Chapter 39
Nakakalungkot mang isipin pero...
Dalawang araw mula ngayon, aalis na ako at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako at the same time masaya. Malungkot ako dahil pinaasa ko si Aira. Hindi ko masisising magtampo or magalit siya sa akin kasi she has the right to be mad at me because in the first place, I was the one who planned this vacation but now, I was the one who canceled this. Na gi-guilty talaga ako eh. Alam kong malungkot siya. Alam kong nagtatampo siya. Alam kong nasaktan ko siya. At higit sa lahat, alam kong pinaasa ko siya. Kahit nagkaayos na kami simula nung nag walk out siya, alam ko pa ring nalulungkot siya. And I really don't know what I'm going to do now.
*Flashback*
Nalaman ko na si Michael pala ang nagsabi ng lahat-lahat kay Aira. Nung una naguluhan pa ako pero nung ipinaliwanag ni Michael ang totoong nangyari, naliwanagan din ako dahil nung tumawag pala si papa sa kaniya, sinabi niya na ang pakay nito. Sinabi niya na ang tungkol sa try out ko. Hindi sa akin sinabi ni Kel ang napag usapan nila ni papa dahil ang gusto niya, si papa ang magsasabi sa akin ng goodnews. Binilinan din pala ni papa si Kel na siya ang mag sabi kay Aira ng napagusapan nila dahil si Papa raw ang kakausap sa akin. Medyo nagalit ako nun kasi pinangunahan niya ako. Oo alam kong sinusunod lang niya ang utos ni papa pero mali talaga yung ginawa niya eh. Pero kung iisipin mo ng maiigi. Saan ba masasaktan si Aira, kung si Michael ang nagsabi sa kaniya o kung ako? Ahhhh! Pero wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari. Nasabi na ang nasabi. At nasaktan na si Aira.
*End of flashback*
Lahat ng pagpapasaya ginagawa ko na pero malungkot talaga si Aira. Ako na! Ako na ang nag paasa sa girlfriend ko. Alam mo yung feeling na excited ka sa isang bagay na mapasayo tapos hindi mo naman pala makukuha? Nakakalungkot at nakakadismaya diba? Ayon ngayon ang nararamdaman ni Aira. Minsan napapangiti ko siya pero yung lungkot sa mga mata niya nandun pa rin eh. Ang sakit lang kasing makitang nalulungkot ang taong mahal mo dahil sayo.
Naiintindihan naman daw niya ako. Sinusuportahan niya lang daw ako kasi ito raw ang pangarap ko. Hindi raw siya magiging hadlang para matupad ko ang mga pangarap ko. Alam ko naman yun eh, ang ayoko nga lang, yung aalis ako rito sa Pilipinas ng malungkot siya. Sinabi ko sa kaniya na sumama siya sa akin. Pero ang sabi niya, wag na lang daw. Gusto niya kasing mag concentrate ako sa laro ko para ako ang makuha sa try out. Pumayag naman ako nun kasi may point siya.
Gusto ko siyang mapasaya ngayon kaya pumunta kaming Baguio. Paborito kasi namin ang strawberry eh. At gusto namin na kami ang mamimitas nun. So ayon na nga, nandito na kami sa strawberry farm. Namimitas siyempre ng strawberry.
"Babe tignan mo 'to. Ang laki nito no?"-sabi niya sa akin na nakangiti. Yung ngiting totoo. Yung alam mong walang bahid ng kalungkutan. Mabuti na lang talaga at naisipan kong dalhin siya rito. Atleast kahit papano ay nakikita ko na ulit ang saya sa kaniyang mukha.
"Hala! Oo nga no? Ang astig."-ngumiti ako tapos kinuha ko yung strawberry na hawak niya at tiningnan. Malaki nga to kung para sa natural na size nito.
Pinagpatuloy niya lang ang pamimitas at kung minsan ay hindi niya na napipigil na kainin agad ang mga napipitas niya. Nung natapos na siya, binayaran na namin yun at pumunta na kami sa kotse ko. Natutuwa talaga ako dahil hindi na malungkot si Aira. Ang saya lang sa pakiramdam. Atleast aalis ako rito ng wala siyang sama ng loob diba?
Nagdrive na ulit ako at balak na naming bumalik sa Vigan dahil sabi niya gusto niya raw sulitin ang isa pang araw kasama ako sa Vigan. Siyempre natuwa ako nun, sino ba naman ang hindi diba?
"Babe... thank you."-hindi ko na napigil ang sarili ko. Nag thank you na ako kasi naiintindihan niya ako. Nag thank you ako kasi nagkaroon ako ng open minded na girlfriend.
"Thank you for what?"-tumingin na siya sa akin pero ako, nakatingin ng diretso at tinitignan ang dinadaanan namin.
"Thank you for understanding me. I know that I hurt you this time. Pinaasa kita and Im sorry for that. I just want to say thank you and sorry to you."-hininto ko muna ang pag da-drive ko at tumingin na sa kaniya. Kanina, hindi ko siya kayang titigan dahil alam kong sobrang mamimiss ko siya. Pero ngayon hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kusa na itong gumagalaw.
"Babe... You don't need to thank me. I am your girlfriend and I need to understand you. And besides, sa susunod na araw aalis ka na. I eenjoy ko na lang ang mga araw kasama ka kesa naman na magmukmok at magtampo ako diba?"-napangiti ako sa sinabi niyang yun. No words can explain my feelings right now.
Niyakap ko siya then I kissed her in her forehead. Nag drive na ulit ako. Tinignan ko siya pero nakaharap siya sa bintana ng kotse.
"Babe... gusto ko ako ang maghahatid at susundo sayo sa airport ah."-humarap na siya akin at inihiga ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ito talaga ang paborito niyang posisiyon ng ulo niya eh.
"Oo naman!"
"Tapos gusto ko, every hour, every minutes, and every seconds of the day tatawag ka at babalitaan mo ako ah! Naiintindihan mo?"-natawa ako ng mahina sa sinabi niyang yun.
"Every hour, every minutes, and every seconds of the day talaga??"-naguguluhang tanong ko na ikinaupo niya at humarap sa akin. Pagkatingin ko sa kaniya, nakataas na ang kilay niya.
"Nagrereklamo ka??"-lalo pang tumaas ang kilay niya. Napangiti na lang ako.
"E kung sumama ka na lang kaya sa akin?"
"Ayoko ko!"
"Parang ganon din naman kasi yun eh."
"Basta ayoko nga!"
"Oooooouuuuuch!! Putch..."-bigla niya na lang akong pinitik sa ilong. Siyempre reflex action ko na na hawakan ang ilong kong pinitik ng girlfriend ko diba? Ang sakit! Tumawa lang siya ng tumawa pagkatapos niyang gawin yun.
"Ikaw ah! Ang sakit shit!!!"-tapos tumawa lang siya ulit.
"Ano bang nakakatawa?!"-tumaas na ang boses ko pero hindi tono ng galit ah.
"Ang cute mo kasi eh."-tapos tumawa na naman siya. Baliw. =___=
"Tss..."
"Sorry na! I love you."-tapos kiniss niya ako sa pisngi at tumawa naman. Hindi na ako nagsalita pa bagkus, tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag da-drive.
"Vince..."-seryoso na ulit siya at inihiga na ulit ang ulo niya sa balikat ko. "Forget what I said earlier. Tumawag ka lang sa akin anytime you want."
"Sure! Anytime I want."-sabi ko pa sabay kiss sa buhok niya.
"And don't you ever entertain any girl in US or else I will kill you. I will immediately stab you using my sharp knife. Understand? "-bigla na naman siyang umupo at nakita ko na nakakunot naman ang noo niya. Ganito ba ang mga babae? Moody? Paiba iba ng mood? Kanina seryoso ngayon naman galit at balak ba naman akong patayin?
"What if, I entertain one girl their?"-napangiti ako sa sinabi kong yun. Gusto ko lang talagang asarin siya eh.
"Just like what I said. I will going to kill you!!"-napalingon ako sa kaniya at iba na ang mukha niya. Parang seryoso talaga siyang patayin ako. Kapag may inakit akong babae run, katapusan ko na! Wala ng pogi ang mag e-exist sa mundo! Naks!
"Okay fine! I'm not going to entertain any GIRL or could I say GIRLS in US."-nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong yun. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sinabi kong GIRLS? O dahil sa may balak talaga akong mag entertain ng ibang babae which is na hindi ko naman talaga gagawin.
Bumaba na ako sa sasakyan. Napalingon lingon si Aira. Hindi niya siguro namalayan na nandito na kami kina lolo at lola. Pinagbuksan ko na siya ng pinto at bumaba na siya. Pumasok na kami sa bahay. Kumain na kami at pagkatapos magpahinga ng ilang minuto, natulog na kami dahil maaga pa kami gigising dahil gustong mag jogging ni Aira bukas.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomansaTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...