Matapos kong maghugas ng plato, nag-aya tong isa na manood daw kami ng movie.
Pasalamat siya kay Harold ba yun? O Harley? Harry? Basta H yun! Pasalamat siya kay H na siyang gumawa ng assignment ko kaya napa-oo ako dito sa isa.
"Anong gusto mong panuorin, Sabby?" Andun siya sa sahig nakaupo. Sine-set-up niya yung dvd player.
"Aba! Ewan ko sayo! Ikaw nag-aya tapos ako tatanungin mo? Gaguhan, John?"
"Nagtatanong lang eh kasi baka may gusto kang i-suggest." Nagsalubong yung dalawa niyang makakapal na kilay.
Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakahalumbaba. Mas maganda ata yung kilay ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako na parang naghihintay talaga sa sagot ko.
"Wala akong isu-suggest." Tipid na sagot ko.
"Buti nalang. Marami akong porn dito na hindi ko pa napapanood eh. Saan ba yun nakalagay. Ah, eto!! Tignan mo."
Ipinakita niya yung cd sakin na may litrato ng isang babaeng naka-bikini.
Bumilog yung mga mata ko. Gusto ko magsalita pero naunahan ako ng kaba. Sigurado ba siya sa gagawin niya?
"Matagal ko nato nabili pero wala akong time mapanuod. Hehe. Sabay nalang natin panuorin." Ngumiti siya ng pilyo.
Ang bastos talaga ng lalakeng toh! Puro kahalayan ang ginagawa.
Sige, Juanito! Subukan mong isaksak yan sa dvd player, makakatikim ka talaga sakin!
Matitikman mo talaga ang tamis ng kamao ko!!
"Buti nakita ko toh. Mula nung nag-stay ka dito, wala na akong time panuorin ang mga ito.." Kitang-kita sa mukha niya na inaasar niya ako. Argh!
Aba! Bastusin talaga na lalake! Isinaksak talaga yung cd! Reading na ang status.
Pumunta ako sa kanya at nag-squat sa tabi niya.
"Ayaw mo talaga magpatinag noh?! Bastusin ka!" Pinalo-palo ko yung ulo niya sabay sabunot.
"Aray! Sabby, stop! Aray! Arouch!!"
~~ Are you ready kids???
Aye aye, captain!
I can't hear you!
Aye aye, captain!
Ooooohhh!! ~~
Napatigil kaming dalawa nang narinig yung isang pamilyar na kanta.
~~ who lives in a pineapple and under the sea?
SPONGEBOB SQUAREPANTS!!
absorbent and yellow and porous is he
SPONGEBOB SQUAREPANTS!! ~~
"Teka, puta! Bakit spongebob toh?! Bwisit! Naloko ako ng tindero!" Parang nanlumo yung mukha niya. Kitang-kita ang pagka-dismaya niya.
"Hahaha!! Yan bagay sayo!!" Natawa ako sabay batok ng malakas sa kanya.
"Bwisit! 100 pa naman bili ko nito tapo--- teka, tumawa ka?!" Sabi niya habang hinahawakan niya yung parte sa ulo niya kung saan ko siya binatukan.
Napatigil ako. Tumawa nga ako. Hindi puro kaplastikan na tawa kundi totoo! Pero bakit parang ang weird? Parang ang tagal ko na hindi toh nagagawa. Parang nakakadiring tumawa.
Tinignan ko si John na nakatitig pa rin habang naka-smirk sakin.
"Hindi noh!" Sabi ko sabay tampal ng mahina sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Ficción GeneralLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...