PASSENGER'S SEAT ♥
by : iLoveHerEyes
Nakita ko na naman si Kim , ang babaeng matagal ko nang pinapangarap at minamahal .
Nasilayan ko na naman ang maganda nyang mga mata , makinis nyang pisngi , at matamis nyang ngiti .
Ngunit , paano ko sya maabot , eh driver lang naman ako , at siya ang anak ng boss ko ...
-----
Ako nga pala si Xie , ang mama ko ay yaya ng isang pamilya at sa pamilyang pinagisilbihan ng mama
ko , ako ang kanilang driver . Wala na akong papa , iniwan nya na kami nang ako'y Grade 1 pa . Dito na kami nakatira
ng nanay ko sa bahay ng amo namin . Di naman nila pinagkait yun , sa katunayan sila pa nga ang nagpatira samin dito ,
ehh paano naman kasi , tatatlo lang sila nakatira dito , dito sa MALA-CASTLE na bahay na ito :D
TEKA NGA ! Ba't parang ininterview ako nito ? Eh di naman ako nag aapply ng trabaho ! May trabaho na ako diba ? Diba driver na nga ako
ng pamilyang sobrang yaman at may mala CASTLE na bahay ? ENG ENG mo talaga Xie ! Tapusin mo na nga yang kakakwento dyan sa
personal background mo XD !
HAY ! * binat binat * Nagsimula na naman ang panibagong araw . KAINIS nman ohh , antok pa ako ehh X__X !!! Pero ano pa ba magagawa ko ,
may trabaho pa ako ehh at may gusto rin akong makita ngayon , ang pinakamamahal kong nilalang . OO nilalang , dahil hindi sya tao , ANGHEL siya , ANGHEL ^____^ !!
Pumunta na ko sa banyo para maligo , tapos lumabas na ko at nagsout na ako ng uniform ( WOW ! pati driver may uniform ? SOSYAL X'D !! ) . Nag abang
na ko sa labas para ihatid ang aking prinsesa este * ehem * master ( WEW ! pati ang tawag sa boss ang eng eng ehh noh X'P !! ) ko sa kanyang eskwelahan .
4th year highschool pa kasi siya . Lumabas na sya ng pinto , and as usual , napanganga na naman ako sa kanyang MALA-DYOSANG kariktan ( WOAH ! kariktan ,
lalim tsong di ma swim :'P !! ) , parang ganito ohh :( ) !! Di ko talaga maiwasang titigan sya , halos tumulo na nga laway ko sa nakikita kong binibini ngayon !
Ehh paano naman kasing hindi , ang gandang dilag nitong isang to ehh ! Yung mata nya , sing linaw ng sikat ng araw , yung buhok nya , sumasabay sa pagsayaw
ng hangin at higit sa lahat , yung mala anghel nyang ngiti , parang pina package ako nito sa langit ! Ang hirap talagang iwasang di mainlove lalo
dito sa babaeng to , kasi bukod sa di madedeny nyang ganda ( TAKE NOTE ! walang make up yan ah , natural palang yan , eh paano nalang pag mag make up ! Edi
magkakandarapa na mga lalaki dito ! ) , mabait na , matalino pa , oh ano pa hinahanap mo sa isang babae ? Million times na nga akong nagpa balik balik sa
garment store ehh para bumili ng bagong damit , wasak kasi lagi eh ! Dahil sa twing makikita ko sya , ang lakas ng kabog ng puso ko :'''''> !
Nabalik lang ako sa ulirat nang tinapik nya ako , " Uy kuya , itikom mo yang bibig mo , baka makain mo'ko HAHAHA :D ! " masaya na sana ako eh ,
kasi narinig ko ang malambot nyang tawa , ang kapares ng kanyang ngiti na tanging gatepass patungong heaven kaso , tinawag akong KUYA