Chapter 103: Chasing Dogs

464 3 2
                                    

Mark's POV

"GOOD MORNING GUYS" - Mom

Umupo siya sa isang bakanteng upuan para sumabay sa aming kumain ng agahan.

"Good morning, Honey" - Dad

Ang cocorny. Nag gogood-morning pa ulit. Parang di naman silang magkatabing natulog.

Nagpatuloy lang ako sa pagsubo ng kinakain ko.

"Mark.. Pagkatapos kumain, mag ayos ka a." - Mom

"Para saan?"

"Pupunta tayo kila Ashleen"

Napatigil sa pagkain si Wendy.

"Kayla Ashleen?"

"Siya ang partner mo, di ba? So.. Kailangan natin pumunta sa kanila para mapagusapan kung anong dapat---"

"Bakit kailangan pang pagusapan yun? Mag eescort lang naman, kailangan pa ng usapan? Ang O.A naman"

Tinignan ako ng masama ni Mama.

"Okay. Fine. Gagawin na."

------------------

Pagkatapos kong maligo, pumorma na agad ako, nag ayos ng buhok at nagpabango.

Naiinis ako kay Mama. Ewan. Akala mo naman, ang gara gara ng Santacruzan? Sus. Mag barong lang ata ako dun, okay na e? Tsaka.. Wala namang escort nun si Ashleen ah.

Overacting.

Paglabas ko ng pinto ng kuwarto ko, nakasandal si Wendy sa may pader at naghihintay sa akin.

Malungkot ang aura niya ngayon.

"Hindi mo naman sinabi sa akin agad.."

Mahina niyang sinabi.

"Wendy? Ha? Hi.. Hindi ko naman alam yun e. Kahapon ko lang nalaman yun kay Mama.. Ayoko nga sana kas----"

"Ayaw mo?! Ang sabihin mo, gustong gustong gustong gusto----"

"Hindi. Hindi, Wendy"

"Ex mo ang makakasama mo dun. EX mo, Mark. At ako manonood ako sa inyong dalawa habang naglalakad kayo sa ilalim ng araw habang kinakantyaw kayo ng mga tao habang sinisigaw nilang BAGAY KAYO.. Okay yun?"

Medyo tumaas ang boses niya.

"Nagseselos ka ba?"

Bigla siyang napatigil sa pagsasalita at natahimik ulit sa isang tabi saka napasandal..

"Hirap naman" - Wendy

"So nagseselos ka nga?"

"Gwapo mo ngayon ah. Ayos yan. Ayos yang polo mo, pang professional"

Pagiiba niya ng usapan.

"Wendy. NAGSESELOS ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi."

"Sigurado ka?"

"E. E bakit? Masamang magselos?"

Natawa ako.

"So tinatawanan mo nalang ako?"

Lumapit ako sa kanya at pinisil ko ang ilong niya.

"Ikaw talaga! Hahahhaa. Seselos ka pa diyan! Di bagay sayo!"

"Wala ba akong dapat ipagselos?"

"WALA po :)"

"Sigurado ka?"

"Opo. Nagseselos ka na ye. Good boy po ako."

"Promise?"

"Wala nang promise promise! Gawin nalang!"

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon