Dear my Co-Fangirls,
Do you still remember the day when your life is extremely ordinary? So simple and boring?
Yung tipong kain, tulog, pasok sa school, and the rest paulit-ulit lang? Well until now pa din naman, pero simula nang pumasok ka sa Kpop world or kung hindi ka man Kpop fans (Basta nag i-idolize ka) admit it, nagbago ang buhay mo. Mas sumaya ka at mas naging sociable kang tao.
Pero...fangirling is not that easy. It's like love, full of happiness but at the same time sadness and pain.
'Yung tipong mababaliw ka kakahintay sa comeback nila, tapos pag nag comeback na sila, nare-rape muna 'yung replay button. 'Yung titili tayo ng titili kapag may byuntae images or videos tayong makikita. 'Yung ginagawa mo pang wallpaper yung picture niyang kita yung abs. 'Yung cellphone nating puro pictures and songs lang nila ang laman. Mga likod ng notebook na puro pangalan nila ang nakasulat.
Lagi tayong puyat gabi-gabi kakapanuod lang sa kanila. Kaka-spazz araw-araw. Being outdated is like, 'What the fuck? Anong nangyari?'. Then here it goes, some thoughtful person will tell you the whole story. Fandom is like a family, right? Right.
Pero pag may fanwar, asahan mo...malaking gulo ito.
We even tried to learn, writing and reading hangul. And thanks, natutunan din naman natin agad. 'Yung pagtitipid mo ng pera, at hindi pag gatos ng baon mo para lang makabili ka ng mga merchandise nila, albums at higit sa lahat ng concert tickets. It's funny how we spend our money, thinking na may mas mahalaga pa na bagay na dapat nating bilihin. Imagine the cost of the tickets, 15k?, 18k?...mahal diba? Hinding-hindi tayo manghihinayang diyan kasi sulit naman ang lahat. Pero hindi mo ba naisip ang sinabi ng nanay mo? In that price, you can buy a lot of cloths, new laptops or cellphones. But in our mind? Nah, I don't need that. I need to see my husbands, no matter what. No more 'whats' and no more 'buts'.
Sa concert naman, hala sige...tili. Hindi iniisip na baka, bukas paos na tayo at wala ng boses. Okay lang...marinig lang ni bias ang boses natin. But we know, that will never ever happen. So impossible...mas imposible pa na mapansin ka ng crush mo. Eh, sa dami ba naman ng tao dun mapapansin ka niya? Sino ka ba? Sino ba ako? Sino ba tayo? We're just a fan.
Some of our friends called us 'weird'. Why? Because we're speaking in different language, and they called that alien language. But who cares? Nobody's care, right? You can't stop us. You can't stop the fangirls. These is our happiness and I hope everyone must understand us....especially our parents.
Our happiness is our idols or bias. No matter what they do, we will always support them...until the end. They're our life, inspirations, desire, happiness and love. We smile when they're smile, and cry when they're crying.
Dinadamayan natin sila...lagi.
Ginagawa naman natin...lahat.
Pero bakit ganun?
Kahit na alam nating sobrang imposibleng na mapapansin din tayo ng idol natin, tuloy pa rin tayo. Bakit ba natin sila tinatawag na mga, bae, babe, hubby, asawa ko, oppa, boyfriend... kung alam naman natin sa sarili natin na hindi naman talaga sila atin?
I love you all!
'Yan ang palaging sinasabi ng bias natin sa atin. Pero hindi mo ba naiisip, totoo ba? Pano niya tayo mamahalin eh hindi nga niya tayo kilala. Right, they love us...but just as a fan. No romantic thingy or whatsoever.
Gusto ko ng itigil ang pag iidolize sa kanilang lahat. Ayoko ng maging fangirl. Minsan talaga pumapasok 'yan sa isip ko. Pero sa tuwing nakikita ko sila...jongina. Hindi ko pala kaya.
Pero sa tuwing naiisip ko rin na...hindi tayo 'yung magiging makakatuluyan nila? Masakit. Yung hindi ikaw yung babaeng mamahalin niya. Hindi ikaw yung babaeng kakantahan niya. Hindi ikaw yung babaeng pakikiligin at patatawanin niya araw-araw. Hindi ikaw yung babaeng katabi niya at una niyang makikita tuwing umaga. Hindi ikaw yung babeng papangakuan niya ng habang buhay. Hindi ikaw yung babaeng mamahalin niya ng totoo.
Hindi tayo 'yung babaeng pinapangarap natin na maging tayo.
Kasi imposibe.
Tuwing nakikita ko ang mga mukha ng idol ko, naiiisip ko kung....pwede kaya? Pwede kayang sa hinaharap makasama ko ang taong 'to?
Kasi sa hinaharap, dadating yung araw na...nakaupo ka at nakaharap sa laptop mo habang umiiyak...kasi, may nabasa kang article na, Our idol already married with someone. Dadating yung araw na 'yan. At dadating din ang araw na ang mga ina-idolize mong boyband, hindi na sila sama-sama. Kasi may sari-sarili na silang buhay. Ikaw, tayo, naka-stuck pa rin. Kasi, nanatili pa rin tayong umaasa na magiging atin din sila.
Magkaka-pamilya rin sila. Hindi na sila gagawa ng mga album. Hindi na sila lalabas sa mga shows. Hindi na sila magkakaroon ng concerts. Hindi ka na magiging updated sa kanila.
Kasi nga dadating ang araw na, ang aatupagin na lang nila ay ang pamilya nila. Wala nang 'tayo'. Hindi na tayo kasamang mga fangirls sa hinaharap nila.
Masakit isipin, diba? Gusto kong umasa, oo. Sino ba naman ang hindi. Posible naman mangyari na makasama natin ang bias natin habang buhay, pero ang percentage? 1 percent. Hangga't wala pang nakakatapak sa araw posible pa 'yan.
Pero dipende rin sayo yan kung hanggang kailan ka aasa.
Ako? Hindi ko alam, kung kailan ako titigil.
Makita ko lang sila sa screen, jongina! Suko ang puso ko. Hindi ko kaya. Parang isipin ko pa lang na tatanggalin ko sila sa buhay ko, mababaliw na ako.
We know all about them, but unfortunately...they don't even know our names, our existences. We love them unconditionally, but the question is, do they really love us?
Ang sinasabi ko lang, wag tayong masyadong umasa. Buhay nila yun kaya, they can do whatever they want to do. At ganun din naman tayo diba? Masakit isipin, pero kailangang tanggapin.
And one last thing...kahit na hindi ko sila makasama habang buhay...
Isang yakap lang mula sa bias ko, okay na ko.
Malaman niya lang ang pangalan ko, ayos na ko.
Kahit dun man lang, alam kong lahat worth it lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko.
Ikaw? San ka makukuntento?
.
.
.
Well, it's part of being a fangirl.
All we need to do, is to accept everything that will happen and what would happen in the future.
-FluffyWhite
YOU ARE READING
A Fangirl's Letter
Non-FictionTo all my co-fangirls, these are the reality. Truth hurts, but it will set you free. -FW