Ang pagiging ina ang pinaka mahirap na trabaho dito sa mundo. Walang Sweldo, Walang Day off
At walang Break time .... Sila ang kauna unahan nating guro na nagturo sa atin sa mga bagay bagay na hindi pa natin alam.Tanging respeto at pagmamahal lang natin ang kanilang sweldo at hindi rin habambuhay nandyan sila para sa atin kaya gawin natin lahat para mapasya sila.Suklian natin ang kabutihang ginawa nila para sa atin...
Ako si Bryan Isang high school student . Nasa sinapupunan pa lamang ako ng nanay ko,nang iwan kami ng aking ama. Si nanay na ang tumayong Ama't Ina sa amin ni ate.Kaya lahat ginagawa ni inay para maitaguyod kami kaya lang... hindi ko man lang ito napansin nagging makasarili ako, dahil pakiramdam ko mas mahal ni inay si ate.nagsimula ang inggit ko kay ate nung nalalapit na ang kanyang debut halos araw-araw nila pinaguusapan at pinaplano kung ano ang mga dapat kailangang gawin...pakiramdam ko... naiitsapwera na ako ...
Isang Araw... Habang kumakain kami ng hapunan....
"'Nay, kelan mo ba ako ibibili ng bagong sapatos? Luma na po kasi yung sapatos ko at naka nga-nga na... Pinagtatawanan na kasi ako ng mga kaibigan at kaklase ko tuwing naglalaro kami ng basketball.."
Nanay: "Pasensya na anak ha, wala pang pera si inay. Hayaan mo,lalabhan ko yung sapatos mo at didikitan ko ng rugby.Para magmukhang bago at magamit mo."
Bryan: "Pero bakit kay ate may pambili kayo ng gown? Tapos sapatos lang, di mo pa ako maibili!"
Nanay: "Anak, isang beses lang sa buong buhay ng ate mo mararanasan nya yun... Kaya pagbigyan mo muna ang ate mo.. Hayaan mo ,pag naka paningil ako ng mga utang sa mga suki ko,ibibili kita kaagad ng sapatos."
Nang ilang sandali..May biglang kumatok sa pintuan..
Nanay: "Anak may kumakatok . Pag buksan nyo ng pinto kung sino yung kumakatok."
Ate: "Bryan,buksan mo yung pinto."
Bryan: "Ma...Si ate nalang po..."
Nanay: "Sige na anak, pagbigyan mo na ang ate mo..buksan mo na yung pinto.."
Bryan: "Ako nanaman? Puro nalang ako! Wala na kayong nakikita kundi ako! Utos dito, utos doon! Tapos, pag kay ate bili dito bili doon ng para sa debut nya?!"
(Nagtaas ang aking boses at natumba ang upuan sa aking pagtayo)
Bryan: "Aalis na ako dito sa bahay!. Tutal hindi mo naman ako mahal ina"
Nanay: "Hindi yan totoo anak! Mahal na mahal kita,kayo ng ate mo.."
(Tumakbo ako palayo ng bahay at hindi na nila ako nahabol at nakita at tuluyang naglayas, nakitira ako sa mga kaibigan, sumama sa mga sideline at trabaho nila upang mabuhay at magkapera at maibili ang sapatos na hindi naibigay ni inay. Gusto ko ipamukha sa kanya na kaya kong bilhin ang gusto ko nang hindi nagpapabili sa kanya.)
(Lumipas ang limang buwan... Umuwi na ako ng bahay.. Pero si ate lang mag isa ang nadatnan ko... Hinanap ko si inay pero dinala ako ni ate sa sementeryo. Nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko wala kaming patay, samantalang iniwan kami ni itay.)
Bryan: "Ate ba't mo ako dinala dito?"
Ate: "Hinahanap mo si inay diba?"
(Hinawakan nya ang aking ulo at isinubsob nya ko sa isang lapida)
Ate: "Ayan si Inay, Bryan! Patay na sya! At namatay sya ng dahil sa'yo!"
(Natulala ako sa aking nakita habang binabasa ang pangalan ni inay sa isang lapida..Hindi ako makapaniwalang wala na si inay..)
Ate: "Nagkasakit si inay ng dahil sa'yo Bryan. Nagkasakit sya sa sobrang pag aalala sa'yo. Hinanap ka nya kung saan-saan. Halos di na sya kumakain sa kakahintay sa'yo.Kahit umuulan hinahanap hanap ka nya! Hanggang sa nagkasakit na sya .. Tapos naiingit at nagseselos ka sa akin? Dahil inaakala mo paborito ako at mas mahal ako ni mama kaysa sa'yo?. Kung tutuusin ako nga dapat ang mainggit sa'yo! Dahil nung nagkasakit si mama at naospital sya, ako yung nasa tabi nya pero..ikaw yung hinahanap nya! Bukambibig nya ang pangalan mo! Natatandaan mo ba? Tuwing may pasalubong si mama hindi nya pinapagalaw sa akin yun hangga't hindi ka nakakauwi ng bahay galing school dahil gusto nya ikaw ang unang makakakita at makakatikim, tapos tuwing nagpapatawag ang teacher ko ng meeting si tita pinapapunta nya samantalang sa'yo kahit busy si mama, sya ang uma-attend sa meeting ng teacher mo! Hindi ako galit kay mama at hindi ko rin sya sinusumbatan, pero Bryan gusto ko lang sabihin sayo na nagging makasarili ka at nag bulag-bulagan ka! Dahil hindi mo man lang nakita ang pagmamahal at pagpapahalaga ni inay para sayo."
(Parang tumigil ang mundo ko, sa sobrang sakit na hindi mo maintindihan, parang dinudurog ang puso ko dahil hindi man lang ako naka hingi ng tawad sa kanya hindi ko man lang sya napasalamatan sa siyam na buwan nyang pagdadala sa akin sa kanyang sinapupunan. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa pag aaruga at sa pagpapalaki nya sa akin. Hindi ko man lang sya napasalamatan sa pagtatanggol nya sa akin tuwing may umaaway sa akin. Hindi ko man lang sya napasalamatan sa pagpupuyat nya nuon sa akin tuwing may sakit ako. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa lahat ng mga ginawa nya akin, mapabuti lang ako at higit sa lahat hindi ko man lang nasabi sa kanya na, Mahal na Mahal ko sya..)
Dapat natin mahalin ang ating mga magulang. Sa una ay inaakala natin na wala silang ginagawa para sa atin, pero sa huli ay malalaman natin na naghihirap pala sila, para mabuhay lang tayo. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya para sa atin.
Kaya mahalin natin ang ating pamilya.
~~~~~~~~
MGA GUMAWA
PRINCESS ESTONACTOC
LINDSEY BORROMEO
ANGELO ARCETA
MICAELLA GARCIA
DAVE ABAT
ROLYN SILVA
ALYSSA DE ASIS
IAN BALILO
JAIMEE DELPILAR
OLAIZA LOPEZ
BINABASA MO ANG
PAGMAMAHAL NG ISANG INA
RandomMGA GUMAWA PRINCESS ESTONACTOC LINDSEY BORROMEO ANGELO ARCETA MICAELLA GARCIA DAVE ABAT ROLYN SILVA ALYSSA DE ASIS IAN BALILO JAIMEE DELPILAR OLAIZA LOPEZ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~