"krrrriiiiiiiinnnngggg"
tunog ng panghuling bell na hudyat ng simula ng klase namin ngayong araw.Hingal na hingal kaming tumakbo sa room namin. Pasalamat nalang kami at nakaabot pa kami bago dumating ang aming adviser.
" Grabe, naubos yata yung kinain ko kakatakbo natin papunta rito.Sandiwich pa lang naman yun"
" Sa tingin mo kaninong kasalanan to?" pangongonsyensya sakin ni Jenny.
"Sus, parang nahuli lang sa oras ng kaunti eh! kasalanan ko na agad? Tsaka umabot naman tayo ah. Di nga napansin ni mam eh!"
" Hoy ikaw Fhin ah. Palagi nalang tayong parang hinahabol ng sampung aso sa tuwing pumapasok tayo. Magbagong buhay ka na kaya? noh? Para naman maging early birds tayo paminsan minsan. Di ko tuloy mabati ang crush ko ng good morning!" sambit ni Jenny.
" Ahh, kaya naman pala. May hidden agenda pala ang bruha. Kung sinabi mo nalang kaya yan sakin noon pa edi sana nakapag isip pa akong tulungan kang dumamoves diyan sa crush mo."
" Eh ekaw naman kasi tong parating wala sa sarili at tulala eh! Kung hindi nagdi day dream, tulog naman!" aniya at saka umirap.
Nag umpisa nang maglecture ang aming guro. Pero walang pumapasok sa kokote ko ngayon. Oy, hindi ako bad student ha. Ayos lang naman ang grades ko eh. Patas sa lahat ng subjects. Tsaka hindi naman ako bunabagsak. Nag aaral naman po kasi ang lola niyo. Hindi ko naman sinasayang ang pagkakataong makapag aral nang maayos kahit na ganito ang kalagayan ng buhay ko. Scholar nga pala kaming dalawa ni Jenny sa school na to. Kaya, nagagawa naming mag-aral kahit ulila lang kami.
Lunch na. Nakatulog na naman pala ulit ako. Hindi naman kasi ako sinisita ng mga teachers namin kasi daw, nakakaya kong sumagot ng tama sa mga tests. Minsan ako pa nga ang highest eh!
Oh kitams! Mahangin ang lola niyo mga te!May baon kami ni Jenny kaya sa Classroom lang kami kumakain. Matapos ang lunch ay biglang nag anunsyo ang principal namin na wala raw kaming klase sa hapon dahil magkakaroon daw ng teachers' assembly. So wala lahat ng mga teachers. Halos mayanig naman ang buong school sa tuwa ng mga estudyante. Parang mga tigreng nakalabas sa hawla ang mga classmates namin. May mga biglang nagtatakbuhan, naghahabulan, naglalaro ng dodgeball, tumbang preso, patintero, at taguan,may mga nang tsitsismis, nagsisigawan, at mayroon ding naghaharutan sa may gilid.
Ako naman, heto, nakadungaw sa bintana. Matutulog na sana ako uli nang bigla nalang natama ang mga mata ko sa isang bagay dun malapit sa kakahuyan. Kakahuyan na kasi ang likod ng paaralan namin eh. Saktong ang bintana namin ay nakaharap sa kakahuyang yun.
Sinubukan kong ifocus muli ang mga mata ko sa bagay na iyon dahil baka namamalikmata lamang ako. Subalit hindi eh. Isang malaking bilog na pahaba na parang likido. Kung tutuusin, hindi mo talaga siya mamamataan nang basta basta. Dahil wala itong kulay. Para lang siyang tubig na nakalutang patayo na binabalutan ang harapan ng isang puno. Kitang kita ng dalawang mata ko nang may isang lalakeng nakaitim na pumasok sa likidong yun at mas lalong ikinagulat ko nang bigla nalang siyang naglaho ng parang bula!
Hinanap ng mata ko ang aking bespren para makuwentuhan sa aking nakita. Ngunit hindi ko siya mahagilap. Kaya, nagpasya akong magtanong tanong sa mga kaklase namin.
"Marie, nakita mo ba si Jenny?"
"Hala, hindi mo ba sila nakita ni Jorge kanina? Sabay silang lumabas eh. Kumaway pa nga si Jenny sayo para magpaalam" ani Marie.
Bakit parang wala ata akong matandaang nagpaalam siya sakin? Ito talagang babaeng to. Kung patungkol talaga sa crush niya, wala nang sinasanto.tsk tsk.
" Hay, alam mo Fhin, hindi ako mabibigla kung di mo namalayang umalis na si Jenny, parati kasing nasa malayo ang tingin mo." Dagdag pa ni Marie.
Atribidang to! Atleast ako maraming iniisip sa buhay! Eh ikaw! Puro boypren mu lang!... Pero siyempre, hindi ko sinabi. hehe.. Hindi naman kasi ako bitter eh. Pramis, hindi talaga.!
"Ahh, sige, salamat. Alis na ako. Pakisabi nalang kay Jenny pag bumalik na siya na nauna na ako sa kanya. May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Sige, bubye! " Paalam ni Marie.
Pumunta ako sa mismong lugar upang mapatunayan ang nakita kong kababalaghan. Hanggang ngayon, hindi ko parin mawari kung ano ang aking nasaksihan.
Tumayo ako sa harapan ng likido at tumingin tingin sa paligid. Baka kasi may ibang taong nakasaksi maliban sa akin. At dahil na rin sa na curious ako kung ano ang likidong yun ay hinaplos ko ito. Subalit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyare...
BINABASA MO ANG
One Legendary Goddess
FantasiFhinicia Lhyandra Perez, or "Fhin" (as what her friends call her), lives a boring and normal life as a student and as an orphan but everything changes when she has accidentally opened a portal leading to a mysterious world so different from where s...