Mahal Ka Ba? (ONESHOT)

4.1K 124 29
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Mahal Ka Ba? | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

Kasama mo sya sa lahat ng kalokohan mo, sa tawanan, sa kahihiyan, sa iyakan. Sya lang ang lagi mong nakaka-sama, sa kanya ka lang nag-sasabi ng problema mo, sa kanya ka lang nag-sasabi ng mga sikreto mo. Sya lang ang nakaka-alam ng lahat, sya lang ang pinagkakatiwalaan mo.

Sya lang ang lagi mong nakaka-text, sya lang ang laman ng sent items mo, sya lang ang laman ng 'folders' mo, sya lang ang laman ng saved messages mo, sya lang ang halos laman ng inbox mo. Nag papaload ka para lang maka-text sya, hinahabaan mo ang conversation nyo, ikaw lagi ang nag-bibigay ng topic para hindi maputol ang pag-uusap nyo.

Sya ang dahilan kung bakit ka nagiging masipag, sya ang isa sa mga inspiration mo, sya ang dahilan kung bakit ka araw-araw pumapasok, sya ang dahilan kung bakit lagi kang sumasagot sa klase nyo, sya ang dahilan kung bakit halos perfect na ang mga test mo. Sya ang nagiging inspiration mo sa pag-aaral mo.

Sya ang laging laman ng isip mo, sya ang laging bumabagabag sa isipan mo, sya ang unang maiisip mo kapag gigising ka sa umaga at bigla ka na lang mapapangiti, sya ang laging tumatakbo sa isip mo.

Sya ang taong mahal mo, sya ang taong hinahangaan mo, sya ang taong laman ng puso mo, sya ang taong nakakapag-pakilig sayo, sya ang taong tinitibok ng puso mo, sya ang taong mahal na mahal mo.

Pero...

Bigla ka na lang na gising sa umaga na iba na pala ang nasa isip mo.

Bigla ka na lang na gising sa umaga na malungkot ka at hindi masaya.

Bigla ka na lang na gising sa umaga na halos mawawasak ang puso mo.

Bigla na lang pumasok sa isip mo ang katanungan na...

"Mahal ka ba?"

••• END •••

Mahal Ka Ba? (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon