Hindi ako yung tipong gagawin lahat para sa mahal ko, pero ako yung tipong kayang ialay ang buhay ko para sa idol ko. Ako yung tipong tao na kapag humanga sa isang tao,sobra-sobra. Ako yung tipong tao na sanay nang magmahal nang taong hindi ka kilala. Ako yung taong magpupuyat sa isang tao para lang malaman kung ano nang nangyayari sa kanila. Ako yung tipong iaalay ang bawat 11:11 para sa idol niya. Ako yung tipong kasama yung idol niya sa bawat dasal niya. Ako yung taong mas hihilingin yung kaligayahan ng idol niya kaysa sa kaligayahan niya. Ako yung taong walang pake sa tinatawag na poise kapag bias mo na ang pinaguusapan.
Hindi ako yung normal na tao. Oo,aware ako doon. Ako yung mala-Taehyung na tao. Yung alien. Kilala niyo ba si Taehyung? Ay sorry. Panoorin niyo yung Dope tapos siya yung pinakacute na nakasalamin hsjjanzjza okay sorry for plugging.
Basta,eto seryoso na. Ang mga fangirls, kala mo, puro pasaya,pasarap,patamad lang yan sa buhay. Pero hindi, kasi sa totoo lang, napapagod din sila pero dahil kailangan pa ring lumaban para sa mga bias nila, lalaban sila. Napakaraming taong nagsasabing malalandi sila, maiingay, halos lahat sa kanila, tamad. Pero sa totoo lang, sila-sila lang din nakakaappreciate sa bawat pagod, hirap, na iniaalay nila sa idol nila. Kahit minsan ba,naisip na rin nang iba na sobra lang talaga sila magmahal to the point na halos lahat ng bagay sa mundo, nauugnay nila sa taong hinahanggan nila kahit hindi sila kilala? Sa totoo lang, nakakainis yung mga taong kung makapanghusga kala mo,sila yung mahihirapan at mapapagod sa ginagawa ng nga fans. Nakakabadtrip lang talaga.
___
cn: ngayon lang ako nakapag-update kasi maraming ginagawa sa school ok bye