Capitolo 21: Plan E
Jhon's POV
Hindi sya sumagot. Nakayuko lang sya tapos umiyak na sya.
Hala!
"Dana?" Oh shit. "Don't cry." Binitawan ko ang kamay nya para pahiran ang mga luha sa mata nya pero hinahawi lang nya yung kamay ko. "Sorry."
Hindi pa rin sya tumatahan. Hindi naman sya nakainom ngayon diba? Ngayon ko lang syang nakitang umiyak ng ganito, hindi tumatahan. Napagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito.
"Dana, sorry." Kinuha ko yung kamay nya at tiningnan king nagalusan ko ba sya o kaya naman may pasa. Salamat, wala namang marka. "Masakit ba ang pagkakahawak ko sa kamay mo? Sorr--"
"Bitawan mo nga ako." Yukong yuko na sya. Nahihiya atang makita sya ng iba na umiiyak pilit nyang pinupunasan ang mga luha nya kahit na ba patuloy pa rin yung pag-agos. "Walang masakit sa akin."
"Then why are you crying? Tell me." I came near her ang cupped her chin so I can look at her clearly. "Tell me." Hindi kasi sya sumasagot at umiiwas lang ng tingin sa akin.
"Galit ako sayo!"
Nashock ako dun kaya nabitawan ko yung baba nya at napaatras.
"Nakakainis ka!" Mas lalo ko pang kinagulat yung paghahampas nya sa dibdib ko. "Lagi kang nangungulit, lagi kang sunod ng sunod. Nakakairita ka tapos sa isang idlap hindi mo na ako pinapansin. Ano yun? Trip mo lang mangulit sa akin? Na wala lang yung mga sinasabi mong 'gusto mo ako', na gusto mo akong maging girlfriend? Haha! Okay na sanang tuluyan ka nang umiwas sa akin pero lagi ka na naman nanjan at parang wala lang ako sayo. Hindi mo nga ako ginugulo directly pero naapektuhan ako." Halos makapusan sya ng hininga dun. Hindi na sya umiiyak pero mukhang galit naman sya ngayon.
"Dana."
"Naiinis ako kung anong ginagawa mo sa utak ko alam mo ba yun? Hindi ka matangal sa utak ko."
Parang nabingi ata ako. "What do you..."
"Oo na gusto na kita!"
Bago pa mag load sa utak ko yung sinabi nya, tinalikuran nya na ako kagad mukhang aalis na. Sandali nga, gusto nya ako? Ako?! Teka lang! "Dana!" Hinabol ko sya. Eto na yung hinihintay ko, naririnig ko na. "Gusto mo ako?"
Natigil sya sa paglalakad para tingnan ako. "Nasabi ko na. Ayokong inuul--"
"I like you too Dana." Mahigpit ko syang niyakap. Nananaginip lang ata ako, pero nayayakap ko sya. Hell! This is real.
"Nasasakal ako."
"Ay sorry hehe!" Bumitaw ako sa pagkakayakap. Tiningnan ko sya sa mata. Iwas naman sya. "Dana naman. Tingnan mo nga ako."
"Ayoko."
"Isa... Dalawa.. Sige ka hahalikan kita."
Natakot naman kaya tumingin na sa akin. "Bakit pa kita kailangan tingnan?"
"Wala lang. Masaya lang ako."
Hinampas na naman nya ako. Mukhang iiyak na naman. "Tigilan mo nga ako."
"Bakit ka na naman naiiyak?" Tanong ko sa kanya. Pinapakaba ako ng babaeng ito kada iiyak sya.
"Wala. Masaya lang ako."
Mabilis ko syang niyakap uli. "Buti naman umamin ka na ngayon. Kala ko hindi mo na ako papatulan."
"Dapat sana." She pulled away. "Kaso lang narealize ko na namimiss ko kakulitan mo." Sa mga sinabi nya kita ko naiilang sya at namumula. Alam ko hindi sya palagay sa pinagsasabi nya. Sa tagal kong sinusundan sya nakita kong hindi sya sweet na tao...
..kaya ako na lang ang magpapakasweet. "Dana, I missed you too. Those past few weeks..." Hindi ko napagpatuloy kasi nagriring yung cp ko.
Panira naman!
"Sagutin mo na." Tango na lang ako saka sinagot yung tawag.
[Failed ka na naman ba?]
"Raven?"
[sasabihin ko na yung Plan E. Marami pa akong gagawin]
"Hin--" Hindi ko na napagpatuloy ang pagtanggi.
[Plan E: Ignore all the past plan. Go to her and tell her what you really feel.]
Ganun na nga ginagawa ko bago ka tumawag. Tss! Pero kahit papano effective naman yung mga plano nya. "Thanks pre." Saka ko inend yung call.
Tama gagawin ko na ang Plan E. "Dana.."
"Huh? Si Raven ba yun?"
"Oo. Dana may sasabihin ako."
"Kanina ka pa nga may sinasabi."
Napalunok ako ng laway. Nakakakaba rin pala. "Dana, I-I d-do everthing just to be your boyfriend. Kung kulang pa yung pagsunod ko sayo, yung pangungulit ko, yung mga makeso kong linya dadagdagan ko pa mapasagot lang kita." Walang hingahan yun. Nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. Well, hindi ka straight forward tulad ng dati pero eto mas sincere at serious.
Kinakabahan na ako sa sagot nya. Hindi sya nagsasalita at gulat lang na nakatingin sa akin.
"Sira! Papayag na akong maging girlfriend mo wag mo lang dagdagan ang kakulitan mo."
Ako naman ata yung natulala at nagulat sa narinig ko. Mga 10 seconds ako bago sumagot. "Pumapayag ka na maging girlfriend ko?"
"Hindi. Sabi mo diba gagawin mo lahat? Kung ganun manligaw ka muna."
YES! May pag-asa na ito!!! "YES!"
"Sinasagot na ba kita?"
"Hindi pero pwede na. Kaunti na lang.. Yes!" Sa sobrang saya ko niyakap ko sya. Taena, sya lang ang nagpapaganito sa akin. Sobrang saya ko!
"Umuwi na nga tayo at magpaliwanag ka kung bakit mo ako iniiwasan"
Habang naglalakad pauwi(Oo, naglakad lang kami para mas mahaba ang oras na magkasama kami.), naikwento ko sa kanya yung pag tulong sa akin nila Raven at Bien kasama na rin yung mga plano.
"So pinagplanuhan nyo to?!"
"Dana.."
"Bitawan mo nga ako!"
"DANA naman! Huy! Hindi naman lahat ng ditalye. Sandali lang."
"Ewan ko sayo. Galit ako sayo!"
Tanginess talag itong sila Raven at Bien! Malalagutan sila sa akin pag nakita ko sila.
------
Okay lumilevel up na si Jhon. In courting na ang status nila?
What can you say? ComVo!!
In my opion as a girl, kung mutual naman yung feelings nyo bakit nyo pa sya paliligawin sayo diba? Hahaha! Distorted utak ko jan sa panliligaw na yan. Mostly pag sa panliligaw stage puro pa-impress lang yung mga lalaki. Oy ah, opinion ko lang to. Kayo ano opion nyo sa PANLILIGAW?
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Подростковая литератураJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?