Welcome to The Land of the rising sun!

69 2 0
                                    

"Gising na, maaga palang dapat nasa airport ka na dahil ma traffic." Sabi ng nanay ko na namumugto ang mga mata. 7 am palang ay pumunta na ako sa Airport ng mag isa, oo mag isa. Ayoko ng magpahatid dahil baka bumaha ng luha. Nasa labas na ako ng gate pasakay na ng taxi, dali dali na akong sumakay habang tulog pa si Liz na buhat buhat ni Mama. Umalis na yung taxi at dun ako sa loob nag iiyak. Para sa inyo kakayanin ko!

Boarding na at papasok na ng eroplano, woooowww! First time ko makasakay ng eroplano at international flight pa. Dahan dahan nag take off at lumiliit na ang mga bahay sa paligid ng Airport, so meaning  nasa himpapawid na ako. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko, kaba dahil hindi ko alam kung anong naghihintay saakin sa bansang yun at excitement dahil magta trabaho ako sa isa sa pinaka maunlad at disiplinadong bansa ng Japan. 1 kami umalis at 4 ang estimated time of arrival which means may oras pa ko umidlip kaya umidlip muna ako. 20 minutes bago ang pag landing ng eroplano ay nagising na ako at napa wow nalang ako dahil nasa Japan na ako.

Pag tapak ko palang ay di ko naiwasang sumigaw ng "I love Japannnnn" nagtinginan ang mga tao sakin pati mga ka grupo ko ay nagulat pero dedma comatose lang. Hahaha! Ang laki ng airport, lakad dito at lakad doon. Nakuha na namin ang mga bagahe at dun ay naghihintay na aming promoter na si Mr. Koyama kasama ang kaniyang driver, si Mr. Koyama ay isang mataba, matangkad at di nalalayo sa itsura ng mga Pilipino, puti ang buhok. At dahil nga lahat kami ay first timer kami ay tinatawanan niya kami the way umikot ikot mga mata naming mga talento. Sumakay na kami sa van at talagang nakaka panibago dahil nasa kanan ang manibela, hahaha! Sa Maebashi, Gunma ang aming destinasyon ito ay isang probinsya na located sa northern part of Japan. 2 1/2 hours ang layo nito mula sa Tokyo ang sentro ng Japan. While on our way nadaanan namin ang famous Tokyo Skytree, Disneyland at Disneysea. Grabe ang dilim na at nakakatakot parang ghost town, halos wala kaming maaninag bukod sa mga "kombini" or convenience store.

After 2 1/2 hours ay nakarating na kami sa aming pagta trabahuhang Club, ito ay 7 palapag na building na naglalaman ng Restaurant sa 1st floor, at Club sa 2nd, 3rd, 4th, 5th at 6th (ang 6th ang pinaka interesadong club sa lahat! Hahahaha) sa 3rd floor kami naka destino. At oo! Tama ka, dancer or entertainer ang pinunta ko sa Japan. Lima kami at ang tawag sa amin ay 'Talento'.

Pag pasok palang sa 'Omise' ay maba vibes mo talaga ang club vibes. May mga babaeng 'Arubaito' o mga babaeng residente na ng Japan na nag pa part time sa Club. Madilim at may strobe lights at stage. Pinakilala na sa amin ang Club Owner na si Mr. Megumi na sa edad na 65 ay napaka gwapo at matipuno padin, matangkad siya at kahawig ni Albert Martinez. Pinakilala din samin ang aming Mamasang na si Mama Rea, sa ayos niya muka talaga siyang Mamasang hehehe! Kikay, makapal ang make up at makinis ang balat. Little did I know, siya pala ang magiging tulay sa aking "Japan Love Story". Mula sa entrance ay dinala kami sa aming magsisilbing dressing room, maganda ito at parang pang artista dahil kumpleto: may make up desk, lights at magagandang upuan. Infairness di ko inexpect ito ah! Doon ay pinag usapan namin ang "Rules & Regulations" na kailangan namin sundin sa loob ng 3 months. Since di marunong mag english si 'Sacho' o Boss eh si Mama Rea ang nag ta translate. Ang isinasaad dito ay ang following:
1. Bawal pumunta sa malayo ng mag-isa, baka daw kami ay hulihin ng pulis dahil wala kaming alien card; isand identification card na para lamang sa may 6 months and up na visa.

2. Kami ang may responsibilidad maglinis ng aming Apartment, kusina, banyo at dressing room.

3. 5 p.m palang ay kailangan naka ready na at 6 naman ay dapat nakapag rehearse na ng sayaw.

4. At ang most important part ay BAWAL MAGKAROON NG RELASYON SA KAHIT SINONG STAFF LALO NA SA WAITER.

Sa isip isip ko lang ay "Seriously? As if naman magka gusto ako sa waiter, eh gusto ko ay Hapon (chos!) sabi ng ambisyosa kong sarili. From there, umakyat na kami sa 7th floor. Correct, sa taas lang kami ng Club nakatira. Madilim ito at amoy luma dahil after 7 years lang siya matitirahan muli after ipatigil ni Ex President Gloria Arroyo ang pagpapaalis ng mga babae upang maging Entertainer sa Japan. Maganda ang Apartment, may limang kama, refrigerator, de aircon at may cr na may automatic na bowl (astig!) nakakaaliw dahil may washer na siya. Nakahiwalay ang kusina at palikuran sa aming kwarto. At dahil sobrang nakakapagod ang biyahe ay iniwan na nila kami at muling pinayuhan na magsumikap sa trabaho. Muli, bago sila lumabas ay sinabihan nila kami ng "oyasumi nasai" at "gambatte kudasai" at sinara na ang pinto. Whatever it means gusto ko ng magpahinga, pero wait walang wifi! Omg! Pero wait ulit, cherry mobile na ninja phone lang pala ang cellphone ko. Hahaha, pano ko kaya maco contact sila Mama na andito na ko at nasa maayos na kalagayan ako? Kamusta kaya si Baby Liz ko? Umiyak kaya siya? Haaayyy, bukas nalang ako makikitawag o makikiopen ng facebook. Well! Goodnight Japan and goodnight world. Zzzzz!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Japan Japan sagot sa kahirapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon