VOL Chapter 5

25 4 2
                                    

Chapter 5

Monday once again!

naaalala nyo pa ba yung panyo na tinali ni Joshua sa sugat ko? nasa treasure box ko na yun. hahaha.

Andito ako ngayon sa Mini-forest, umuupo, nag-iisip kung ibibigay yung panyo na to kay Joshua o wag na lang?

"Ibigay mo na! Baka ma-impress pa yung tao sayo."

"wag na! mayaman naman yun eh! makakabili yun ng maraming panyo, tapos kasalanan niya yun!"

urrrggghhh! Stop arguing you brain! bahala na si Tarzan!

Palabas na ako ng school since wala rin naman akong magagawa dito eh! 

Nasa may pathwalk na ako naglalakad when I saw this very familiar guy.

My plan? just pass at wag siyang pansinin, sana naman makisama tong puso ko.

wew! here we go...

dadaan na ako sa kanya just 5 steps at malalagpasan ko na siya.

5...

4...

3...

2...

1...

and yes nalagpa---

"Miss T! wait!"

Wala kang narinig Deiane! wala! lakad lang! patuloy lang sa paglakad... malapit ka ng makalabas ng Campus

"Sandali nga!"

nafeel ko na lang yung kamay niya sa balikat ko.

waaaaaah!

nakakakuryente tong kamayng to! ayokong lumingon! ayoko, 

pero sadyang may sariling utak tong katawan ko at umikot na lang para harapin siya.

"Pft..."

nakakahiya to! ako? nakayuko lang naman dahil sa kahihiyan habang etong taong kaharap ko, pinipigalan ang tawa niya bakit?

NAKITA LANG NAMAN NIYA YUNG MUKHA KO NA NAPAKAPULA.

"Tama na nga! nahihiya na yung tao eh!"

Jo: Sorry, I'm just surprised.

Me: Bakit mo ko tinawag?

Jo: wow! So galit ka na niyan? Ikaw pa tong may ganang magalit? Ikaw na nga tong ilang beses nang-argabyado eh!

SPEECHLESS LOLA NIYO!

Eto namang nilalang na hindi marunong makiramdam, kitang nahihiya na yung tao, hinawakan yung chin ko at inangat yung ulo ko pataas,

At dahil dun! nagtagpo lang naman ang mga mata namin.

Any minute matutunaw na ako sa titig ng taong to! pramis...

Jo: May dalawa kang atraso sakin, wag mo sanang kalimutan yan... at, may special assignment tayong dalawa, See Ms. Shew tomorrow. 

At nawala na naman siya sa paningin ko.

Saklay! kailangan ko ng saklay! Hindi keri ng power ko tong pinag-gagawa ng lalaking to sakin! 

TULIRONG UMUWI!

grabeng power tong si Joshua...

Oo na! siya na ang gwapo.

Valley of Lost Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon