"Bilis!ano ka ba wala ka bang klase ngayon!" pag aapura ko kay James.
"Ano ka ba!mag kaklase tayo!" puna nya.Syempre alam ko binibiro ko lang.
"Ay Oo nga no! pero kahit ganon late parin tayo!" sigaw ko.
"Teka nga muna bakit nga ba tayo nagmamadali?E kadalasan naman wala kang pakialam kung ma late ka sa klase!" sabi nya at tumigil sya sa pag lalakad.Hay nako.
"Eh may atraso ako sa Prof natin eh,isang beses pa daw na malate ako di nya daw ako pakukuhanin ng exam." ani ko habang umiiling iling sya.
"Haist!Pag si Clair talaga di nauubusan ng atraso." puna pa nya.
"Hahahahahaahaa" sabay naming tawa.Ewan ko talaga kapag si James ang kasama ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko,parang lahat ng bagay pwede mong gawin at higit sa lahat di ka nya iiwan sa gitna ng problema.
"Sino ba yung Prof. nayun?napikon sayo?Ano abangan ko na?" gago to!"Hahahahaha puro ka katangahan!si Sir.Replan!yung crush ko!" haist kahit ilang beses nya kong pagalitan.
"Alam mo tama ka!kaylangan na nga nating mag madali 7:56 na oh" at hinila nya ako,tatakbo na sana sya ng may "Aray!!!" may nabangga sya.
"Ay Miss sorry.di kita nakita!" ani ni James at inabot ang kamay nya para tulungang tumayo yung babae.
"Oh it's okey it is also my fault" at tamayo sya mag isa pero inabot parin ni James yung kamay nya.(Chivalry is not dead)
"Uy may Forever!" biro ko sa kanila at siniko nya yung tagiliran ko.
"Ay Miss nagdudugo yung braso mo!" tinakpan ni James gamit ng panyo nya.
"Ay salamat ako nalang!" at tinakpan naman ng babae yung nag dudugong braso nya.
"Miss!bakit ba nag dudugo yang braso mo?" chismoso talaga tong lalaking to.
"Ah wag kang mag alala turok lang yan ng karayom nag donate kasi ako ng dugo.Ayon nga yung Red Cross oh" sabay turo sa banda duon.
"Ah sige ha!pasensya sa abala.Nice to meet you guys by the way I'm Carrol" inabot nya yung kamay nya saming dalawa.
"Nice to meet you too,I'm James and this is my bestfriend Clair" umalis na sya at hinila na naman ako ni James pero sa ibang direksyon di papunta sa building namin. "Teka san tayo pupunta?Late na tayo diba?" pero di nya ako pinapansin.
"Hoy ano!san ba talaga tayo pupunta!?" irita kong tanong.
"May naisip ako!basta!" at evil laugh si kuya
+++++++++++++++
"Hoy sure ka ba talaga sa gagawin natin?" ewan ko sa lalaking to ang daming pakulo sa buhay pero sa tingin ko naman gagana rong plano nya.
"Sure pa sa sure" pag mamayabang nya "Oh ayan na umakting ka lang ng normal" at pumasok na kami.
"Mr. Suales at Ms. Satiago!Bakit nanaman kayo late!?" patay akting lang dapat ng normal.
"Ah eh---" di na tuloy ang sasabihin ni James ng nag salita agad ni Sir.
"Ikaw lalo Miss Satiago!bakit ka nanaman late di ba may usapan na tayo!" ang lakas ng boses ni Sir rinig di ata sa kabilang room pero kahit ganon sya amg gwapo nya parin.
"Ah Sir kaya nga po kami late eh nag donate po kami ng dugo sa Red Cross,Eto nga po may bandaid po kami sa braso!" palusot ni James at Oo eto yung plano nya para di kami mapagalitan.
"Ah ganun ba sige upo kana,pero ikaw Miss Santiago pumunta ka sakin pag ka tapos ng lahat ng klase mo!" patay galit na talaga to sakin.