I hate promises..
Bakit?
Simple lang, kasi alam kong hindi din nila magagawa yung mga pinapangako nila.
Ilang beses na ba akong umasa na tutupadin nila yung sinasabi nila?
Hindi ko na mabilang..
Ako si Chelsea Mendez, laging napapangakuan ng mga bagay bagay na nauuwi lang din sa wala.
Kung pwede nga lang na wag na silang magbitaw ng salita sa akin, kasi lagi na lang akong umaasa na baka ngayon ay gagawin na nila.
Kaso hindi pa din.
Paulit ulit kong tinatanggap yung sorry niya.
Mahal ko eh.
Pero mahal din ba ako?
Sabi niya oo, pero hindi ko na maramdaman.
Puro na lang pangako. Tapos ano? Aasa na naman pala ako sa wala.
---
Naglalakad ako ngayon sa hallway, wala pa kasing klase dahil medyo maaga pa naman.
“Chelsea!”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at ganun nalang yung inis ko ng makita ko siya, agad naman akong naglakad papunta sakanya.
“Bakit ngayon ka lang?”
“Sorry, may pinagawa pa kasi si mama”
Lame reasons.
“Lagi nalang” pasimple kong binulong pero narinig niya pala.
“Sorry si mama kasi eh. Babawi ako promise”
Ngumiti lang ako ng tipid tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Alam ko namang nakasunod lang siya sakin.
“Sorry na”
“Okay lang”
“Kilala kita. Alam kong hindi okay”
At alam mong hindi sapat yung sorry mo.
“Hays. Aagahan ko na bukas promise, wag mo naman sana gawing big deal”
I close my fist dahil na din sa inis.
“Gawing big deal?! Naririnig mo ba yung sinasabi mo Dk?! Ilang beses mo ng sinabi sakin na aagahan mo ng pumasok! Pero ano? Nag aantay ako sa wala! Tapos yung mga rason mo paulit ulit nalang! Ganyan ka kasi alam mong tinatanggap ko naman yung sorry mo! Pero sana itatak mo sa isip mo na kahit tinatanggap ko hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan ko na. Sana man lang nag-aalala ka na baka pumuti na yung mata ko kakaantay sayo!”
Tumakbo na ako kaagad palayo sakanya dahil alam kong malapit na akong umiyak.
Ayoko.
Ayokong umiyak sa harap niya.
Ayokong ipakita na hindi ko na kaya.
---
Kinabukasan.
Hindi na ako pumasok ng maaga.
Alam ko namang wala din akong aantayin.
Kagabi sorry siya ng sorry, pero para matapos na tinanggap ko nalang.
Ayos na kami, ata? Malay ko.
“Kanina pa kita inaantay”
Tiningnan ko lang siya at naglakad na ulit, pero nahawakan niya kaagad yung braso ko.
“Ano bang problema mo? Inagahan ko na nga yung pagpasok oh, pero ikaw naman yung hindi sumipot. Sana man lang nagsabi ka para naman hindi ako nag antay sayo”
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Короткий рассказ(One shot story) "No matter how and long you look; you'll never find somebody that loves you like I did" -Chelsea