Chapter 10

2.1K 14 3
                                    

A/N: Matatagalan pa siguro yung next update kase puro exams ako ngayong week. Sana patuloy pa rin ang suporta ninyo!! Salamat talaga!! Dedicated sa kanya! Nilagay niya kasi toh sa funny love stories ba yun? Dun sa RL niya. So, yeah. Ahihihi!! Love you!! :3

______________

Last period na namin.

Lumabas agad ako sa room para tignan kung ginawa talaga ng manyak na yun yung assignments ko.

"Sabra! Buti dismissed na kayo. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas eh. Eto pala yung assignments mo." Ngiting sabi niya.

Iniabot niya sakin yung mga yellow paper na tadtad ng sagot.

"Kasalanan ko pa na matagal kaming na-dismiss?"

"Ahh. Hindi! Kasalanan ko kasi maaga akong pumunta."

"Ahh, akala ko eh."

Tinignan ko ang mga papel at medyo natuwa ako sa nakita ko.

Ang raming graphs and solutions.

Napakagat ako sa labi ko.

"U-uhmm, s-salamat??" Itinaas ko pa yung magkabilang balikat ko.

Ikaw ba naman gawan ng killer assignments hindi ka ba maiilang sa hiya.

"Walang anuman. Nagpatulong pa talaga ako sa iba kong classmates para magawa yan." Tinuro niya yung ibang page ng yellow paper.

"A-aah, sige. Alis nako."

Nagsimula na akong magalakad. Bwisit na konsensya.

"Sabra!!" Tumakbo siya at nilapitan ako.

"Ano?!" Inis na sabi ko.

Parang nahiya naman siya at kinamot yung ulo niya.

"U-uhmm, ako pala si Harris kung hindi mo ako naaalala." Naiilang na sabi niya. Iniabot niya yung kamay niya sakin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Nice to meet you." Tsaka ako lumakad.

"Can I get your number?!" Sigaw niya sakin.

"I don't think so." Sabi ko na hindi lumilingon.

-----------

Pauwi na sana ako pero pumunta muna ako sa locker room para kunin yung mga libro kong naiwan.

Napatigil ako sa pagkukuha ng libro nang may naririnig akong ungol.

Naglakad-lakad ako sa mga locker hanggang inabot ko yung parte kung saan nanggagaling yung ungol.

Isinirado ko yung nakabukas na locker na siyang nakatabon sa dalawang mahaharot na mga nilalang.

"Hmm, John. You're giving me tickles. Uhhh, I'm so loving you."

Ang tumambad lang naman sakin ay si John na hinahalikan ang leeg ng babae. Hindi siya yung babae na nasa condo niya last time. Iba na naman toh!

Basa pa sila, galing siguro sa swimming class.

Naka-shorts siya at naka-bathing suit naman yung babae. Ang PE kase namin, may swimming.

Ikaw talaga, John! Ang manyak mo! Buti hindi mo ako tinangkaang halikan sa bahay kundi papatayin talaga kita! Chochop-chopin kita hanggang maging ground human ka!!

Naglakad ako ng mahina at pumunta sa locker ko para sirhan ito tsaka lumabas na.

Umuwi naman ako agad at magluluto na ng hapunan.

Lulutuan ko nalang siya ng chicken curry. Bwisit na yun! Ginawa akong kusinera habang siya dun, parang linta lang kng makasipsip!!!!

Buti kahit papano, marunong ako magluto.. Ikaw ba naman gawing katulong ng tita mo ng sampung taon, hindi ka ba matututo.

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon