ellathena ang aking pinaka-favorite na reader! Thanks for supporting me ever since. Love you!
"You like it?"
Lahat ata ng parte ng katawan ko tumaliwas sa nararapat kong gawin. Tumaas ang balahibo ko, nangatog ako sa takot at bumabalik sa akin ang nangyari sa SC room. Tinulak ko si Arden. Nang makita ko ang mukha niya akala ko siya si professor pero kinurap-kurap ko ang mata ko at nakita kong si Arden pa rin ang kaharap ko.
"What?" Rinig ko ang inis niya sa tanong niya sa akin.
"I can't." Pabulong kong sabi. Niyakap ko ang sarili ko para itago ko ang hubad kong katawan.
"You can't? Chantalle, meron ka ba?"
Umiling ako.
"You stop taking pills? If you do then I have condoms here."
Umiling uli ako. Wala sa mga tanong niya ang sagot kung bakit ako nagkakaganito.
"You keep on pestering me about this for the past months and now you're saying you can't?" Nayayamot niyang sabi.
Napatingin ako sa kaniya na nagtataka. Ngayon ko lang nakitang nainis ng ganito si Arden. "I'm not pestering you... and I just can't today..." nasa dulo na ng dila ko ang mga dapat kong sabihin sa kaniya. Gusto ko nang aminin sa kaniya ang ginawa sa akin ni Prof. Adolfo kaso natatakot ako.
"May mali ba sa gabing ito?" Pagtataka niya. "I'm suppose to be reviewing for my battery exam tomorrow but I chose you."
"Arden, hindi ko lang talaga kaya ngayon, please, just... I'm going home."
"Then this not gonna happen again." Madiin niyang sabi. "At kahit na gaano ka... nevermind."
Nagpagting ang panrinig ko sa sinabi niya. "Gaano ako ka? Sabihin mo Arden, ano, kakati? Why can't you understand that I just can't? Marami lang nangyari sa araw na ito. And don't just blame me, malakas lang ang control mo sa sarili mo. Shh, why am I talking about this to you? You can't understand 'cause you never listen to me." Pinulot ko yung blouse kong natangal niya at mabilis na sinuot 'yon.
"Sa sandaling lumabas ka sa pintong 'yan, break na tayo."
Napamaang na lang ako sa kaniya. Hindi pa nga ako lumalabas ng pinto sinasabi na kagad niya na break na kami. "Are you just waiting for this time for me to make a mistake so you can break up with me?"
Wala siyang sinagot. Umiwas lang siya nang tingin at tumalikod siya sa akin.
"So that's it? Is this your surprise to me? A break-up sex?" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang malakas na paghikbi ko. Hindi nga lang nakatulong para wag tumulo muli ang luha ko. For the second time of the day, I cried.
Napaharap uli siya sa akin. "I'm not breaking up with you. I just need space."
Pinapahiran ko 'yung mga luha ko. Naiinis lang ako kasi ayaw tumigil. "Space? Kung mahal mo talaga ako hindi mo gugustuhin na mawala ako sa tabi mo." Binuksan ko 'yung pinto. "At kung nahihirapan ka sabihing makikipaghiwalay ka, ako na gagawa." Lumabas ako ng walang kagatol-gatol. Alam kong padalos-dalos ako ngayon pero tama na. No matter how much I wanted Arden, I can't beg for him right now. Not now. I want to think first.
***
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa cab. Buti na lang may natira pa sa perang hiningi ko kay Arden at 'yon ang pinambayad ko sa driver.
Kala ko walang tao sa bahay dahil walang ilaw pero napansin kong nakaawang ang front door namin. Kinabahan ako kaagad baka kasi nalooban kami. Pagpasok ko mas lalo pa akong nahindik nang makita ko ang mga kalat. Lalabas na nga sana ako para huminhi nang tulong kaso lang napansin kong may naka-upo sa sofa namin. Pagkalapit ko nakita ko si daddy na walang malay habang may hawak na isang bote ng whisky na halos wala ng laman. Lasing na naman.
"Dad?" inalog-alog ko siya. "Anong nagyari dito?"
Dumilat siya at tiningnan ako. Ilang segundo pa nagbago ang pagod niyang ekspresyon. Naging miserable at parang nalugi. Humagugol siya ng iyak.
"Ayaw na sa akin ng mommy mo." Sabi niya.
"What are you saying?" Nakikinita ko nang mangyayari ito pero isinasantabi ko lang dahil imposibleng maghiwalay sila. Mahal na mahal ni daddy si mommy.
"She filed an annulment." Niyakap niya ako. "Anong gagawin ko?"
"Asan si mommy? Tatawagan ko siya?"
Wala nang sinabi ang daddy ko kasi nawalan na siya ng malay sa kalasingan. Isinandal ko siya sa upuan at nagmamadaling pumunta sa telephone para tawagan si mommy. Nakailang ring bago niya ako sinagot. Nanghihingi ako ng explanation sa kaniya pero umiiyak din siya sa kabilang linya.
"Kailan pa tayo nagkaganito, mom?" Sa pangatlong pagkakataon umiyak ako.
"Sorry, sorry, anak."
Nilapag ko na ang telepono. Ayoko na makarinig pa ng excuse ni mommy. Nilapitan ko si daddy at inalalayang papasok sa kwarto niya. Iniwan ko siyang umiiyak pa rin. Sabihin na nating selfish ako pero ayokong tabihan si daddy habang umiiyak. Masyado na kasing masakit sa akin ang araw na ito at ayokong makitang mas mahina pa ang mga magulang ko kaysa sa akin. Nawawalan din ako ng lakas.
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...