Iisa Lamang

233 3 0
                                    

Tulala ka nanaman ah? Malalim ata iniisip mo ah. Ano nanaman ba ang problema mo? Siya nanaman ba? Sinaktan ka nanaman ba niya? Palagi ka na lang ganyan ah? Bakit siya pa kasi eh? Alam mong hindi ka naman niya mahal. Basta pagkailangan mo ng karamay at tulong andito lang palagi ako para sa iyo. Pagkatapos nang ilang tanong ko ay iiyak na lang ito ng walang sinasabing dahilan at ngingiti-an ako na parang walang nangyari. Pang karaniwang pangyayari na ito para sa amin ng Best Friend ko. Palagi na lang siyang balisa at kawawa sa pag-ibig pero alam ko masaya ako kapag kami ay magkasama.

Siya ang tipo ng tao na masayahin, magulo, maingay at ako naman ay kabuoan niyang kabaliktaran. Ako ay masayahin din kaso mabait nga lang, di-masyadong maingay, palatawa at maayos. Hindi ko din nga alam kung papaano kami nagkakilala eh. Basta alam ko pagkasama ko siya nagiging masaya ako, palaging tumatawa at nagiging malungkot din kung minsan kapag siya’y malungkot din. Alam ang lahat-lahat sa kanya at alam niya rin ang lahat-lahat sa akin. Sa akin niya lang sinasabi ang lahat ng mga problema niya pati na rin ang problema niya sa pag-ibig. Ewan ko nga kasi kahit maingay at magulo siya pero pagdating sa pag-ibig nagseseryoso. Lahat ng payo ay hinihingi niya sa akin pag dating sa pag-ibig dahil parang eksperto na daw ako sa pagpapayo tungkol dito eh. Malay ko ba naman sa kanya, pero lahat ng pinapayo ko umuubra naman. “Da Best talaga ang Besty ko!” ito ang mga katagang pang karaniwan na lang sa akin dahil halos araw-araw ko itong naririnig sa kanya. Basta para sa akin da best din siya at masaya ako kapag kasama ko siya.

“Basta Masaya Ako Kapag Kasama Ko Siya”. Paulit-ulit itong sumasagi sa isip ko habang kasama ko siya. Ano bang nangyayari sa akin? Nahihibang na ba ako? Tulungan niyo ako! Habang nakakadama ako ng ganito ay tinanong ko ang aking Besty kung ano ang pakiramdam kung ma-inlove at sabi niya “Pag nakikita mo siya at nakakasama mo siya masaya ka”. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil tumugma iyon sa aking mga iniisip at pakiramdam kapag kasama ko siya. Ngumiti lang ako bilang pagpapasalamat sa kanya sa pagsagot at siya naman sa sobrang kulit ay tinanong ba naman ako kung in love daw ako? Natawa na lamang ako sa sarili ko. Pero matagal ko na itong nararamdaman sa simula pa lang kaso pilit koi tong inililihim sa kanya.

Habang pauwi kami, parang kakaiba na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro, totoo nga na in love ako, ang masaklap lang sa kanya na best friend ko. Ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang dito pero kinakabahan na ako sa mga desisyon ko. Sa katangahan ko naman ay nasabi ko bigla sa kanya na “Alam mo hindi ko na talaga kaya ito, matagal ko na itong itinatago”. “Ano ba yon?” wika niya. “Mahal kita simula pa nung una. Sana'y mahal mo rin ako, dahil itinuro mo sa akin kung pano magmahal kahit hindi naman.” “Ha? Diba hindi pwde yon?” Nagtataka at gulat na gulat na sabi niya. Saka lang ako natauhan nang narinig ko ang huling katagang sinabi niya. Naalala ko na mali pala ito dahil pareho kaming “LALAKE”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iisa LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon