A/n Hi Unnie! Thank you sa pag gawa ng cover na'to! Ang amazing talaga! Sa susunod na gagawa ka ng shop, magpapagawa ulit ako! Kung ayos lang! :*
---
Meri's POV
"Ba't mo s'ya pinalayas?"
Oh fudge. Ito nanga. Huminga ako ng malalim saka s'ya tiningnan. Hindi ko pwedeng ibalik ang tanong dahil ang ibig sabihin lang nun, wala akong masagot.
"Dahil sa marami na s'yang ginawang mali sa'yo at sinabi ng Ate mo."
"Inutos ni Ate 'to?"
"Hindi inutos, favor lang actually, pero ako ang pumayag dahil nakita ko rin ang ebidensya."
"Anong ebidensya?"
"Na nagiging masama s'ya sa'yo." 'Yun ang sabi ko.
Natawa s'ya na mukhang pilit. Scoff, kumbaga. Kinakabahan ako ngayon, baka ito ang first time na magalit si Kuya Miah.
"Pa'no mo nalaman?" Tanong ko.
"Hindi ba obvious? Wala s'ya sa school ng mga ilang weeks!"
Takte, tumaas na 'yung boses n'ya. "Sige nga Meri, sabihin mo kung ano ang ginawa n'yang masama sa'kin?"
"Sinaktan ka n'ya Kuya! Nakita ko 'yung post n'ya sa FB na binasted ka na n'ya tsaka 'yung sinabi n'yang wala ka namang kwenta!"
"Ano naman ang bilang ng isang post lang?! Malay mo nagkukunwari lang s'ya!"
Kalabaw naman 'to, nagsisigawan na kami. " 'E Kuya, sinaktan ka n'ya! She deserves ang nangyari sakanya dahil sumobra na s'ya. Tsaka Kuya, ang baba ng tingin n'ya sa mga hindi n'ya kakulay ang balat! Paano ko ito nalaman?! Hindi naman gagawa ng kwento si Ate JM kung magsabi s'ya! Ano ba nagustuhan mo sakanya Kuya?"
Hindi ako nasagot agad ni Kuya Miah dun sa tanong ko, ngunit, yumuko s'ya. "Naiintindihan 'kong mahal lang ako ni Ate kaya n'ya ito nagawa, pero, kailangan mong ibalik si Cathleen sa school na'min dahil sa ayaw 'kong maging sobrang masama na tao, dahil sa binasted lang ako, maghihiganti na ang taong nagmamahal sa'kin sakanya!"
"She's... UGH! Why would you even like her, Kuya?! Ano 'yun, tumunog bigla puso mo sakanya?!"
"Paano kung sinabi 'kong oo?! Tumunog puso ko sakanya ng walang dahilan!"
Hindi an ako napasagot, alam 'kong, pag tumunog na ang puso mo sa isang tao, hindi na kontrolado 'yun. Mahal ko nga si Kuya Gerald, pero.... hindi tumunog puso ko sakanya. Napamahal ako dahil sa pagiging close ko sakanya, wala narin akong naisip na iba kundi s'ya nung mga oras na'yun. Hindi ko gets kung nalaman mo na tumunog lang puso mo dun sa isang tao, mahal mo na agad?
Tsaka, na-realize ko na, hindi mo matre-train ang sarili mo para hindi masaktan, dahil hindi mo naman alam kung gaano kasakit ang ibibigay sa'yo na sakit nung tao. You can train yourself na hindi maging super hina pag nasaktan, like, 'yung hindi magmukmok sa kwarto mo na parang buhay mo na 'yung lalaki.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita.....BAKLA!
Teen FictionBakit sa hindi lalaki pa ako nagmahal? Malas ba talaga ako? Tanga ba talaga ako? O talagang ginawa ito ng tadhana? -Meri Tasoro Credits to the cover by: @taehubae