Nabigla ako nung nagising siya at biglang tumakbo sa kanyang C.R at sumuka. Agad ko siyang sinundan at hinimas ang likod niya. At tinanong kung okay lang siya. Tanga Ryker! Natural hindi siya okay. May sakit nga, diba?
Tinulungan ko siya makabalik sa kanyang kama. At sinabi kong magpahinga muna siya.
"...kukuha lang ako ng gamot. " ani ko at lumabas agad.
Pagkalabas ko si Dale agad ang bumungad sa akin.
"Is she okay?" Tanong niya sa akin.
"She is not. Get inside her room, at bantayan mo muna siya. But do not come to close, baka mahawa ka sa sakit niya. " Pagpapaalala ko.
At tumango naman si Dale at pumasok na rin sa kwarto ni Rian. Agad naman akong bumaba at dinial na agad ang number ni Tita. Naman! Sana gumaling siya agad...
Nung sinagot na ni Tita.
"Hello po Tita?!"
"Oh? Anong nangyari?!"
"Si Rian po!"
"Oh? Anong nangyari sakanya? Maghinay-hinay ka muna iho. "
"Kasi po Tita, nagsuka siya. "
"Pagpahingahin mo muna siya. O dalhan mo ng gamot. Pero ang alam ko wala na siyang gamot diyan eh. Bibili na lang ako. Malapit naman na kami matapos mag grocery hayaan mo muna siyang magpahinga. "
"Sige po Tita, ingat po kayo. "
At tuluyan ng binaba ni Tita. Naman Rian! Hindi pa naman ako marunong mag-alaga ng sakit...
Kaya dinial ko ang number ng Driver namin.
"Hello, Manong!"
"Ano po yun Sir? Mag papasundo na po ba kayo?"
"Hindi, pero si Dale sunduin mo na. "
"Osige po Sir. "
"Tapos mag-dala ka pala ng gamot diyan sa lagnat. Lahat ng klase patulong ka na lang kay Manang. "
"Sige Sir. Yun lang po ba?"
"Oo, yun lang naman. "
"Sige po. "
Tapos binaba ko na yung tawag.
Umakyat ako ulit para macheck si Rian. Bubuksan ko na sana, pero narinig ko ang pangungulit ni Dale na gusto niya raw magkapatid na babae.
Hay nako, Dale. Wag sabing kulitin!
"I can be your sister, Dale. " sabi ni Rian.
Napangiti naman ako sa sinabi niya kay Dale. Kahit inaasar ko parati yang baboy na yan, importante pa rin siya sa akin. Family is important.
Nakakawala ng pagod at pangangamba yung sinabi ni Rian kay Dale. Masaya ako kasi pinapagalagahan niya ang mga tao na mahal ko...
BINABASA MO ANG
Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?
RomanceKaya masakit pa, kasi mahal mo pa rin. -Unknown. ---- Property of Toni Anne A. Hernaez (ParadiseOfHernaez)