kaya ko din.
Maaga kasing nawala si mommy dahil sa panganganak sa akin. Kung buhay pa kaya siya, ganito pa rin kaya ako ngayon?
Pero kahit ganito ang porma at kilos ko, alam ko sa sarili kong babae pa rin ako dahil kung hindi, hindi ko mararamdaman ang kakaibang damdaming ito.
"Mukhang ikaw ang mas may kailangan ng kausap ah. Ang lalim ng iniisip mo eh." Napamulat ako at nasilayan ang gwapong mukha ng lalaking hinding-hindi ko na yata makakalimutan.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya nataranta ako. "Tss.. p-problema mo ang isipin mo hindi 'yung sa ibang tao. Magkwento ka na ng makatulog na ko." Masungit kong sabi dito habang napailing lang ito.
Sa pool side ako nagdiretso at sumunod naman ito. Habang hinihintay kong magsalita ang lalaking katabi ko, tinatampisaw ko ang dalawang paa ko sa tubig. Kahit paano kasi, gumagaan ang loob ko.
"We broke up." Pag-uumpisa niya. Sinasabi ko na nga ba, babae nanaman 'to. Yan naman ang madalas niyang problema, ang playboy kasi. Hindi ko alam kung matatawag ba talagang problema kasi pagkakabreak niya sa isa, wala pang isang linggo may kapalit na kaagad.
"Ano nanamang dahilan?" Nagawa ko pang itanong rito kahit inis na inis na ako. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari.
"I just found out that she's cheating on me." Malungkot na sabi nito. Ngayon lang yata nag-iba ang reason kung bakit sila naghiwalay ng past girlfriend niya? Ang kadalasan kasi selosa, attention seeker, war freak, maarte, masama ang ugali, blah blah blah at siya ang nakikipaghiwalay hindi yung babae.
And it also means na mahal niya talaga si Marga? Aaminin ko, hindi pa man sila noon nagseselos na ako. Magkaibigan rin kasi sila at makikita mo yung closeness na meron silang dalawa. Marami pa ang nagsasabi na bagay sila, ang ganda kasi ni Marga tapos ang gwapo naman ni Xander. Oh di ba, perfect combination?
Nasasaktan ako, oo. Pero yun naman ang totoo. Sino ba naman ako sa buhay niya? Isang hamak na kaibigan at tagapakinig lang naman sa mga problema niya.
"Y-you really love her?" Nakatingin ito sa akin habang sinasagot ang tanong ko.
"Of course, I love her. Halos perpekto na siya kaya hindi siya mahirap mahalin." And booom! Parang dinudurog ang puso ko sa inamin niya. Hindi ko kinaya kaya sa tubig na lang ako tumingin.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako sa Bestfriend Ko (Oneshot)
RomanceThis is a oneshot story about a boyish girl who fell inlove with her guy bestfriend. Sa istoryang ito humanda ka ng malungkot, maiyak at kiligin! :">