ikalwang KABANATA

1.1K 25 1
                                    

"Tol, sigurado ka ba talaga dito? Baka pwede pa tayong magback out?" Tanong sa akin ni Aldrin este Alwina Atentar nung nasa loob na kami ng academy.

"Alam mo Alwina Atentar," Hinawakan ko yung ulo nya na medyo mahaba yung buhok kasi pinadugsungan ko sa parlor. "unang-una mare or sis ang itatawag mo sa'kin wag tol mahuli pa tayo mabale-wala pa lahat ng plano ko. Pangalwa, di na pwedeng magback out kasi enrol na tayo. Sasayangin mo ba sakrepisyo ng mama mo?"

Yup tinulungan kami ng mama niya. Medyo mahaba-habang pagpapaintindi at pakikiusap din ang ginawa ko sa mama nya para pumayag sa mga plano ko, mga... limang kahon ng imported chocolates. ^_^

"Naman e. Alam mo bang mahihirapan ako dito." Hinawakan nya yung braso ng long sleeves ko tapos para talagang cute na babae na nagmamakaawa.

Lumapit ako sa may tainga nya tapos bumulong.

"Tol, ang cute mo sa ginagawa mo. Kung di kita kilala mapagkakamalan talaga kitang babae." Hahaha.. tiningnan nya ako ng masama tapos tinalikuran nya ako. Hahaha.. nakakatawa talaga mukha nya para talaga syang babae.

Ilang sandali ko pa syang pinagtawanan at sinuyu-suyo para lang kabatiin nya ako pero ayaw magpapilit e. Hahahaha

"Kayo yung galing sa St. Gabriel high school tama ba?" Nagulat kami ng may dalawang sumulpot sa harapan namin.

"Ah oo." Sabi ko na lang with a boyish type. Whahaha ako na ang boyish hahaha.. ikaw ba naman ang magkaroon ng mga ate na kung di tomboy ay boyish.

"Nakakatuwa naman mabuti at dito nyo napiling magaral sa St. Del Carmen. Magkakaroon kami ng schoolmate na mayaman. Nakakatuwa naman." Tuwang-tuwang sabi nung kasama nya.

"Naku pasensya na kayo kay Niña. Ako nga pala si Karen Grace Libao. Kaming dalawa ang dorm managers ng mga first years. Apat na taon din tayong magkakasama dito." Nakangiti nya sabi sa amin.

"Saan ba ang room nyo para maituro na namin sa inyo." Sabi nung Niña.

"Ako room 202." Sagot agad ni Al. Mukhang bagot na bagot na talaga itong baliw na to. "Uhmmm wag nyo kaming pagsasamahin nitong baliw kong bestplen ha." Tamo nga naman sino ba sa amin ang baliw. Nakakita lang ng girls nagpaka angel na.

Tiningnan ko yung papel na hawak ko. Nandito kasi yung mga ibat-ibang information tungkol sa school grounds.

"Ako 365." Sabi ko na lang na parang hindi narinig ang reklamo ni Al.

Kainis talaga tong mokong na to. Sabihan ba naman akong baliw. Kay Ro siguro baliw na ako. Asan kayang room si Ro?

"Sumunod ka sakin." Sabi ni Niña kay Al.

Pinasunod naman ako ni Karen sa kanya.

"Uhmm, miss Karen--"

"Karen na lang." Lumingon sya sakin tapos ay ngumiti. Ang cute naman nya. Pero kay Ro parin ako. :D

"Karen, sino ba ang kasama ko sa room."

"Si Rosalia Lynna Croford ang isa sa mga mayayaman dito sa school." Napatigil sya sa pagsasalita kasi kinukuha na nya yung susi sa bag nya. "Actualy kayo lang nung kasama mo ang may pinaka mataas na money account nung nagpaenrol kaya nagulat talaga kami. Akala namin si Ms. Croford na ang pinakamayamang papasok sa amin e. Buti na lang at dito nyo napiling mag college." May kung anong gumagambala sa saloobin nya sa sandaling iyon. Parang may problema sya pero natatakot naman akong itanong sa kanya iyon ng harapan.

"Ibig nyong sabihin kilala nyo na kung sino kami sa unang tingin nyo pa lang kanina?" Patay pano kung alam na nila kung sino kami?

"Oo naman. Nandoon ako ng magpaenrol kayo." Tugon nya sakin tapos binuksan na yung pinto.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon