-- First time ko po to. Suportahan nyo po ako ah..
SCHOOL.
"Eimee, mabuti dumating ka na, hinihintay ko chismis mo eh! Nagtext ka kagabi diba? Kaya magkwento ka na. HAHA" Ay! Excited? kakarating ko lang eh, hingal na hingal pa nga ako eh. Sya pala si Alexa friend ko.
"Kasi ganito yun, nakachat ko ulit sya kagabi! OMG! Super Kilig nga ako kagabi kahit simpleng about sa assignments at about sa mga favorites ang topic namin. Grabe kung andun ka lang! Gustong-gusto ko sumigaw." pagkekwento ko.
"yiiee, sabi ko sayo, may pagasa ka pa eh! Ikaw lang kasi problema eh. May pagkakataon ka na para kausapin sya, pero hindi mo naman sya kinakausap pag nandyan na. Bahala ka mauunahan ka pa ng iba dyan!" sabay tingin nya sa direksyon ng tatlong girls, bagong lipat sa section namin.
"Eh.. kasi naman nahihiya na ako pag andyan na sya. Try mo kaya na maging ako!" paliwanag ko.
"Bahala ka, Andyan lang sa tabi yung karibal mo oh" tingin nya ulit sa direksyon ng tatlong girls.
Kung tatanungin nyo, last sem may 3 girls na lumipat sa section namin. Nakakainis nga eh! Hindi na kami masiadong pansinin ng mga crush namin kasi sila na ang mga pinapansin, mas madali kasi nila ito naiclose kaysa sa amin eh.. Awwwww T______________T
Si Neil pala ang Ultimate Crush ko sa room (Ultimate talaga??), ewan ko ba siya agad napansin ko simula 1st yr. college at eto nga 2nd yr. na kami. Galing noh? 1year na?
Dahil kakasimula pa lang ng klase, syempre di mawawala ang voting for Class Officers. Hindi ako nakikisali magnominate, hinahayaan ko na sila, paano ba naman kasi, kahit nagbobotohan inaasar pa rin ng mga boys si Alyza kay Neil. Nakakahalata na yata ang mga boys. T___T
"Ayyiee Neil, escort ka namin ha!, si Alyza ang muse. Ayiie" sabi nung isa kong classmate.
Pagkasabi non, syempre narinig ng iba ko pang classmate, kaya ayan nakiayyiee na rin sila. Eh si tanga ako ..
"Ayiiee" mahinang sabi ko, para makisakay sa trip nila.
"Ayiie ka pang nalalaman dyan! Deep inside naman nasasaktan." pangaasar ni Alexa. Biruin mo ha? Nangaasar pa alam naman pala. tss. -_____________-
"Ok tama na yan! Ipagpatuloy na natin tong botohan! Game. Open na para sa pagboboto ng Muse and Escort. Muse muna bilisan nyo ng matapos na ito." sigaw ng bagong president namin.
"I'll nominate Alyza Quinto for muse!" sabi nung isa sa tatlo. Malamang friend nya eh! -____-
"ok next.." sabi ni president.
"Me! Ako president!" sigaw ng isa kong classmate na si camille.
"Yes Camille!" sabi ni president.
"Si Eimee Lim para sa muse, binoboto ko sya!" sigaw nya pa.
Sinisigaw pa pangalan ko eh noh?
Pwede nam- ako? o.O
"Ayyyiee, nominated sya haha!" asar sa akin ni Alexa.
"Close nyo na! tama na yan!" sigaw ng kaklase kong si Ralph.
"Oo nga I'm 2nd emotion haha" tawanan ang lahat pagkasabi ni Ella.
Dahil mas marami akong close. Syempre ako ang nanalo bilang muse.
Alyza- 15 votes
Eimee- 25 votes
Sa escort naman, syempre ang nanalo si Neil. Ansaya diba? Pero may mas sasaya pa ba kung may speech ang bawat isa? Nang ako na ang magsasalita sa harap. Lahat sila nagtilian, not totally lahat ah haha :))
BINABASA MO ANG
Ayyiee.. (ONE SHOT)
Teen FictionDahil ba sa salitang ito, magbabago na ang lahat?? >__>