Sh*t... Sino ba kasi tong Alec Lawson na 'to?
Ano bang atraso ko sa gagong 'to?Agad binuksan ko ang laptop ko.
ArgHhh... Walang Facebook. Impossible to. Siguro idiniactivate niya iyong account niya para di ko siya mahanap. Pero bakit naman?
ArghhHhh... Di na gumagana ng maayos si utak.Palo Palo Palo...
Google! Tama.
Type type type...
Hindi!!! Ba't walang Alec Lawson dito?
NoooOo!
P'ano ko malalaman kung sino to?
Kung di ko alam kung sino siya, paano ko malalaman kung ano ang motibo niya sa paninira sa'kin?Malamang writer din to. At siguro, gusto niya lang akong siraan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat. At baka walang pumapansin sa mga gawa niya kaya ganito na siya ka disperado.
Pero teka... Kung gusto niyang mapansin, ba't wala siyang ni isang litrato para sa publiko?
ShiIt... Wala talagang magandang dulot tong pagkukulong ko sa kwarto. Nagdedeteriorate na utak ko.
Nasaan ba kasi si Ron? Hay naku... Kung kailan kailangang kailangan ko ang mokong, ngayon pa siya wala.
Pero mas kailangan kong ayusin tong gusot na kinasasangkutan ko.
Kaya tumayo ako't agad nagbihis.
ayoko lumabas pero kailangan kong puntahan si Mr. Al. Sigurado akong may nalalaman siya.Pagka baba ko ng hagdanan, naabutan ko si mama na nagwawalis habang nanunuod ng TV.
"Ma, akala ko nasa coffee shop ka. At ba't ka naglilinis?" Sabi ko. "Nasaan ba sina ate Perla at Rose?"
tumigil muna si mama sa paglilinis. At sa pamamaywang niya palang at pagkunot ng noo, alam ko na, not in a good mood si mudra.
"Ayon, sinisante ko't agad pinalayas." Galit niyang pahayag.
"Ha? Bakit naman ma?"
"Nahuli ko kasing nagtsitsismisan eh." Sabi niya't tila nag-iba't parang meyo humina ang tono ni mama. "Sabi kasi nila na ninakaw mo lang daw iyong kasikatan mo nak eh."
ha? nalaman ng mga katulong? siguro narinig nila usapan namin ni Mr. Al sa telepono.
Talaga tong si mama. "Ma..." Di ko na napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"hali ka nga rito." Ibinuka ni mama ang kanyang mga bisig kaya lumapit ako't niyakap siya.
"Alam mo sa sarili mong walang katotohanan iyong paratang sa iyo kaya huwag kang papatalo sa mga makikitid ang utak na nanghuhusga agad." Sa pagkakasabi ni mama nito, mas lumakas pa ang iyak ko at mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.
"Alam kong matatag ka't kaya mo to." Dagdag niya.Si mama ang una kong kinausap pagkatapos no'ng usapan namin ni Mr. Al.
Pero no'ng sinabi ko sa kanya, di ganito ka drama.Gumaan na ang pakiramdam ko, kaya't pinunasan ko na ang luha ko.
"Ma pupuntahan ko po muna si Mr. Al."
"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ni mama na halatang nag-aalala pa rin.
"Kaya ko na 'to ma." Sabi ko.
Habang nagmanehong mag-isa papunta sa publishing company ni Mr Al, di ko na naman napigilang maisip ang taong dahilan ng lahat ng ito.
Alec Lawson- di ko alam, pero pakiramdam ko, kilala ko tong taong to.
BINABASA MO ANG
Connected
Romance"panaginip"- dito nagsimula ang lahat. Sino ba naman ang mag-aakala na mababago at mailalapit ng isang panaginip ang buhay ng dalawang taong nasa magkabilang parte ng mundo. "Imposible." Ito ang nais na paniwalaan ni Alec at Leigh. Pero kahit ano ma...