Chapter 66

51 0 0
                                    

Sumama

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Good morning, Doc." bati ko sa OB Gyne na kaharap namin. She's a friend of Vladd's friend.

"Good morning too. You're Mrs.?" ngiti ng doktora sabay tingin sakin saka kay Vladd. Kita tuloy ang braces nito. Ang ganda niya.

"Ms. Esguerra po.." kako nalang. Akala niya siguro married na ako. Kasama ko ba naman si Vladd eh. For sure aakalain niyang mag-asawa kami.

"Oh, he's not your husband?" natawa siya. "Pasensya na, akala ko mag-asawa kayo.

"No po, Doc." Naglahad ng kamay si Vladd. "I'm Vladdimir Carter. Glenford Ramirez was a friend of mine.." aniya

"Oh!" inabot ng Doctora ang kamay ni Vladd. "Kayo pala yung sinasabi ni Glen..Anyway, I'm Doctor Grizelda Alejandro..You can just call me Doc. Zel."

Tumayo ako at nakipagkamay din sa doktora. "Hello po, Doc. Zel. Ako po si Marionne Aliyah Esguerra."

Nagpatuloy ang usapan naming tatlo hanggang sa pumasok sa kami ni Doc. Zel sa isang kwarto para ako sa UltraSound session. Nagpaiwan na si Vladd sa labas kaya kami nalang ng doktora sa loob. Nagtatanong-tanong siya habang isinasagawa ang session.

"I thought he's your husband? Kung hindi pala ay nasaan ang ama ng bata?" tanong niya.

"Complicated po Doc eh. Hindi po maganda ang relasyon namin.." sabi ko naman. Wala naman din akong balak magkwento sakanya tungkol sa aeay-pamilya namin.

Kung huhulaan ko ang edad ng doktorang ito ay hindi nalalayo sa edad ko. She seems to be young, and maganda talaga siya, maputi at makinis pa.

"Ah, ganun ba. Kung ano man ang pinagdadaanan niyo, sana ay maayos niyo yan. Your child needs a father. At ikaw rin, kailangan mo ng mag-aalalay sayo sa buong pagbubuntis mo..." aniya naman.

Hindi na ako nagsalita. She has the right to say that, alam niyang iyon ang makakabuti sa akin at sa bata na rin pero hindi kasi talaga madali ang sitwasyon namin ni Brayden. Magulo. Sobrang gulo.

Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng kung anung gel sa tyan ko saka may itinutok na kung ano. Sa monitor na nakahanda roon ay nakita ko ang ultrasound vision ng tyan ko. Halos mapaiyak ako nang makita ko isang kakaibang bilog na naroon.

"Ayan.. Nakikita mo ba yan? Eto... Hindi pa siya ganoon nakikita dahil maliit pa siya pero healthy ang baby mo, Ms. Marionne.." ani Doc Zel.

At hayun na nga. Nagpunas ako ng luha, hindi ko iyon napansin dahil sa sobrang saya ko. Ganito pala ang feeling ng magiging ina. Ganito rin kaya ang feeling ni Mama noong ipinagbuntis niya kami ni Maricon? Napangiti nalang ako sa naisip. "Hindi pa po ba malalaman ang gender ng anak ko Doc?

"So far, hindi pa sa ngayon dahil 5 weeks palang naman siya pero mataas ang possibility na babae ang magiging anak mo.."

Napangiti ako sa sinabi niya. Babae.

Natapos na ang session na iyon. Nagbalik na kami sa office ng doktora. Nanghingi ako ng kopya ng ultrasound ko, laking pasasalamat ko naman na binigyan niya ako.

Niresetahan niya din ako ng ilang vitamins para sakin at sa baby ko. Inilista niya rin ang do's and dont's para saakin. Nagpapasalamat ako dahil ang hands-on niya saakin.

"Basta, wag mong kakalimutan ang monthly check-up mo hah... Kailangan mo yun at ng baby, para mamonitor natin siya... Alagaan mo siya..." ani Doc Zel.

"Opo Doc Zel. Maraming salamat po..."

"No worries... Basta wag mong hahayaan ang sarili kong maistress.. Masama iyon sa pagbubuntis..." aniya pa. Napakabait niya talaga. Saglit palang kaming magkakilala ay magaan na ang loob ko sakanya.

"Thank you po talaga Doc." kako naman at nakipagshakehands ulit.

Lumabas na ako sa office ni Doc Zel saka nagpalinga-linga. Hindi ko kasi mahanap si Vladd. Pagkalabas namin sa kwarto kung saan ako i-ultrasound ay hindi ko na siya nakita. Malamang nagpapahangin na iyon sa labas.

Naglakad-lakad ako sa hallway hanggang makarating ako sa bukana malapit sa garden. Nakita ko roon si Vladd na may kausap sa cellphone niya.

"I don't know... Pwede ba, Monteverde!" he hissed. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kausap niya si Brayden.

"Hindi ko siya kasama! Go and find her! Alam kong ayaw ka niyang makita! Ba't kasi ang kulit mong tarantado ka eh" sabi pa nito.

"Ilang beses ko bang sasabihing tigilan mo na siya! Sinasaktan mo lang siya! Gago ka! Wag kang magpapakita sakin... Tigilan mo na si Marionne! Hayaan mo na siya!" tila nanggagalaiti na si Vladd.

"I'll hang it up! Asshole!"

Pagtapos noon ay pinatay na niya ang tawag saka tumalikod. Nakaharap na siya saakin. Halatang nagulat siya sa presensya ko.

"Ma-Marionne? Kanina kapa diyan?" tanong niya. I just nodded. Ewan ko pero parang nalungkot ako. Matapos kong malaman na healthy ang baby ko ang napuno talaga ako ng tuwa pero ngayon narinig kong kausap ni Vladd si Brayden ay para akong nawalan ng lakas. Masama ito, sabi ni Doc Zel ay bawal akong maistress. Hayy. Mahihirapan ata ako sa pagbubuntis kung laging ganito.

"He called. Tinatanong niya saakin kung kasama ba kita, gusto ka niyang makausap." sabi niya.

Hindi naman ako nagsalita.. "Umuwi na tayo..."

Nabigla siya sa sagot ko. Nakuha naman siguro niya ang gusto kong sabihin. Wag nang pagusapan si Brayden. Tumango na siya at inalalayan ako palabas ng Clinic.

Sa biahe ay tahimik lang ako. Si Vladd lang ang nagsasalita at tinutugon ko lang siya kapag tinatanong niya ako.

"Babae raw? Wow.." sabi niya sa excitement ng sabihin kong baka babae.

"Wala pa, Vladd. It's just a possibility... Hindi pa sigurado..." sabi ko naman. Tuwang tuwa kasi siya.

"Kahit na! Basag trip 'to..." sabi naman niya. Maya-maya'y bigla siyang nagseryoso. "Marionne..."

"Hmm?" sagot ko.

"Mayroon akong aadikasuhing business sa Grenoble, France... Baka gusto mong sumama..." aniya.

Napalunok ako. Ako? Sumama? Hindi ako nakapagsalita. Huminto ang sasakyan dahil da traffic. Doon siya nagkaroon ng pagkakataong humarap sakin. Hinawakan niya rin ang mga palad ko.

"I want you to be okay. At magiging okay ka lang at ang baby kapag malayo ka dito. Malayo ka sa problema. Malayo ka dun sa Monteverdeng yun... Kung gusto mo lang naman... All I want is your welfare... That's it..." sabi niya.

Hindi ko alam kung anung sasabihin. "Salamat sa concern mo saakin, Vladd. But, let me decide first... Ikaw na rin ang nagsabi na pag-isipan ko muna ang bagay-bagay bago ako magdesisyon.." sabi ko naman. Totoo naman iyon, dahil ngayon hindi na sarili ko ang dapat kong isipin. May buhay na rin sa sinapupunan ko kaya kailangan ko talagang magdrsisyon ng tama. Para sakin, at sa kinabukasan ng magiging anak ko.

"Okay then, if that's what you want..." sabay ngiti niya at nagpatuloy na sa pagdadrive.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon