Mahal Kita,Em (one-shot)

49 5 0
                                    

Ako nga pala si Vincent Reyes, isang sikat na basketball player sa pinapasukan kong paaralan. Sabi nila ideal guy raw ako para sa mga kababaihan, na lahat raw ay nasa sa akin na, pero di nila alam, may isang bagay ako na di ko makuha kuha.

Matagal ko na syang gusto,pero naiinis ako sa sarili ko kasi di ko man lang maamin amin sa kanya itong nararamdaman ko.

Natatakot kasi  ako, lalo na yung puso ko sa pwedeng mangyari, baka pag oras na inamin ko sa kanya,baka bigla nalang magbago ang pakikitungo nya sa akin and worst kung bigla nalang syang mawawala na parang bula, hindi ko ata kakayanin yun .

Lalo na, at nasanay nako  na parati syang nasa tabi ko.
Kaya pinapadama ko nalang sa kanya kung gaano ko sya ka gusto.

Ika nga nila, "action speaks louder than words"
Malay natin sa ganong paraan magkaroon ako ng chance.

Pero di parin ako susuko, hahanap lang ako ng pagkakataon at lakas ng loob.

"Vin, dali na, nagugutom na ako oh, ang init init at nakatunganga ka dyan sa gitna ng daan"

Nabalik ako sa realidad ng tinawag ako ni em.

Sya nga pala, sya si em, Emily De Guzman ang babaeng matagal ko ng gusto, minsan napapaisip ako kung nagpapanggap lang ba sya na hindi naaapektuhan sa mga ikinikilos ko o sadyang ang manhid nya lang talaga?
O di  kaya baka  nagugustuhan nya nako?

Huh!imposible naman ata yun, manhid lang ata talaga si em.

"Tsk. Oo na po" napangiti ako sa pagmamaktol ng kanyang mukha, kahit kailan walang oras na di pinapatibok ni em yung puso ko.

Napatingin naman ako sa direksyon ni em, magkasabay na kami ng lakad ngayon diko maiwasang mapatitig sa inosenteng nyang mukha, kahit maraming humahabol sakin na mas maganda pa kay em, si em parin ang gusto ng puso ko, dahil ba simple sya at walang katulad?

"May problema ba vin?"

Napaiwas bigla ako ng tingin, "ah, wala naman :) tara bilisan natin nagugutom narin kasi ako eh"

Hinawakan ko yung kamay nya para mapabilis ang lakad namin papuntang cafeteria, bigla naman syang napahinto sa paglalakad.

"Oh? Bakit?" Tanong ko

"Ah,hehehe wala,wala tara?" Naiilang nyang saad

Napangiti naman ako ng palihim,

Kung bakit pa kasi sa kanya pa?
Bakit sa bestfriend ko pa?

Ang hirap naman nito oh, kung pwede nga lang sana mainlove sa iba eh, ginawa ko na

Ang kaso, hindi ko talaga kaya, dahil kahit saang  lugar man ako magpunta, ang nasa  puso't isip ko ay tanging hinahanap ay sya.

Shit! i'm being corny here
Ganito ba pag nagmamahal ang isang tao?kung ano ano na ang sinasabi?

Pero umaasa parin ako,malay natin, di natin masasabi ang takbo ng panahon.

"Oh eto pa em, kainin mo yan, ako ang naglibre nyan kaya ubusin mo."

"Eh hindi ko na kaya vin eh, busog nako," napatingin naman ako sa labi nya. Ginagawa nya na naman , natetempt tuloy akong halikan sya

"Tingnan mo ang isang to, akala ko ba gutom ka? Wag kang mag alala galing sa puso ang paglibre ko sayo em,
At isa pa kaya di ka tumataba eh, kita mo ang payat payat mo"

Kumuha ako ng tissue at inilapat sa bibig nya

"Punasan mo nga yang bibig mo, kahit kailan ang kalat mo talagang kumain em" pagbibiro ko

Mahal Kita, Em (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon