Naglakad-lakad ako
sa tabing-dagat
isang umagang
maganda ang panahon
Nakangiti ang araw
Ang mga ulap ay sumasayaw
Masasaya ang mga batang
nagtatampisaw
Sana katulad din nila ako
Pero
heto ako
Pinipilit ngumiti
gaya ng araw
Pinipilit sumayaw
gaya ng mga ulap
Pinipilit magtampisaw
gaya ng mga bata
Subalit
hindi ko nagawa
Nang maabot
ng hampas ng alon
ang aking mga paa
kagyat na pumasok
sa isip ko
ang mga alaala
mula nang siya
ay aking makilala
Lumayo ako
sa dalampasigan
upang hindi na maabot
ng hampas ng alon
ang aking mga paa
upang hindi ko na siya
maalala pa
Sana
Ngunit
tulad ng pagpilit kong ngumiti
gaya ng araw
ng pagpilit kong sumayaw
gaya ng mga ulap
at pagpilit kong magtampisaw
gaya ng mga bata
hindi ko nagawa
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoesíaIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].