Prologue

34 2 1
                                    

"Yaaaak! Siya? Siya yung nanunuyo sa boy? Ang cheap niya!"

"Oo nga girl eh, nako! Cheap talagerns. Hmm, baka pwede pa nga niyang ibigay lahat-lahat ng meron siya."

"Nakoo girl, hindi na yan imposible. Talagang pwede yang mangyare."

Gossips everywhere. Napasmile nalang ako, ilang araw na yang ganyan. Ilang araw na nila akong pinagiintrigahan. Ilang araw na akong nasasaktan. Ilang araw na akong nahihirapan.

Echos! Ang drama ko, syempre hindi noh! Anong iniisip niyo? Magpapa-api ako? Ang common na nun, magpapasikat na naman ako ng iba. Ako si Aira Cleo Santiago. I'm the bitch in town! And I didn't smile a while ago, I smirked.

Nag-ayos na ako at lumabas na sa cubicle. Nasa CR kasi ako at yung mga taong walang magawa sa buhay nila kundi husgahan ang mga taong walang ginagawa ay nasa labas at nagreretouch.

Seriously? Nagreretouch pa sila? Eh mukha na nga silang clown niyan tapos dadagdagan pa nila? Wow lang ah!

Lumabas na nga ako't nagpa-as if na wala akong napakinggan. Pero nakita ko sa peripheral vision ko ay nagulat sila. Sino bang hindi? Ako nga yung bitch eh.

Hinarap ko sila and expect what i'll do next....

"Wooooaaah!" Sigaw ko sabay takip ng kaliwang kamay ko sa bibig ko. Na para bang gulat na gulat ako. Okay na ba? Pasado na ba? Hmm, actress check!

"Bakit?!" Sigaw nung isa sa kanila. Naiirita, feeling nila mas bitch sila sa akin well their expectations are clearly wrong.

"Ayy akala ko kasi nakakita ako ng multo eh. Haunted pa daw tong CR. Akala ko lang pala." Sabi ko at nagpameyewang.

"Ano?! Multo?!" Tanong naman nung isa.

"Paulit-ulit? Unli? Unli?" Tanong ko.

"Bitch!" I like that spirit but I despise her more.

"Oh really?" I laughed. "Thank you." Sabi ko sabay lapit sa kanila. "Alam niyo pa lang bitch ako eh ba't niyo pa rin ako pinag-uusapan na para bang uhaw na uhaw kayo ng balita?" Tanong ko.

"Hindi kami natatakot sayo!" Sabi naman nung isa, basta dalawa sila. Wala silang pangalan, hindi bagay sa kanilang magkapangalan.

"Well..." sabi ko at tumingin sa kanila sabay naglakad patalikod ng dalawang steps. And the next thing I did?


SINAMPAL KO SILA.

"You better be sluts!" Sabi ko at kinuha ang bag dun sa kilid ng lababo't aalis na sana. Pero bago ko pa pihitin yung door knob, nagsalita na naman ang isa sa kanila.

"Hindi ka niya sasagotin! Hinding hindi!"

I turned my back to see an ugly creature. "Oh really? I'll prove you wrong about that conclusion, missy."

I'm a bitch. And I don't care, and the least thing I want is to talk about me and him. Because since last week, whether he likes it or not, I am HIS SUITOR.

His SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon