Krissa's POV
It's thursday today. And bukas na yung performance. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong kinakabahan. Hays. Sana ngayon.lang to para makapagperform kami ng maayos.
Nakapagpractice naman kami ni James kahit papano. Iniiwasan ko nalang ipakita yung pagka-ilang ko sakanya baka kasi mailang rin siya. Mahirap na.
Kasalukuyan akong nagmumuni muni. Pansin ko, napapadalas ata to? Simula nung..... ah! Nevermind! Math Class ngayon kaso may biglaang meeting kaya ayun nakatunganga lang kami.
"HOY CLARKBANYO MAGPRACTICE NA KASI TAYO! SASAPUKIN KITA DIYAN EH!!!!" Beastmode nanaman si Chelsea nako! Hahaha.
"Habulin mo ako baby chelsea~" Sabi ni Clark habang tumatakbo.
Nakakatuwa tong dalawang to. Parang mag-jowa kung kumilos. Nakakapagtaka lang kung bakit hanggang ngayon eh di parin sinasagot ni Chels si Clark. Pakipot din yun eh. Halata namang mutual lang ang feelings nila sa isa't isa.
"nananana oh, nananana yeah you are the music in me.~" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko sila Kyle at si Nics na nagpapractice. Ang ganda talaga ng boses ng babaeng to.
Nakita ko namang parang natulala si Kyle kay Nics. Nawala yata sa focus. Hahahaha.
"Huy Kyle!" Taray close na sila ni Nics.
Mukha namang natauhan si Kyle at humingi ng pasensya kay Nics. Nako I smell something fishyyy.
Humarap nalang ako uli tsaka ako dumukmo. Tinamad tuloy ako bigla.
*poink*poink*
Napatayo yung ulo ko ng naramdaman kong may kumakalabit sakin. At nakita ko ang nakatayong si James.
"Oh James! Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Ah wala. Nagpapractice kasi sila. Gusto mo rin ba?"
Parang wala yata ako sa mood. Tinatamad talaga ako. Tsaka parang di maganda yung pakiramdam ko.
"Ah James, Pwedeng wag muna? Nakapagpractice naman tayo nung mga nakaraang araw? Ok na naman yun di ba?" I don't want to be rude pero wala talaga e.
"Ah sige. Para maayos yung boses natin bukas. Baka pumalya pa eh." Sinamahan niya pa ng ngiti. Infairness gwapo talaga siya.
Ugh! Nasapok ko ng yung ulo ko. Ano ba naman yung iniisip ko? Grabe. Lutang talaga.
"Ay ano pala. Kris pwede ko bang makuha yung number mo? Para bukas maayos tayo. O kaya baka may kailangan pa tayong gawin na nakalimutan natin. Alam mo na bukas na yun eh."
*processing
Ano daw? Yung number ko? Sakin ba talaga? Naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko.
"Uy krissa ok ka lang ba?
"Ha? Oo! Ah- eto pala pakisulat nalang, 09*5***2***."
"Ah sige salamat ha? Balik na ko sa upuan ko." Okay nguniti nanaman siya.
Hanggang ngayom di parin nagsisink-in sakin yung nangyari. Grabe lang.
Dumating na yung teacher namin para sa next subject. Ano ba yan bakit di ako makapakinig ng maayos!
---