CHAPTER 4

12 1 0
                                    


"Liliana bumalik ka dito! Wag kang bastos!"

Tumakbo ako palabas ng bahay.
Ayoko na! Aalis na ko dito. Tutal wala naman akong magandang naitutulong sa kanila. Sawang sawa na ako.

"Ate!"

"Ate! Wag ka umalis!"

Tumakbo pa ko ng tumakbo. Disidido na ako.

"Ate!!!!"

"Peeeeeeeeeeeeeeeeep!!!!"

"Mia!!!!!!!"

"Mia!!!"

Naistatwa ako..

Tumingin ako sa kanila..

Si Mia..

Puno ng dugo..Wala ng malay..

Nanginginig ako sa takot..

"I'm so sorry to say. Pero ginawa na namin ang lahat to survive her but she's dead on arrival. Im really sorry."

"Miaaaa!!!!!"

Umiiyak si Mama..

Umiiyak si Papa..

Hindi ko alam ang gagawin ko..
Hindi ako makagalaw..

Parang sasabog ang buong pagkatao ko..

Mia..

"Kasalanan mo to!"

"Kasalanan mo kung bat namatay ang kapatid mo!"

Kasalanan mo...

Bigla akong napabangon.

Hinahabol ko ang aking hininga.
At umiiyak ako. Napahawak ako sa dibdib ko.

Ang sakit.. sobra..

Miaaa..

Lumabas ako ng bahay.
Tumakbo ako palayo.

Gusto ko mapag isa.
Malayo sa tao..
Malayo sa mga taong mahal ko...

Alam kong matagal ko ng napatawad sarili ko.
Napatawad na ko ni Mia. At naniniwala ako..

Pero sa tuwing naaalala ko yung mga pangyayari. Nasasaktan ako.

Miaaa.... Sorry sa lahat ng nagawa ni Ate ha.. Miss na miss na kita....

Patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako at nakarating ako sa isang lugar.

Napatigil ako sa pag iyak.

Teka?

Hindi ko alam kung nasaan ako. Tumingin ako sa paligid.

Wowww! Ang ganda...

Isang malawak na hardin na napapalibutan ng puno. Parang hardin sa isang palasyo.

Maraming tanim at mga sanga, maraming paso kaso mukhang mga lanta at patay na.

Naglakad ako ng konti.

May nakita akong daanan. Para siyang pathway then may mga nakasabit na halaman sa taas at mga poste nito. Paglingon ko sa likod ko. Makikita mo yung kabuuang hardin, at kahit mukhang hindi na naaalagaan, maganda pa rin. Hmm, sino kaya gumawa nito?

Patuloy akong naglakad at nang malapit na ako sa dulo.

Playground! Playground yung nasa loob!!

Tumakbo ako papunta kaya lang may nakita akong tao.
Isang lalaki..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love & HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon