I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. [C23] DEBATE

4.3K 77 15
                                    

Chapter 23: Debate

Filipino na..

>________<

debate na namin..

"Class, dahil sa demand ng buong klase nyo, pinalitan ko na ang topic natin.. Since napapanahong issue naman ang Divorce, yun ang napili kong topic nyo for your debate.. after ng debate, magpapasa kayo ng reaction paper sa akin.. Okey class, pwede na bang pumunta sina Ms. De Vera at Mr. Montillano sa unahan?" sabi nung Filipino teacher namin..

Naunang tumayo si Dylan.. akala ko pupunta na sya sa unahan

pero pumunta sya sa upuan ko, inilahad nya ang mga palad nya sa akin at saka ngumiti ng ubod ng tamis..

haaaaaaaaaaaaaay.. wag kang ganyan Dylan, utang na loob.. Ayoko, ayokong matutong magmahal..

"ayeeeeeeeeeee.."

"Ang sweet mo Dylan.. Aagawin na lang kita kay Atheng!! haha"

"sorry ha, nasa kanya na yung puso ko eh.. hindi ko na babawiin pa.." sagot nya dun sa classmate namin, pero nakasmile naman sya

"woooooh, magtigil ka Dylan.."

"nilalanggam na kami oh!!"

"mamaya naman ayaw na yang mga yan.. mga pikon kasi.. hahaha"

TSSS!

tumayo na ako pero nilagpasan ko lang si Dylan..

buti na lang pinalitan yung topic.. nagpalabunutan kami ni Dylan kung sino sa amin ang pabor at di-pabor sa divorce.. And unluckily, nabunot ko yung pabor.. Di naman ako pabor dun eh!! Pero wala, kailangan kong panindigan 'to, kundi matatalo ang grupo namin..

haaaaaaaaay.. Hindi ko pa nga pala nakikita ang CKO.. Buti naman, kasi siguradong aawayin na naman ako ng mga yun..

"Sige, magsimula na kayong dalawa.."

"hmmmmm..Atheng, wag mo sanang seryosohin 'tong debate na 'to.. tandaan mo, kahit na anong mangyayari, i will still court you.."

"tama na muna ligawan! Debate na muna!! hahaha" sabi ni Michael, isa sya sa mga barkada ni Dylan dito sa classroom..

"Panira ka ng moment Michael! TSS!"

Hindi ko na lang sila pinansin.. Kailangan ko kasi magfocus sa debate namin..

Si Dylan ang pinauna ko, sya naman kasi yung sa di-pabor.. ako yung kokontra.. TSS!

"hmmm.. Syempre ako, di ako pabor sa divorce.. Para saan pa at nagpakasal kayo kung maghihiwalay lang din naman kayo.." umpisa ni Dylan..

"Paano kung akala mo hindi ka sasaktan ng asawa mo, na mamahalin ka nya habambuhay.. pero pagkatapos lang ng ilang taon, makikilala mo na ang tunay na ugali nya.. andyan na yung sasaktan ka nya, lalaitin at ipagpapalit sa iba.. Gugustuhin mo pa bang manatili sa ganung klase ng buhay??"

"once na nagsumpaan kayo sa harap ng altar, wala ng ibang maaaring makapaghiwalay sa inyo kundi ang kamatayan.. Kapag sumumpa ka na sa hirap at ginhawa magsasama kayo, panindigan mo.."

"kahit kapalit pa nito'y kamatayan mo??"

"GO ATHENG!!!" sigaw nung mga babae..

"Alam mo Atheng, kapag kami sumumpa sa harap ng altar, ibig-sabihin mahal namin yung babae kaya ayaw namin na mahiwalay kami sa kanila.."

"Lahat naman nagbabago di ba? Kahit ang ugali mo pwedeng magbago.. Paano pala kung isang araw gigising ka na lang at mare-realize mo na hindi mo na pala mahal ang babaeng pinakasalan mo... Mananatili ka pa ba sa kanya at patuloy na lolokohin ang sarili mo?" D*mn it!! bakit ganun?? Di ba dapat di ako pabor dun?? Kasi iniwan kami.. Iniwan kami ng ama ko kasi di na nya mahal ang mommy ko.. Sarili ko lang sinasaktan ko sa mga sinasabi ko..

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon