Daddydidodu

80 0 0
                                    

Tatay, Daddy, Papa, Itay at HOY! ( Insert father's name here ) at kung ano ano pang tawag natin sa kanila. Mga pangaral at salitang humuhubog ng buhay at kung minsan ay matigas na kamaong humuhubog ng muka, pero swerte ko hindi ganun ang daddy ko hehe. Mag kkwento lang ako saglit, para kahit papano malaman nyo kung gano ako ka swerte sa daddy ko at kung gano ko sya kamahal.

Simula baby pa lang sya eh . . . . . . . . . .teka teka advance tyo ng konti ha . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ok game. Masipag, mabait, mapagmahal at higit sa lahat eh corny oo tama corny ang tatay ko. Pang sampu sa labindalawang mag kakapatid, lumaking may takot sa Diyos at higit sa lahat eh lumaking mag takot sa akin, pero joke lang un. Sa mababang edad ay natutong kumayod para sa mga nkababatang kapatid kasabay ng pag aaral. Oo pramis masipag talaga sya, alam ko kasi tamad ako at sya na ang nagawa para sa akin.

Mabait sya. . . . mmmmmm hindi pla. Naaaaaaapaka bait niya lock double lock. Hindi dahil hinahayaan niya akong lumabas ng bahay dala ang mga barya niya kundi hindi siya marunong manakit at masarap pakinggan ang mga sermon nya.

Pag kasi nag sermon siya parang mga words of wisdom in slow motion, kalmado, relax. Kahit naka patay kana ata ng langgam at nalasing ka sa tubig eh chill na chill pa din ang daddy ko. Pero sa oras na mag salita na ang kalbong to eh papakinggan mo talaga siya. Ito ngayon ang magiging mantya ng isipan at magiging laman ng kunsensya mo na babalot sa katawan at gigising sa kamalayan mo na katakutan mo ang mga salita niya. Dahil kung ako talaga ang tatanungin ay napaka swerte ko na talaga dahil hindi ako deserbing na maging tatay ko siya, swerte nga eh diba? Kung baga sa lindol ung sermon niya may after shock. Si nanay kasi pag nag sermon walang after, puro shock kaya saka ko na ibubulgar ang nanay's 987635 commandments.

Corny siya! Umisip ka ng pinaka corny na kwento or joke. .yan yan ! mas korny pa dan ang sa daddy ko. Pero hindi mo din matitiis ang hindi tumawa sa mga sinasabi niya habang na hingi ng pag sang ayon at kakampi pag gusot na ang mga muka ng mga ka kwentuhan niya. Wala eh kailangan bumuli ako kaya tatawa na din kahit ang naririnig ko lang na sinasabi nya eh " ako may kwento sa inyo. dati kasi ba babah blah blah ba bablah blah yehey bablah utot babablah singot bablah blah nkakatawa no ? " Ang latest ata niyang kwento sakin eh asong nag papaputok ng bubble gum (pppppppfffff . . . . aaaahahaha asong nag papaputok ng bubblegum san galing un) tumawa ka na dali minsan lang to.

Haaaaay isang simpleng tatay. Kasama sa komplikadong buhay. Sa loob ng maingay na bahay.

Da best :)

Swerte natin at may kilala tayong haligi. Kaya kung ako sa inyo, mahalin natin sila. Kase tayo, mahal na tayo nila. Kahit nung mga unang araw na hindi pa natin sila kilala :)

Gamit ang kakornihan. Pano niya niligawan si nanay ?

Anong pinapasalubong niya sa bahay ?

At pano ako makakakupit ng singkwenta pesos kung lahat ito eh durog pa sa durog na barya ?

nxt time ulit :)

Para sayo Daddy . Happy Fathers Day :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DaddydidoduTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon