Struggle

20 0 0
                                    

Sa mga taong gustong makalimutan na lang yung mga bagay dahil akala niyo mas madadalian kayo, wag niyo ng ipanalangin na sana makalimot din kayo. NANG'YAN! Yan tayo e. Wag ganon. INSULTO SAKIN YAN! Di 'to biro. Hindi niyo alam kung gaano kahirap pag may short-term memory. Hindi niyo lang alam kung gaano kahirap sa tuwing nakakalimot ako, hindi niyo alam kung gaano na lang sasakit ulo ko kapag pilit kong inaalala yung mga bagay na di ko na matandaan, hindi niyo lang alam kung gaano nakakairita kapag paulit-ulit akong halukay ng halukay sa memorya ko tapos di pa rin matandaan. Ang memorya ko parang puzzle, kulang kulang, kailangan ko pang buuhin pirapiraso para lang makaalala kaso nahihirapan akong hanapin yung mga pirasong nawawala. Dumating na ako sa point na pagod na ako, tinatamad na ako, sawa na ako, ayoko na, suko na ako, tapos na ako, natatakot na ako. Pag di ko talaga matandaan dinadaan ko na lang sa tawa, ngiti at jokes na kunyari na lang alam ko yung mga nangyari kahit di ko naman na talaga maalala. ANG HIRAP MAGPANGGAP! Siguro kaya ako nagiging tamad kasi paulit ulit na lang yung mga nangyayari. Siguro akala ko tinatamad lang ako pero ang totoo nakalimutan ko na yung gagawin ko. ANG HIRAP! PUTANG INA MALULUHA KA NA LANG SA SOBRANG HIRAP, SA SOBRANG HASSLE, SA SOBRANG IRITA! Kaya wag niyo ng pangarapin na magkaroon kayo ng mga bagay na wala ka na meron ang iba. Hindi mo alam yung mga taong kinaiinggtan niyong meron sila na wala ka akala mo gusto nila yun. Hindi mo alam kung gaano nila kagustong sabihin na "Sana sakanya na lang napunta, sana ako na lang siya". Hindi niyo lang alam kung gaano ka BIG DEAL sakin and gaano ako katuwang tuwa sa tuwing nakakaalala ako at di nakakalimot. Yung tipong nakakaproud sa sarili at nagkakaroon ako ng pagasa na di totoo yung fact na may short-term memory ako. Maliit na bagay man sainyo pero sakin napakalaking bagay na yun. Yung sa tuwing makakaalala ako nagbabaka sakali akong makakatulong to or makakagamot sa memorya ko. Di niyo lang alam kung gaano ako umaasa, di niyo lang alam kung gaano ako naiinggit sa mga taong matalas at maayos ang memorya. Yung ibang mga masasayang nangyari sa buhay ko nakalimutan ko na. Sobrang desperado ko na wag makalimot na kahit yung malulungkot at hindi maganda na pangyayari man lang di ko makalimutan. Minsan sa sobrang saya ko pag nasosobrahan ako sa imosyon ko mas lalo akong nakakalimot at mas lalong di ko napapansin na nangyari pala yung ganito ganyan. Akala ng iba nagpapanggap lang ako, joke joke lang. Tang ina palit tayo utak palit tayo memorya. Sana nga nagpapanggap na lang ako, sana di na lang totoo. Bilib na bilib na ako sa sarili ko kung nagpapanggap ako and ang galing ko pala kung ganun at isa pa anong MA-AACHIEVE ko kung sakaling nagpapanggap lang akong nakakalimot? Wala diba? Dagdag lang sa hassle. Nagmuka pa akong baliw at tanga. Pinahirapan ko lang lalo sarili ko kung ganun. Wag niyo ng pangarapin na makalimot. Matrabaho at sobrang hassle. Hindi biro. Gusto mo maranasan ng nakakalimot? Pagaralan mo kung paano yung astral projection tapos sanib ka sa katawan ko. Tignan natin kung di ka mairita sa buhay ko. Sanay na akong ganito pero SOBRANG HASSLE pa rin. Sa buhay ko there's no going back, I have to keep moving forward. Dahil wala naman na akong iba pang choice. Di ko pinagmamalaki to kaya ko kinukwento. Kinamumuhian ko to, kinasusuklaman ko sa loob loob ko. Kinukwento ko to para warningan kayo na at wag ng pangarapin dahil di biro yung ganito. Ang rare na nga ng ganito tapos sa dinami rami ng tao sa mundo sakin pa napunta. Ang unfair talaga ng life. Pero di ko rin masasabi dahil may iba pang mas malala sakin. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi ng dahil dito naging malapit ako kay God. Naisip ko na baka pag wala na ako mabawasan ng kausap si God tsaka napapansin ko pag tungkol kay God di ako nakakalimot. Nang dahil rin dito kaya ako naging STRONG! Kaya kung mamimeet or makikilala niyo man ako sa personal no dull moments puro tawa at ngiti lang madalas ginagawa ko, puro pang gugood time. Feeling ko yun na rin yung reason kaya ako nabubuhay ngayon. Yung magpasaya ng tao ang role ko sa buhay.

**note pag may short-term memory ka, yung pagiging makalimot di mo mapapansin yan, parang bigla na lang lilipas ng di mo narirealize na may nangyari pala na ganito ganyan na parang hangin lang na dumaan kaya di mo pwedeng maiwasan, di mo pwedeng pigilan na wag makalimot. Makakalimot kung makakalimot ka talaga. Kailangan mong tanggapin. Hindi rin lahat ng bagay at nangyayari makakalimutan mo. Random yan kung ano makakalimutan mo at hindi mo rin alam kung kailan ka makakalimot kaya di mo talaga maaalala or malalaman kung ano nakalimutan mo unless may magsasabi agad sayo kung ano yun. Pag nakaalala ka naman, o edi wow, magandang bagay, swerte ka kasi di pa malala. Pag nakalimot ka wag mo ng pilitin yung sarili mo na alalanin yung mga bagay, dahil di mo maaalala kahit anong gawin mo, MAIIRITA ka lang, SASAKIT lang din ulo mo pag pinilit mo pa ng pinilit. May mga bagay rin na di mo makakalimutan pero di mo matatandaan kung ano pa yung mga ibang ginawa mo at nangyari or ibang mga ginawa ng kasama mo nung time na yun. Pero wag magalala di lahat lahat ng bagay makakalimutan mo. WAG TAYONG OA. WALA TAYO SA MOVIES NA YUNG TIPONG LAHAT LAHAT MAKAKALIMUTAN TAPOS NG DAHIL SA PAGIBIG MAAALALA LAHAT. TANG INA! NASA REYALIDAD TAYO. Walang ganun dito sa reyalidad.** *( BASED ON MY EXPERIENCE) *




--TOTOO LAHAT YAN DI KO KAYO TINATAKOT. :)

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short-term MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon